12

734 31 1
                                    

Airi's POV

Ang tagal naman ni Riley dumating. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ng mga magulang niya rito, eh. Alam ko kasi kapag busy siya sa trabaho niya ay iniiwanan niya si Rohan sa bahay ng mga magulang niya para may magbantay.

"Girl, musta ang paguusap niyo ng ex love mo?" Tanong ni Carla sa akin.

"Gusto niya makipagkita sa akin kaya binigay ko sa kanya ang address. Dapat sa ganitong oras ay nandito na siya, eh. Anong oras na pero wala pa siya." Nagaalala na ako baka may nangyari ng masama kay Riley ngayon. Huwag kang paranoid, Airi.

Napatingin ako sa phone ko noong makita kong tumatawag sa akin si tita Sarah at agad kong sinagot ang tawag.

"Nagkita na ba kayo ni Riley?"

"Hindi pa po. May nangyari po ba kay Riley, tita?"

"Hindi kasi namin matawagan siya ngayon. Hindi ganito ang anak ko kapag gusto siyang makausap ni Rohan ay sinasagot niya agad."

"Tatawagan ko na lang po kayo kung dumating na siya."

"Salamat, Airi."

Napatingin ulit ako sa phone ko ng makita ko ang pangalan ni Riley ang lumabas sa ID caller kaya agad ko sinagot ang tawag. "Hello, Riley. Nasaan ka–"

"Hello po, ma'am. This is from the hospital and the owner of this phone had an accident." Parang huminto ang oras ko sa sinabi ng babae sa kabilang linya.

"Huh? Err... Saang ospital ho iyan?"

Sinabi na sa akin noong nurse kung saang ospital dinala si Riley. Nang nakuha ko na kung saang opsital ay tinawagan ko muna si tita Sarah.

"Hello, Airi. Nandiyan na ba si Riley?"

"Um, may tumawag po kasi kanina sa akin na nurse at naaksidente daw si Riley kanina."

"What? Okay, sabihin mo sa akin kung saang ospital si Riley at pupunta kami doon." Sinabi ko na rin kay tita Sarah kung saang ospital bago niya binaba ang tawag.

"Ano nangyari sayo, girl?"

"Nasa ospital ngayon si Riley. Kailangan ko rin pumunta doon."

"Huh? Ano pa ang hinihintay mo? Gora na!"

Kasalanan ko yata kung bakit naaksidente si Riley ngayon. Dapat binaba niya muna yung tawag para bang hindi kami maguusap pagdating niya sa apartment ko at sana hindi mangyayari ito.

Pagkarating ko sa ospital ay nagmamadali akong pumunta sa front desk.

"Excuse me, miss. Saan dinala si Riley Hernandez?"

"Nasa operation room ho siya dinala."

"Salamat." Nagmamadali na akong pumunta sa tapat ng operation room at sakto naman ang pagdating ng mga magulang ni Riley.

"Ano na balita?" Tanong ni tito Rocco sa akin.

"Halos magkasabay lang po tayo nakarating rito."

"Grammy, don't cry." Tumingin ako na may narinig akong boses ng isang bata. Ngayon ko lang pala nakita sa malapitan si Rohan.

"Wifey, kilala mo naman siguro ang batang iyan. Tahan na."

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung–"

"Hey, stop right there, wifey. Huwag ka magsalita ng ganyan sa harap ng bata. Alam mo naman kung gaano close si Rohan sa ama niya."

"Grandad, is daddy okay?"

"Yes, buddy."

Mga ilang oras kami naghintay sa labas ay may lumabas na ng doctor mula sa operation room. Nakita kong tumayo na si tito Rocco para kausapin ang doctor.

"Kamusta na ang anak ko?"

"I have good news and bad news, sir."

"Good news muna."

"He is stable."

Nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti walang nangyari kay Riley.

"At ang bad news ay may bali ang buto niya sa kaliwang paa pero nagawan na rin namin ng paraan. Kaso hindi pa siya pwede maglakad ng isa o dalawang buwan."

"Pero may chance pa siya makakalakad?"

"Yes, pero kailangan niya magrehab para makapaglakad ulit ang pasyente kaso hindi biro ang gastusin."

"We don't care about the expenses as long as my son can walk again."

"Okay, sir. Aasikasuhin ko ang schedule kung kailan magpaparehab ang pasyente."

Pumunta na kami sa room kung saan dinala si Riley noong nagkamalay na siya na siya pagkatapos operahan. Hindi ko alam kung tama bang pumunta ako rito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang paguusapan naming dalawa kung bakit niya gustong makipagkita sa akin.

"Hija, what are you doing there? Pumasok ka rito." Sabi ni tita Sarah.

Pumasok na ako sa loob pero nakaramdam ako ng kaba baka sa akin sisihin ni Riley ang nangyari sa kanya. Hindi ko iyon kasalanan kung bakit siya naaksidente.

"Mom, dad, pwede niyo po ba iwan na muna ni Airi? May gusto lang akong sasabihin sa kanya."

"Okay, son." Lumabas na sila kasama rin si Rohan.

Eek... Huwag niyo po iwan rito.

Mas lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko noong kaming dalawa na lamang ni Riley nandito. Ayaw ko ang atmosphere nararamdaman ko ngayon.

"A-Ano ang dahilan mo kung bakit gusto mo makipagkita sa akin?" Yumuko ako dahil kinakabahan talaga ako.

"Alam kong mali ang pagtrato ko sayo dati hanggang sa narealize ko nagkakagusto na ako sayo. Hindi kita kinakausap ngayon para patawarin mo ko."

"Matagal na kita pinatawad. Pero ako na itong malaki ang kasalanan sayo – I mean kay Rohan. Wala ako sa tabi niya habang lumalaki siya."

"Magsimula ulit tayo."

Gulat na gulat akong tumingin sa akin. "Huh? Magsimula ulit?"

"Yes. I want to court you but this time is real."

"Pero kasal na ako."

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mong kasal ka na? Wala ka nga nakikitang may kasama kang lalaki sa tuwing nakikita kita. Kung ang tinutukoy mong asawa ay ang kasama mo kahapon habang nasa restaurant ako. Tangina, Airi. Hindi ako tanga para hindi ko mapansin agad. Mas babae pa kumilos iyong kasama mo kumpara kay Rin."

Napakagat ako ng labi. Alam na pala ni Riley na isang bakla si Carl – I mean, Carla. Baliwala lang pala ang binabalak kong kalimutan siya.

"T-Tama ka. Hindi pa ako kasal dahil gusto kong kalimutan ka ng tuluyan. Kaya ko lang naman iyon nasabi para lumayo ka na sa akin pero hindi ko pala kaya na hindi makita si Rohan. Apat na taon ako wala sa tabi niya."

"Tsk. Papakilala kita kay Rohan basta pumayag ka lang sa kagustuhan ko."

Biglang sumigla ang mukha ko sa narinig. "Anything you want."

Ngumisi ito. "Kahit ang katawan mo?"

"Bastos. Marami na ang nagbago sa akin kaya hindi ko na basta-basta ibibigay sayo ang katawan ko."

Tumawa ito. First time ko narinig tumawa si Riley. "Biro lang. Ang gusto ko lamang ay payagan mo kong ligawan ka at makilala natin ang isa't isa."

"Okay, pumapayag na ako."

"Para namang napipilitan ka lang."

"Hindi ako napipilitan. Gusto ko na makausap si Rohan."

"See? Napipilitan ka lang. Don't worry, papakilala kita kay Rohan pagbalik nila."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon