Chap. 1

2.2K 31 3
                                    

Natasha's POV.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa baba. Nandito kasi ako sa kuwarto dahil nakatulog ako sa kahihintay kay Tatay. Siya na lang ang kasama ko dahil namatay si Nanay 8 years ago nang ipanganak ako. Ang sabi kasi ng doctor, isa lang ang mabubuhay sa'min dahil may complications na si Nanay. Nag-usap silang dalawa at napagdesisyunan na ako nalang ang bubuhayin. Napagtagumpayan naman ni Tatay na buhayin ako mag-isa at nag-aaral ako ngayon nang elementarya sa isang public school.

Nagkusot ako ng mata at nagdesisyon na lumabas ng kuwarto ko at bumaba.

"Sandali lang Ana, gigisingin ko lang si Tasha para maipakilala na kita" rinig kong sabi ni Tatay habang bumababa ako ng hagdan.

Sino si Ana? Bakit niya ipapakilala sa'kin?

Paakyat na sana si Tatay nang makita niya ko sa hagdan na pababa na.

"Oh ito na pala siya e, halika anak. May ipapakilala ako sa'yo"

"Sino po?"

"Halika" kinuha niya ang kamay ko at inalalayang makababa. Naglakad kami palapit sa inuupuan ng babae na may kasamang dalawang bata; baby pa ang isa.

Tinitigan ko ang babae at nakangiti siya sa'kin. Pero hindi ko siya nginitian. Iba ang pakiramdam ko sa mga ngiti niya.

Parang...

Parang may itinatago siyang kung ano.

"Natasha, ito si Tita Ana mo. Ana, si Natasha, anak ko" hinawakan ng babae ang isa kong kamay dahil karga niya ang baby niya.

"Hi, Natasha. Kamusta?" nakangiti at matamis ang tono niyang sabi.

"Hello po" walang-ganang sagot ko.

"Ako nga pala ang magiging nanay mo simula ngayon, gusto mo ba 'yon?" nakangiti niyang tanong. Taka naman akong tumitig sa kaniya at tumingala kay Tatay para manghingi ng mas malinaw na sagot.

Bumuntong-hininga muna si Tatay bago lumuhod sa harap ko para magkasing-taas na kami; hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang ngumiti sa'kin.

"Tasha.. anak, alam kong hindi mo gaanong maintindihan pero kasi.. kailangan mo ng magbabantay at mag-aalaga sa'yo habang wala ako rito sa bahay. At alam mo naman na matagal nang wala sa'tin ang Nanay mo diba? Mahal ko ang Nanay mo, pero mahal ko rin ang Tita Ana mo. Panahon na ulit para magkaroon ka ulit ng Nanay. Willing naman siya na maging nanay mo, e. Okay lang ba sa'yo 'yon?" tinitigan ko si Tatay bago ko ulit tinignan si Tita Ana. Hindi ko talaga gusto ang aura niya. Pero kung talagang mahal siya ni Tatay at Masaya siya rito, pagbibigyan ko siya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. Malawak namang napangiti si Tatay at tinitigan ang mukha ko.

"Talaga, anak? Payag ka nang maging nanay siya?" muli akong tumango habang nakangiti. Nakikita ko sa mga mata ni Tatay ang kasiyahan.

Mahal na mahal ko si Tatay kaya kung saan siya masaya, doon din ako. Tumayo na siya at muli akong iniharap sa mga bisita.

"Siya nga pala, ito si Kuya Keno mo, 10 years old na siya, at ito naman si Bebang, mag-iisang taon palang siya." nginitian ko sila at kinawayan. Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Tatay na muling aakyat sa kuwarto para gumawa ng assignment. Pumayag naman siya kaya umakyat na ulit ako sa kuwarto ko.

Wala naman talaga akong assignment dahil nagawa ko na kanina pa. Ayoko lang silang kausapin dahil wala naman akong sasabihin. At isa pa, ayoko sa babae na 'yon dahil iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Nararamdaman kong mahal talaga siya ni Tatay kaya pakikisamahan ko nalang siya kahit na labag sa loob ko.

Ilang buwan ang lumipas ay ikinasal sila ni Tatay kaya naman dito na sila titira sa bahay. Nagiging maayos naman ang lahat kapag kasama namin si Tatay. Pero kapag wala siya sa bahay ay ibang Tita Ana ang nakikita ko. At yun ang hinala ko unang kita ko palang sa kaniya.

Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon