Naging maayos na ang kalagayan ko dahil nakakalakad na ulit ako. Ayon sa plano ay yayain ko na si Airi magpakasal sa akin. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko. I mean mga anak ng mga kaibigan ni dad ang tinawagan ko para humingi ng tulong sa kanila.
"Bakit mo kami pinapupunta rito?" Tanong ni Yuuta, ilang taon na rin noong bumalik siya galing sa army training. Pumasok kasi ito na walang alam ang mga magulang niya. Isa lang ibig sabihin noon kami-kami lang nakakaalam na may balak pumasok sa army kahit nga ang pinsan niyang si Blaire walang alam, eh.
"Kaya ko kayo pinapunta rito kasi gusto ko humingi ng tulong sa inyo."
"Tulong? Ano klaseng tulong ang kailangan mo?" Tanong naman ni Juno. .
"Gusto ko humingi ng tulong sa inyo na surpresahin ang girlfriend ko. Balak ko kasi–"
"Wait, wait!" Pagputol ni Blaire sa sasabihin ko. "May girlfriend ka na, kuya Riley?"
"Oo nga. Ang huling tanda ko may anak ka pero wala kang sinabi sa akin na may girlfriend ka." Sabi ni Freya.
"Teka nga lang. Ako'y naguguluhan sa pangyayari. Kanina girlfriend tapos ngayon anak. Explain mo nga sa akin, Riley." Ani Ryder.
Sinabi ko na sa kanila ang pangyayari kung paano ako nagkaroon ng anak at binanggit ko na rin na ang ina ng anak ko ay ang girlfriend ko.
"Iyon pala ang nangyari. Naiintindihan ko na."
"So, ano ang gagawin namin?" Tanong ni Jazz. Himala nandito ngayon ang lalaking 'to. Nagulat nga ako noong kasama siya ni Zoe pumunta rito. Once in a blue moon lang kasi lumuwas ng Manila sa sobrang busy sa resort nila.
"Balak ko sana na yayain na ang girlfriend ko magpakasal. Baka may suggest kayo. Ladies?"
"Maganda kung memorable ang proposal mo, Riley. Minsan lang mangyari ang ganyang event. Wait, iisip ako." Sabi ni Zoe.
"Bakit hindi na lang sa Sky Island? Kakausapin ko si mama o dad para mapaghanda ang venue natin. Doon rin daw nagpropose si tito Zion kay tita Jessa tapos nagpakasal rin daw doon sina tito Neil at tita Francine."
"Sky Island? Mapapamahal ako kung doon."
"Huwag mo na isipin ang pamasahe namin. Ako na ang bahala sa mga ito." Sagot ni Jazz. Sabagay, doon nga siya nakatira kaya alam na niya ang daan papunta doon.
"Maganda sana kung mauuna tayo kila Riley. Para may oras tayo ayusin ang venue ng engagement nila." Sambit ni Zoe.
"Huwag masyadong engrande kasi ayaw ni Airi ang engrande. Kahit nga rin kasal ayaw niya ng engrande."
"Ano ba iyan? Minsan nga lang tayo maging engage at kasal tapos ayaw pa niya ng engrande.
"Sinusunod ko lang ang kagustuhan ng girlfriend ko."
"Sumunod ka na lang, Zoe. Hindi naman ikaw ang ikakasal, eh. Ang importante ay maging masaya silang dalawa." Ani Freya.
"Sige na nga. Kailan mo ba balak magpropose sa kanya para handa na kami."
"This Saturday para wala tayong trabaho."
"May trabaho rin ako kahit Sabado. Kapag may kliyente ako ay kailangan ko silang kausapin." Sabi naman ni Freya. Isa nga pala abogado si Freya. "Aalamin ko muna kung wala akong importanteng gagawin. Kung meron man hindi ako makakasama."
"I understand. Marami ang may kailangan ng tulong mo."
"Kailangan sabihan rin natin ang iba.
Alamin natin kung sino pwede o hindi pwede sumama sa atin." Sabi ni Yuuta."Pupunta rin ba yung triplets?" Tanong ko kay Yuuta.
"Hindi pa ako sigurado kung sasama si Yuuji pero sigurado akong sasama sina Yuna at Yuffie."
"Bakit hindi sasama si Yuuji?" Tanong ni Juno.
"Kilala mo naman iyon. Hindi hilig noon masyadong lumabas sa lungga niya. Gusto palagi nakakulong sa kwarto."
"Sabihin mo sasama si Jordan."
"Talaga sasama si Jordan? Isa rin iyon ayaw sumama kung may outing tayo." Sambit ni Blaire.
"Ako ang bahala doon. Sa ayaw o gusto niya ay papasamahin ko siya."
Napailing na lamang ako. Ganyan talaga iyan si Juno kahit ayaw sumama ng kapatid niya ay pipilitin talaga niya sumama.
"Okay na yung plano ko pagpropose kay Airi ah."
"Freya, sabihan mo kung available ka sa Sabado para sabay-sabay na tayo pumunta doon." Sabi ni Jazz.
Tumango ito. "Sige. Pero kung marami akong gagawin ay si Nate na lang ang papasamahin ko sa inyo."
"Sino pala magsasabi kila Kent at Clark?" Tanong ni Juno.
Nakita ko ang pagtaas ng kamay ni Ryder. "Ako na lang ang magsasabi sa kanila at sasabihan ko na rin si Millie baka magtampo pa iyon kung hindi sabihan."
Pagkatapos namin magusap usap tungkol sa gaganaping engagement ko ay magpaalam na silang lahat.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Airi. Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya agad ang tawag. "Hello."
"Bakit ka napatawag? May kailangan ka?"
"Sungit mo naman. Meron ka ba ngayon?"
"Kung wala ka ng sasabihin. Ibaba ko na ito."
"Wait. Heto naman ang init agad ng ulo mo. Kaya ako napatawag para yayain ka ng date."
"Ayaw ko. Tinatamad ako lumabas ngayon."
"Okay, pupuntahan na lang kita diyan."
"Paano si Rohan? Wala siyang kasama."
"Doon na muna siya sa bahay nila mom habang wala pa ako."
"Bahala ka."
"Ipagluluto kita mamaya. Ano ang gusto mong kainin?"
"Adobong manok na may bagoong."
"What?" Kumunot ang noo ko. Anong lasa noon? Adobo na may bagoon. Hindi kaya sobrang alat noon at magkaroon pa siya ng sakit sa bato.
"Ugh. Ang sabi ko adobong manok na may bagoong. Rinig mo na ba ako?"
"Yes, ma'am. Pero masyadong maalat ang gusto mong kainin."
"Walang basagan ng trip, Riley. Iyon ang gusto kong kainin."
"Okay. Hatid ko muna si Rohan kila dad tapos pupunta na ako sa grocery para bumili ng mga kakailanganin sa pagluluto ko. May gusto ka pa bang ipabili sa akin?"
"Gusto ko rin ng ice cream. Mango flavor ah."
"Okay, ibaba ko na itong tawag."
Pagkahatid ko kay Rohan sa bahay nila dad ay pumunta na ako sa grocery. May malapit na grocery kaya doon na ako bibili ng mga kailangan ko sa pagluluto.
"Okay, next is the ice cream." Paalala ko sa sarili. Hindi ko pwedeng kalimutan ang ice cream at baka pagalitan pa ako ni Airi.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...