Natasha's POV.
Sa halip na ang daan papunta sa condo ay ibang daan ang tinatahak namin.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Basta. You'll see" tumahimik nalang ako at hinintay na makarating kami sa balak niyang puntahan.
Huminto kami sa may harap ng dagat. Ipinarada niya sa gilid ang motor kaya bumaba na ko at hinubad ang helmet.
"Anong gagawin natin dito?"
"To refresh your mind. You've been so stressed, and I want you to relax kahit ngayon lang" bahagya akong napangiti.
Naglakad na kami sa buhanginan palapit sa umaalon na tubig. Palubog na ang araw kaya naman hindi na mainit sa puwesto namin.
"First time kong manonood ng sunset" huminto kami sa paglalakad at naramdamang hinawakan niya ang kamay ko.
"You can watch it everyday with me" napangiti ako at hinawakan pabalik ang kamay niya. Napalingon siya sa'kin at tinignan muna ang kamay naming magkahawak bago tuluyang tumingin sa'kin.
Unti-unting lumawak ang ngiti ko sa kaniya at humakbang nang mas malapit.
"Mahal na rin ata kita" sabi ko. Nakita ko kung paanong unti-unting lumaki ang mga mata niya at doon sumilay ang ngiti sa labi niya.
"R-really?" tumango ako at tumitig sa mga mata niya.
"Totoong-totoo, Selene" napakagat siya sa ibabang labi niya at agad akong niyakap. Bahagya naman akong natawa habang niyayakap siya pabalik.
"Damn.." bulong niya at muli akong natawa.
"No'ng gabi na hinalikan mo ko, doon ko lang na-realize" sabi ko bago siya bumitaw sa yakap. Hinawakan niya ang pisngi ko at matamis na ngumiti sa'kin.
"I'm glad.. you're mine now" marahan akong tumawa bago tumango habang nakangiti. Napapikit ako nang halikan niya ko sa noo.
Napangiti naman ako nang muli kaming magyakap habang sabay na pinanood ang paglubog ng araw.
"Wala kang homework?" tanong niya. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa motor niya.
"Meron, ililista ko sa official list yung mga nagpalista kanina sa club"
"Hmm.. good luck sa club niyo ni Gavin. Masungit pa rin ba sa'yo 'yon?"
"Minsan hindi, pero madalas oo" natawa siya at nailing.
"Gano'n talaga yung bata na 'yon pero mabait naman" ibubuka ko sana ang bibig ko para sabihin yung binilhan ako ng uniform ni Skyler, pero ayoko siyang mag-alala kaya hindi ko na muna sasabihin.
"Let's go, para matapos mo agad yung gagawin mo" ngumiti ako habang tumatango at isinuot na ang helmet. Sumakay na muna siya bago ako umangkas.
"Bababa ka rin?" takang tanong ko nang bumaba siya sa motor pagkatapos ko.
"Hmm. Ayaw mo ba?" sagot niya pagkahubad ng helmet.
"Hindi naman, e akala ko doon ka sa bahay niyo kakain"
"I'll eat with you, or I'll eat you"
"Ha?!" marahan siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.
"Just kidding. Come on, ako magluluto ng ulam" naglahad siya ng kamay.
"Anong iluluto mo?"
"Pork steak" malawak akong ngumiti at saka kinuha ang kamay niya. Naglakad kami papunta sa elevator at pinindot na niya ang 10th floor.
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
RandomNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...