"Mommy!" Sigaw ni Rohan pagkarating namin sa apartment ni Airi.
"I'm happy to see here, baby."
"I am a big boy now, mommy. I'm having a baby brother or sister soon."
Kumurap si Airi na tumingin sa akin. "Ano nangyari? Hindi ito ang kwento mo sa akin kahapon ah."
"Kinausap ko ang anak natin kanina bago kami tumuloy rito."
"Inunahan mo ko pero ayos lang."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"I was thinking na kausapin si Rohan tungkol sa pagkakaroon niya ng kapatid pero kinausap mo na siya."
"Ganoon? Sorry, ayaw ko lang kasi magalit sa atin ang bata."
"It's okay. I understand."
"Anyway, are you hungry? Magluluto na ako ng pananghalian natin."
"Pagkatapos natin kumain pwede bang bumili ka ulit ng ice cream? Same flavor."
"Sure."
Pagkatapos namin kumain ay sarap na sarap si Airi sa niluluto ko. Doon yata siya naglilihi ngayon unlike before sa french fries at ice cream.
Pumunta na ako sa grocery store para bumili ng ice cream niya. Mahilig talaga siya sa ice cream dahil sa tuwing nakikita ko siya noong nagaaral pa kami ay lagi siyang kumakain ng ice cream.
Kinuha ko yung phone ko noong tumunog at nakita kong may message sa akin si Airi.
From Airi;
Can you buy me a jar of pickles?
Kumurap ako sa nabasa. Ano ang gagawin niya sa pickles ngayon?
Anong klaseng tanong iyan, Riley? Malamamg kakainin niya ang pickles.
From Airi;
Kapag may nakita ka lang pickles. Kung wala ayos lang.😊
Parang may hindi magandang mangyayari kapag hindi ako bumili ng gusto niya. Ugh. Nagsisi na yata akong buntisin ulit siya.
Naghanap muna ako ng jar of pickles bago ang ice cream. Kung ice cream ang inuna ko ay baka tunaw na iyon pagbalik ko sa apartment ni Airi.
Mabuti nga lang may nakita akong jar of pickles kaya kinuha ko na iyon. Pumunta na ako sa ice cream para kumuha ng vanilla flavor.
Pagbalik ko sa apartment niya ay nakita ko siya sa may sala habang nakahiga sa hinta niya at mukhang napansin niya ako.
"Ano, may nabili kang pickles?" Tanong niya.
"Yup." Kinuha ko na yung jar ng pickles sa hawak kong paper bag at binigay sa kanya. "Kakainin mo na rin ba yung ice cream o mamaya na? Kung hindi pa ilalagay ko muna sa freezer baka matunaw."
"Kakainin ko na rin iyan." Sabi niya kaya binigay ko na sa kanya yung ice cream.
"Dadalhin ko muna si Rohan sa kwarto para maging kumportable siya." Binuhat ko na si Rohan para dalhin sa kwarto. Isa lang kasi ang kwarto sa apartment ni Airi, ibig sabihin hindi rito nakatira yung kasama niya dati.
Tumabi na ako kay Airi pagkabalik ko sa sala kaso hindi ko gusto ang ginagawa niya. Tama daw bang isawsaw ang pickles sa ice cream. Ugh, hindi ko masikmuraan ang kinakain niya. Ganyan ba talaga ang mga babae kapag buntis?
"Bakit English ang salita ni Rohan?" Tanong niya sa akin.
"Mahilig kasi manood ng English cartoons si Rohan kaya siguro English rin ang salita."
"So, hindi siya nakakaintindi ng Tagalog?"
"He understand but only a little." Tumingin ako sa kanya. "I know why are you asking me like that. Baka mahihirapan siya paglaki niya. Habang bata pa siya ay tinuturuan naman nila."
"Nila? Sinong nila?"
"Dad, mom, my family. Gustong gusto nga nila na nandoon si Rohan para may maingay. At may kalaro rin si Rinoa."
"Oo nga pala. May mas bata nga pala kay Rocky. Ilan taon na siya?"
"Same age as Rohan pero sobrang daldal ni Rinoa kumpara kay Rohan."
"Ibig sabihin kapag nandoon si Rohan ay madalas sila naglalaro?"
"Yeah, pero madalas rin siya pinapaiyak ni Rinoa. But don't worry, hindi namin pinapagalitan ang kapatid ko. Pinagsasabihan lang dahil tita siya ni Rohan kahit same age lang sila."
"Ang dami na nagbago sayo simulang dumating si Rohan. Hindi na kasi ikaw yung kilala kong Riley."
"You think?" Tumango siya sa akin. "Siguro nga marami na ang nagbago sa akin pero nandoon pa rin ang Riley na kilala mo dati. Hindi ko lang pinapakita lalo na kay Rohan."
I want to change pero hindi ganoon kadali magbago lalo na kung hindi iyon ang nakasanayan mo. Alam kong masasanay rin ako kung babaguhin ko ba talaga ang ugali ko.
Nilagay ko ang mukha ko sa tyan niya na hindi pa ganoon halata at hinihimas ko rin iyon. Masaya ako dahil magkakaroon ulit kami ng anak ni Airi.
"Riley, hindi pa ganoon malaki ang tyan ko para kausapin mo si baby."
"I know. But still I want to do this." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Shit. Wala na ako masabi ngayon. Tumingin ako kay Airi na doon pa rin ang ngiti ko. "Thank you."
"Thank you? For what?"
"For everything. Hindi ka nagsawang mahalin ang gaya ko kahit iba ang trato ko sayo dati. Sinaktan kita ng ilang beses pero minahal mo pa rin ako."
"Kahit ilang beses na sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na hiwalayan kita pero hindi ko sila sinusunod dahil ganoon kita kamahal, Riley. Kahit nagsasabi ka ng masasakit na salita sa akin ay hindi ko kayang hiwalayan ka pero sumusobra rin iyang ugali mo kaya naisipan kong iwanan ka."
"I'm sorry. Isa iyan sa mga pinagsisihan ko kung iba ang pagtrato ko sayo dati ay sana hindi mo ko – hindi mo kami iiwanan." Kasal na sana tayo ngayon."
"It's okay. Masaya pa rin naman ako kahit hindi pa tayo kasal. Kasama lang kayo ni Rohan ay masaya na ako."
Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kilig sa huling sinabi ni Airi.
"Aww, I love you."
"I love you too."
Namumula ang pisngi ko. Alam kong hindi ito ang unang beses na magsabi siyang I love you or I love you too sa akin pero kinikilig ako. Shit.
"Wait a minute. Is mr. Hernandez blushing?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Masama bang kiligin?"
"Hindi naman masama ang kiligin. Pero ang cute mo pala kapag namumula."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...