Riley's POV
Dahil nawawalan na ako ng oras sa anak ko kaya gumagawa ako ng paraan para magkaroon lang kami ng father-son bonding.
"Riley." Lumingon ako sa tumawag sa akin at namilog ang mga mata ko sa nakita. "Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?"
"Nanamasyal lang."
Tumingin siya sa kasama ko. "Sino itong kasama mo? Ang alam ko anim kayo magkakapatid."
"Anak ko." Nagulat siyang tumingin sa akin. "Rohan, say hello to your tita Freya. She is one of my friends."
"Hello." Sabay kaway pa.
"Hindi ko alam kasal ka na pala. Grabe ah. Magkapatid nga talaga kayo ni Daisy."
"Siguro nga iba ang ina namin ni ate pero magkapatid pa rin naman kami."
"No no. What I mean is nalaman na lang naming lahat na kasal na siya. Wala nga niisa sa amin ang may alam kinasal na siya."
Right. Isa nga pa lang civil wedding ang kasal nila Gian dahil ayaw ni ate Daisy na isang engrande ang magaganap.
"At gusto ko lang sabihin sayo na may anak lang ako pero hindi kasal."
"Oh, why? Dapat kasal na kayo ng ina ng anak mo."
"Better not talk about it here. Lunch na rin naman. Kumain ka na ba?"
Umiling siya. "Hindi pa. Kakain na rin sana ako pero nakita kita rito."
"Samahan mo na kami kumain. My treat."
"Aba, hindi ka ganoon nanglilibre noong mga bata tayo ah."
Tumawa ako. "Minsan lang 'to kaya lubusin mo na, attorney."
Pumunta na kami sa isang malapit na restaurant para doon kumain at sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako single father ngayon.
"Wala naman akong balak itago sa inyo ang tungkol kay Rohan pero inabala ko ang oras ko kay Rohan at sa trabaho."
"Anong dahilan kung bakit hindi kayo kasal ng ina ng anak mo?"
"Noong sanggol pa lang si Rohan ay nawala na parang bula ang ina niya. In other word iniwanan siya sa ospital at wala na akong balita sa kanya pero nitong taon lang ulit kami nagkita at nalaman kong may iba na siyang pamilya."
"Grabe naman ang ginawa niya. Iniwanan niya ang sarili niyang anak sa ospital."
"Exactly. Kaya hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Hindi niya alam ang hirap sa tuwing nagkakaroon ng sakit ang anak ko tapos kakausapin niya ako na gusto niyang makita si Rohan."
"Hindi sa kinakampihan kita pero kahit ganoon ang nangyari ay siya pa rin ang ina."
"Daddy, let's order!" Napatingin ako kay Rohan. Halatang gutom na ang anak ko.
"Okay, buddy."
Narinig ko tumawa si Freya. "Mabuti hindi niya nakuha ang ugali mo."
"Iyon ang papasalamat ko dahil lumaki siyang mabait na bata."
Nagtawag na ako ng waiter para kunin ang order namin at sinabi na namin sa waiter kung ano ang mga orders.
"So, ano na ang balak mo ngayon, Riley?" Tanong niya.
"Balak ko saan?"
"Sa ina ng anak mo."
"Sa ngayon gusto ko muna siya maghirap sa pagiwan niya sa amin. Apat na taon wala sa tabi ni Rohan."
"Ibig mong sabihin kung gusto niya makita ang anak niyo ay kailangan pa niyang paghirapan?"
"Parang ganoon na nga." Napansin ko parang nakatingin sa direksyon namin at tumingin ako sa labas. Speaking of the devil. Tumingin ulit ako kay Freya. "May gusto akong itanong sayo."
"Ano iyon?"
"Sa sitwasyon namin ngayon ay may pagasa ba siyang makuha sa akin si Rohan?"
"May chance pero dapat may trabaho siya na kayang buhayin ang anak niyo. Kung wala ay malabo makuha niya yung bata. Bakit? May balak ka bang kasuhan yung ina?"
"Huy, wala. Masungit lang ako pero hindi ako masamang tao para gawin iyon."
Ni hindi nga pumasok sa isipan ko ang custody ni Rohan kahit alam ko akin mapupunta ang bata dahil simulang sanggol pa lang siya ay ako na ang kasama niya.
Nagsimula na kami kumain noong dumating na ang mga orders namin.
"Kailangan ko pala sabihan ang iba tungkol sa pagiging single father mo."
Umiling na lamang ako. "Bahala ka."
"Siguradong magugulat sila. Especially, Juno."
"Ugh. That woman. Musta na pala siya?"
"Hmm..." Nagkibit balikat siya. "Wala na akong balita sa kanya. Ang huling kita ko kay Juno 4 years ago pa."
Wala akong pagtingin kay Juno pero ang sabi ng iba naming kaibigan ay may crush daw siya sa akin. Ang hirap talaga kapag pinanganak na gwapo pero may mahal na akong iba na malabo na maging kami. Shit. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko.
"Oh Gosh." Tumingin ako sa kanya na biglang tumayo. "Sorry, I have to go. May kliyente pa kasi ako mga alas tres."
"You have work today?" Tanong ko.
"Oo, eh. Halos wala na akong oras para magpahinga."
"Sipag ah. Anyway, can I call you if I need some help?"
Kumurap muna siya bago sumagot. "Uh, sure."
"Thanks, Freya. Nice to seeing you again." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumingin ulit ako sa labas na may nakita akong hindi ko gusto. Siya siguro ang asawa niya. Fuck naman. Mas mahamak naman gwapo ako doon. Ano ba ang nagustuhan niya sa kasama niya ah? Tangina.
"Daddy." Tumingin ako sa anak ko. "Can we watch a movie at home?"
"Okay." Walang gana kong sagot sa anak ko.
Paguwi namin sa bahay ay nauna na siyang pumasok sa loob. Na akala mo uunahan siya sa tv, eh kaming dalawa lang naman ang tao nakatira rito.
"So, buddy. What do you want to watch?"
"This one." Clinick na niya ang video nasa laptop ko. Halos cartoons ang laman ng laptop para hindi mabored si Rohan kapag bakasyon. Ang pinapanood niya ay Spongebob Squarepants the Movie. Sa totoo lang ilang beses na niya pinapanood iyan. Hindi pa ba siya nagsasawa paulit ulit?
"Buddy, I'm going to work. If you need help just call me."
"Okay, daddy."
Pumunta na ako sa kwarto ko. Iniisip ko na maglagay ng bagong menu sa restaurant para mas dumami pa ang customers na pumunta.
"Hm, wala naman masama kung maglalagay ako ng bagong menu." Bulong ko sa sarili. Bago ko ilagay sa menu ay kailangan ko muna magexperiment sa lulutuin.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomansaDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...