5

884 33 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ay pinayagan na si Airi lumabas. Simula noon ay kasama na niya ako sa bahay para alagaan.

"Hindi mo naman kailangan alagaan ako."

"Hindi ka pwede mapagod dahil ang sabi ng doctor kailangan mo magpahinga at ayaw kong mawalan ng anak kaya alagaan mo ang sarili mo. Kung ayaw mo tuluyan na magalit ako sayo."

"Pero ilang araw ka na hindi pumapasok sa trabaho mo para lang bantayan ako."

"Don't worry, matagal ko ng gustong umalis sa trabaho ko."

"Huh? Bakit? Ito na ang pangalawang beses na umalis ka sa trabaho at sayang ang pagpromote mo."

"Nakaipon na rin ako at ang balak ko magtayo ng sariling business ko. Kahit magsimula muna ako sa maliit."

"Doon naman talaga magsisimula ang lahat."

Kumunot ako. Makapag salita ang babaeng ito akala mo hindi rin mayaman. "Umamin ka nga sa akin, Airi. Mayaman ba talaga kayo o nagpapanggap ka lang mayaman."

"Huy, mayaman talaga kami. Actually, nasa Australia si papa ngayon."

"Kahit magkababata tayo ay wala akong masyadong alam tungkol sayo. Hindi ko pa nga nakikita ang mga magulang mo dahil noong mga bata pa lang tayo ay ang lola mo ang madalas mong kasama."

"Bata pa lang ako ay namatay si mama sa sakit niyang cancer. Wala na nga ako masyadong maalala tungkol sa kanya at si papa naman ay masyadong busy sa trabaho. Simulang namatay si mama ay dinala na ako ni papa sa bahay ng lola ko kaya siya na ang nagalaga sa akin."

"Sorry, I have no idea." Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa pinag gagawa ko sa kanya dati.

"Ayos lang. Kahit wala akong naramdaman na pagmamahal ng isang magulang pero naramdaman ko naman iyon sa lola ko."

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Nilapit ko ang mukha ko sa umbok niya saka hinimas. "Maybe I can't give you a complete family but I will do anything to make a better father to you, son."

"Riley?" Tumingala ako sa kanya. "Mamatay ka na ba?"

"Hindi pa naman. Bakit?"

"Hindi kasi iyan ang kilala kong Riley. Nakakapanibago lang kasi na sobrang bait mo ngayon."

Tumawa ako. "Nagsawa na siguro ako sa sermon ni dad. Walang araw na hindi ako sesermunan noon kapag nalaman niya na may ginagawa akong kalokohan at sinuntok pa nga ako ni dad noong nalaman niyang katuwaan lang kung bakit kita niligawan. Isang araw iniisip ko na mas mahal ka ng mga magulang ko kaysa sa akin."

"Puro sakit ng ulo kasi ang binibigay mo sa kanila. Noong araw nalaman nilang buntis ako ay hindi na nila alam ang gagawin sayo."

"Sinusubukan ko magbago but don't expect too much because I am doing this for my son. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang ama niya. Kaya gawin mo rin ang responsibilidad mo bilang ina."

"I know. Hindi mo na kailangan sabihin sa akin ang bagay na iyan." Tumayo na siya at tumalikod sa akin. "Magpapahinga na ako."

Nagiba bigla ang mood noon. May nasabi ba akong mali para maging ganoon iyon? Wala naman ah. Nagsasabi lamang ako ng totoo at baka umaasa na naman na mamahalin ko rin siya. Sana isang araw gumising na siya sa katotohanan at maisip niyang malabo ang gusto niyang mangyari.

Napakamot ako ng ulo. "Wait."

Huminto siya sa paglalakad papunta sa kwarto niya at humarap sa akin. "What?"

Lumapit na ako sa kanya at sa hindi inaasahan ay hinalikan ko siya sa labi pero ako rin ang lumayo saka tumalikod.

Tsk. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ko siya hinalikan?

"Mamatay ka na nga." Sabi niya.

Lumingon ako. "Wala akong sakit para mamatay. Pahinga ka na."

"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na may gusto ka sa akin."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Wala akong aaminin sayo dahil kahit kailan wala akong gusto sayo."

"Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo ko magawang mahalin, Riley. Mahirap ba akong mahalin?"

"Kahit kailan hindi pumasok sa isipan ko na mamahalin kita isang araw. Huwag na muna natin pagusapan ang tungkol diyan baka ano pa mangyari sa inyo ni baby."

"Gusto ko malaman ang dahilan mo." Tumingin siya sa akin na seryoso pero may luhang pumapatak sa mga mata nito.

"Shit. Ayaw kong bigyan ka ng problema."

"Kung sasabihin mo sa akin ngayon ang dahilan mo ay hindi mo na ako makikita pang muli pagkapanganak ko."

Kunot noo akong humarap sa kanya. "What do you mean?"

Kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanya dahil tumuloy na siya papunta sa kwarto niya.

Ano ang ibig niyang sabihin? Aalis siya na kasama ang anak ko?

Shit, shit. Hindi ako papayag na mangyari iyon. Hindi ko makikilala ang anak ko at ibang lalaki ang tatawin niyang daddy. Fuck.

Nagpasya muna ako umuwi sa amin at umupo sa sofa. Masyado na akong frustrated nangyayari sa buhay ko. Kahit sa sarili ko ay naiinis na rin ako.

"Kamusta na si Airi?" Rinig kong tanong ni dad. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na umiiyak nang dahil sa akin.

"I don't know."

"You don't know?!" Umupo na si dad sa tabi ko. "Ikaw ang kasama niya kanina tapos hindi mo alam. May ginawa ka na naman bang kalokohan kaya ayaw mong sabihin sa akin?"

"Bakit parang mas mahal niyo pa ni mom si Airi? Eh, ako itong anak niyo. Kahit minsan kampihan niyo naman ako."

"Paano ka namin kakampihan kung puro mali ang ginagawa mo? Matalino kang tao, Riley pero sana naiisip mo kung ano ang mali sa tama. Mali ang ginawa mong ligawan si Airi dahil sa katuwaan niyo ng mga kaibigan mo. Ngayon buntis siya kaya huwag mong sabihin sa akin na ayaw mo sa bata dahil dugo't laman mo ang dumadaloy sa dinadala niya."

"Alam ko naman po ang mali sa tama pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit tinatanong sa akin kung mahirap ba siyang mahalin. Hindi ko nga talaga siya magawang mahalin kahit ilang beses pa niya ako tanungin."

"Listen, son. Sa nakikita ko ay mahal ka talaga ni Airi at umaasa siya isang araw ay mamahalin mo rin siya. Huwag sana sumuko at mapagod siya agad kahihintay kung kailan mangyari iyon. O baka naman in denial ka lang."

"What?! No! Hindi ako in denial dahil sigurado ako sa nararamdaman ko."

"Hindi mo ko maloloko, Riley. Ako ang nagalaga sayo kaya alam ko ang ugali mo. Hindi lang ang pagiging mataray mo ang nakuha mo sa mommy mo kahit rin ang pagiging in denial niya."

"What do you mean, dad?"

"Bago pa kayo dumating ni Rico ay todo tanggi ang mommy mo sa nararamdaman niya. Inaamin ko mahirap lalo na't sobrang kinamumuhian niya ako dati pero noong dumating kayo ng kakambal mo ay laki na ng pinagbago ng mommy niyo."

"Ano po ba kasi ang ginawa niyo noon kaya kinamunuhian ka ni mom?"

"Huwag mo ibahin ang topic, Riley." Sabi niya na dahilan lumabi ako. Gusto ko lamang malaman ang dahilan kung bakit kinamumuhian ni mom si dad dati. "Huwag sana na mauuwi rin sa kamumuhian ang nararamdaman mo para kay Airi dahil pwede isang araw ay iiwanan ka rin niya."

"Iyan nga ang sabi sa akin kanina. Iiwanan na niya ako pagkapanganak niya."

"Ugh. 'yan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi mo man lang pinigilan?"

"Bakit ko pa siya pipigilan? Unang una, ayaw ko siyang umasa na mahahalin ko talaga siya. Pangalawa, masasaktan lang siya kapag tinuloy pa niya ang pagmamahal niya sa akin at ang huli, mga magulang lang kami. Wala kaming relas – err... siguro naging girlfriend ko siya pero katuwaan lang iyon."

Bumuga ng hangin si dad at tumayo na. "Huwag kang lalapit sa amin ng mommy mo kung marealize mong mahal mo na pala si Airi at magsisi ka na pinakawalan mo siya."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon