Nagising ako madilim pa sa labas at nilibot ko ang paningin ko sa buong silid pero hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ako?
Napansin kong may katabi ako at namilog ang mga mata ko sa nakita. Si Airi ang katabi ko saka pareho kami walang saplot. Ano ba nangyari? Wala ako maalala dahil ang huling naalala ko ay kasama ko ang mga kaibigan ko sa bar.
Paguwi ko sa bahay ay dahan-dahan ako pumasok dahil ayaw ko makagawa ng kahit anong ingay baka magising pa sila at mapagalitan pa ako ni dad. Nakakatakot pa naman magalit si dad pero si mom hindi ganoon at naalala ko kung paano siya magalit kay ate Daisy noong nalaman niya na may ginawa siyang kalokohan kay Gian kaya pinakasal siya kay Gian kaso nauwi rin sa pagmamahalan.
Nagising ulit ako may araw na at sobrang sakit naman ng ulo ko dahil sa hangover pero kailangan ko ang pumasok sa trabaho kahit may hangover ako. Dahil nga ayaw kong magalaga sa kapatid ko kaya naghanap na lang ako ng trabaho kaysa palitan ang diaper ni Rinoa.
"Saan ka galing kagabi?" Tanong ni Rico sa akin.
"Not now, Rico." Sabi ko. Kailangan ko ng katahimikan muna dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"Pumunta ka na naman sa bar, 'no? Makakatikim ka na naman ng sermon kay dad kapag nalaman niyang pumunta ka sa bar."
"Pwede bang tumahimik ka? Daig mo pa ang babae sa kaingayan. Tingnan mo nga si Rin babae pero hindi ganoon maingay pero ikaw, kalalaki mong tao. Pakialemero. Kahit kambal kita, mind your own business. Malaki na ako at may matinong trabaho."
Okay lang sana pakialam niya ang buhay ko kung pera nila dad at mom yung ginagastos ko sa bar pero hindi, eh. Sariling pera ko ang ginagastos ko.
Pagpasok ko sa restaurant dahil isa akong assistant chef. Well, hindi naman sa nagyayabang pero napromote ako last week as an assistant chef.
"You're late again." Sabi noong head chef namin sa akin.
Maka late naman ito. Ngayon pa lang namang ako nalate sa trabaho.
"Sorry, hindi na mauulit." Paghingi ko ng paumanhin. No choice na ako kaysa bumagsak pa ako sa pagiging babysitter ni Rinoa. Titiisin ko na lang ang ugali ng head chef namin.
"Bakit kasi ngayon ka lang?" Tanong ng isa kong kasamahan. "Alam mo naman ayaw ng head chef natin na may late."
"Hmph." Wala ako sa mood makipag usap kahit kanino.
Pasalamat pa nga siya na pumasok pa ako kahit masakit ang ulo ko sa hangover pero hindi magandang excuse iyan.
Sa susunod kasi huwag kang iinom ng marami kung may pasok ka kinabukasan.
Naging abala kami dahil ang daming customer lalo na kung lunch break pero mas marami kapag dinner. Ang karamihan na pumupunta ay may dinner date.
Napatingin ako sa mga customers namin na masayang kumakain habang kausap ang kasama nila pero bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Airi. Kailangan ko yatang kausapin ang babaeng iyon.
Maaga ako nag-out at pumunta na sa pinagtatrabahuhan ni Airi. Mga ilang minuto ay lalabas na rin iyon ngayon.
"Riley?" Nagulat siya pagkakita niya sa akin at lumapit na rin siya. "Ano ang ginagawa mo rito? Imposible na hahatid mo ko. Sa loob ng anim na buwan ang relasyon natin ay hindi mo pa ginagawa iyon."
"Huwag kang assuming na gagawin ko iyan sayo. Kaya ako nandito ngayon para kausapin ka."
"Ano iyon?" Nauna na siyang naglakad pero napansin kong pahika-hika siya kung maglakad.
"Sobrang sakit ba?"
"Ng ano?"
"Ng ano mo." Tinuro ko ang ibaba niya. Hindi naman siguro siya bobo para hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin.
"Medyo pero ayos lang." Ngumiti siya sa akin.
"Tsk. Kung nasasaktan ka na sa mga pinag gagawa ko sayo ay pwede ka naman makipag hiwalay na sa akin."
"Bakit hindi ikaw ang makipag hiwalay? Alam ko namang hindi mo ko mahal, Riley. Hindi ako ang tipo mong babae para mahalin."
"Dahil gusto ka ng mga magulang ko para sa akin. Kahit gusto kong makipag hiwalay sayo pero ayaw kong tanungin nila kung bakit tayo naghiwalay."
"Mahal kita kaya hindi ko magawang makipag hiwalay sayo kahit ilang beses na sinasabi ng mga kaibigan ko na hiwalayan ka kaso hindi ko sila sinusunod."
"Dapat sinusunod mo ang sinasabi nila sayo. Pero hindi iyan ang pinunta ko rito."
"Ano ba iyon?"
"About last night. Alam kong may nangyari sa atin kagabi."
"Oh? Ano ang gusto mong malaman?"
"Did you take pills after? Wala pa akong balak magkaroon ng sariling pamilya at lasing ako kagabi kaya hindi ako gumamit ng proteksyon."
"Don't worry, uminom na ako kanina."
"Good dahil ayaw ko rin magkaroon ng anak sayo." Walang alinlangan na sabi sa kanya bago umalis.
Huminto ako sa paglalakad noong naisip ko na dapat pala nakipag hiwalay na ako sa kanya. Bahala na kung tanungin ako nila mom kung bakit ako nakipag hiwalay kay Airi. Sasabihin ko sa kanila na hindi ko talaga siya mahal.
Paguwi ko sa bahay ay nakita kong paalis ang mga magulang ko.
"Dad, saan kayo pupunta?"
"Pupuntahan namin ng mommy niyo ang ate Daisy niyo."
Nawala sa isipan ko nanganak na pala si ate Daisy noong isang buwan. Masaya ako para sa kapatid ko kahit palagi kong inaasar si ate Daisy dati pero mahal na mahal ko iyon. Ganoon ako magparamdam ng pagmamahal sa mga kapatid ko maliban kay Rico at Rocky. Alam ni Rico ang lahat na galaw ko kaya hindi ko siya magawang asarin at kapag inasar ko si Rocky baka umiyak, lagot pa ako.
"Okay po. Ingat."
"Kuya Riley." Tumingin ako sa tumawag sa akin - si Rocky lang naman. "Pwede po ba tayo maglaro bukas?"
"Sorry, Rocky busy ako bukas." Sabi ko dahilan nalungkot ang kapatid ko. Kahit kasi weekend may pasok rin ako.
"Hindi ka na bata para maglaro ka lang kapag weekend. You're already a college student. Hindi biro ang mga lessons sa college, hindi gaya noong high school." Sabi ni Rico.
"Aba, hindi ka yatang busy ngayon."
"Babalik na sana ako sa trabaho pero narinig ko ang pinaguusapan niyong dalawa."
What's new? Masyadong workaholic si Rico kaya nga tinanggap siya ni tito Red na magtrabaho sa DL Corp sa sobrang sipag ni Rico sa trabaho. Kaya nga wala pa ring girlfriend itong kakambal ko.
"Gusto ko lang po muna magpahinga dahil sobrang stress na ako sa lessons namin kanina. I need to relax, kuya Rico."
"Kilala mo naman ang kuya Rico mo sobrang sipag kaya hanggang ngayon wala pang girlfriend."
"Huwag mo kong gayahin sayo, Riley. Ginagawa mong biro ang lahat na bagay at maswerte ka pa nga dahil may isa kayang tumagal kahit ganyan ang ugali mo." Sabi niya saka umalis na sa harapan namin.
Hindi ko masasabi kung maswerte nga ba talaga ako na magkaroon ng girlfriend. Kung hindi ko naman mahal ang girlfriend ko.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...
