Natasha's POV.
Nakauwi na rin kami sa Pilipinas. Nagpahinga lang kami saglit bago dumiretso sa Tagaytay. Ang sabi ni Selene 5 days daw kaming mags-stay dito, sulit na 'yon para ma-enjoy namin ang second honeymoon. Then after nito, babalik na kami sa trabaho. Boss pa rin siya at ako ang secretary.
Huminto na kami sa parking lot at inilabas ang dalawang maleta. Tig-isa kaming nagdala papasok sa loob dahil hindi naman ako tamad. Winelcome naman agad kami ng nasa front desk at agad na in-assist. Nakapag-book na kami ng room dito bago pa kami makauwi ng Pilipinas. Pinatuloy niya kami sa lobby kung saan doon maghihintay para sa magsisilbing tour guide namin. Binati muna kami ng manager bago siya nagpakilala at ipinakilala niya rin ang magto-tour guide sa'min.
"Good day, Ma'am! Congratulations for your wedding and best wishes. By the way, I am Darcely Morales, your tour guide for today. And It's my pleasure to meet you two here in Tagaytay. You already have your room so, ang gagawin na po natin agad ay lilibot sa buong Tagaytay. If you have any questions, please ask. It's my job to answer them." nakangiting sabi ng tour guide. Tinitigan ko siya dahil pamilyar ang mukha niya.
"Hi, I'm Selene and this is my wife, Natasha. Glad to meet you" nakipag-kamayan kami sa kaniya habang malawak ang mga ngiti sa labi.
"Our agent, Anthony will going to help you with your suitcases para mailagay sa kuwarto ninyo." nilingon naman namin ang ipinakilala niya at nginitian. Bumati muna ang nasabi niyang tao bago tuluyang kuhanin ang dalawang maleta at pumasok sa elevator.
"And! I promise that you are going to enjoy your stay here and I will guide and support you during the tour. There are countless restaurants, cafes, and parks that allow visitors to marvel at the beauty of the second most active volcano within a crater lake in the Philippines. And you still can enjoy your stay here, let's go?" nagkatinginan muna kami ni Selene bago excited na tumango sa kaniya.
Sumakay kami sa isang van patungo sa first destination namin. At habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan ang mag-isip kung saan ko na ba 'to nakita.
"Bae" pabulong na tawag ko kay Selene.
"Hmm?"
"Pamilyar sa'kin yung mukha ng tour guide natin, parang nakita ko na siya somewhere"
"Baka naman kamukha lang?"
"Hindiii. Posible naman 'yon. Iniisip ko pa e, wait" sandali ko pang tinandaan kung saan ko siya nakita at halos magliwanag ang mukha ko nang sa wakas ay naalala ko na.
"Uhm, Darcely, right?"
"Yes, Ma'am" nakangiting sagot niya pagkaharap sa'kin. Katabi kasi siya ng driver sa harap at nasa likuran nila kami ni Selene.
"Familiar yung mukha mo, natatandaan mo pa ba ko?"
"Hmmm.. sorry ma'am but—" napakunot naman ang noo niya nang matitigan ako.
"Oh— ikaw ba yung tinulungan namin noon? Yung umiiyak na babae?" napangiti ako nang malawak habang sunod-sunod ang tango.
"Wow! It's so nice to see you again! And seems like you're fine now" malawak din ang ngiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Thank you talaga sa tulong niyo, hanggang ngayon pala hindi pa ko nakakabayad" nahihiyang sabi ko.
"It's okay, matagal naman na 'yon. Limot na ng panahon" sabay kaming natawa.
"Wait, you know each other? Tsaka saan ka nila nakitang umiiyak?" nagtataka namang tanong ni Selene.
"Di ba nagtrabaho ako sa bar no'n? Yung time na 'yon, yun yung muntik na kong ma-rape at pinukpok ko ng bote sa ulo yung lalaki"
BINABASA MO ANG
Save Me From Darkness [Girls' Love Series #3]
AlteleNasanay tayo sa kasabihan na "ang taong gipit, sa patalim kumakapit". We can't deny the fact that everyone were judging, kahit na hindi nila alam ang totoong kuwento sa likod no'n. They're good at judging but not in knowing the whole story. But what...