20

744 26 0
                                        

Kumunot ang noo ko pagkakita kay Airi. "Ano ang nangyari sayo? Para kang–"

"Huwag mo na ituloy ang sasabihin mo. Kung wala ka ng sasabihin ay maaaring umalis ka na. Wala akong gana kumain ngayon."

"Hindi mo pa nga alam ang sasabihin ko tapos pauunahan mo na ako."

"Alam kong sasabihin mo laman sa akin na mataba na ako. Totoo naman, eh."

"What? No! You're sexy."

Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay tumataba nga si Airi. Hindi ko maintindihan kung bakit siya naging ganyan.

"Hmph." Tumalikod na siya sa akin. "Nandito ka na rin naman may sasabihin ako sayo."

Nalakad na ako papunta sa kusina para ilagay sa counter ang mga pinamili ko at nilagay ko na rin ang ice cream sa freezer. "Ano iyon?"

"Wait ka lang dito."

Nagsimula na ako magluto ng gusto niyang kainin habang nasa kwarto pa siya. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya doon at kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

"Hmm... Ang bango naman niyang niluluto mo."

Lumingon ako sa likod pero binalik ang tingin sa niluluto. "Of course. Sinasarapan ko talaga para sayo. Ano ba ang sasabihin mo sa akin?"

"Pagkatapos mo diyan. Baka mawalan pa ako ng matitirahan kapag sinabi ko sayo agad."

Pagkatapos ko magluto ay inayos ko muna ang mesa bago nilapag ang mga niluto ko.

"Let's eat." Alok ko sa kanya.

Nagsimula na kami kumain ni Airi at kitang kita nga sa kanya nasasarapan siya sa luto ko. Ang sabi nga ng iba ay nakuha ko daw ang galing ni dad sa pagluluto. Kung nakuha ko ang ugali ni mom, nakuha ko naman ang galing ni dad.

"Ano ba yung sasa–" Hindi natapos ang sasabihin ko noong may inabot siya sa akin – isang pregnancy test. May nakita akong dalawang pulang linya. Alam ko kapag dalawang pulang linya ibig sabihin positive, kung isa negative. "Oh, shit. Really?"

Tumango siya. "Yes. Kanina ko lang nalaman na buntis ulit ako ngayon."

Yumuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm crying right now. Shit. Sobrang saya ko.

"Aren't you happy, Riley?"

Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin kay Airi. "I'm really happy. Sobrang saya ko ngayon kaya hindi ko na ang sasabihin ko." Tumayo ako at niyakap siya. "Thank you. Thank you talaga."

"Hindi pa ako pumupunta sa doctor dahil gusto kong kasama ka."

Hinalikan ko siya tuktok ng ulo niya. "Sure, I'll come. I want to see our baby."

"Alam kong magiging mabuti ka sa pagdating ng pangalawa natin dahil naging mabuti ka kay Rohan."

Sakto pala ang plano kong pagpropose sa kanya dahil magkakaroon ulit kami ng anak. Sigurado ako matutuwa si Rohan kapag nalaman na niya magkakaroon na siyang kapatid.

Kasal na lang talaga ang kulang. But soon.

Bumalik na ako sa pwesto ko para ituloy ang pagkain. "Thank you talaga."

Napatingin ako sa phone ko dahil tumatawag sa akin ang pinsan kong si Mason. Isa rin ito na may asawa na ngayon. Siya ang una nagkaroon ng anak sa amin magpipinsan, eh.

"I'm going to answer this.".

Tumango siya. "Okay."

Tumayo na ako at lumayo para sagutin na ang tawag ni Mason. "Hello. Bakit ka napatawag ngayon?"

"Gusto ko lang sabihin sayo na malapit na ang birthday ng kambal." Sabi niya sa kabilang linya. Mayroong kambal si Mason, sina Aries at Mia. "At nabalitaan ko rin na may sarili ka ng restaurant ngayon."

"Yeah."

"Kahit kailan talaga ang tipid mo magsalita."

"Ako? Tipid magsalita? Hindi ako tipid magsalita, Mason. Ano ba ang gusto mong sasabihin ko sa sinabi mo kanina? Gusto mo bang sabihin ko na oo, meron nga akong restaurant dahil pinangarap ko na magtayo ng sariling restaurant. Iyon ba ang gusto mo?"

"Okay, chill. Makakapunta ka ba sa birthday ng kambal?"

"Kailan ba?"

"This coming Saturday."

Shit. Hindi ako pwede sa na iyon. Bakit pa kasi sa Sabado pa gaganapin ang birthday ng kambal? Tama daw bang manisi.

"Sorry, hindi ako makakapunta kasi may importante akong gagawin sa araw na iyon."

"Importanteng gagawin? Ano iyon?"

Tumingin ako sa likod at nakita ko si Airi na abala sa pagkain. "Balak ko kasing magpropose sa girlfriend ko sa darating na Sabado."

"Whoa. Why I didn't know you have a girlfriend? Tinatago mo rin ba sa amin? Huwag mong sabihin sa akin may anak ka na rin."

"Well, yeah. I have son and unborn baby."

"Naku. Riley, huwag mong gayahin ang ginawa ko dati ah. Alam ba nina tito't tita na may anak ka?"

"Alam nila at kilala rin nila ang girlfriend ko."

"That's good."

"Mason..." Rinig ko sa kabilang linya na tinatawag na siya ng kanyang asawa. "Pwede mo ba akong tulungan?"

"Okay, wait lang. Riley, I have to go. May gagawin pa kasi kami."

"Okay, sure."

Binalikan ko na si Airi pero laking gulat ko na maubos niya ang ganoon karaming adobong manok. Grabe talaga kapag buntis ang isang babae. Sobrang takaw nila.

"Luto mo ulit ako ng adobong manok mamaya ah." Sabi niya.

"Uh, sure." Ngumiti ako ng kaunti. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero grabe  yata ang paglilihi niya ngayon kumpara noong pimagbubuntis pa niya si Rohan. Ice cream at isang kilo ng french fries ang madalas niya ipabili sa akin dati.

Kaso kawawa ang wallet ko nito kung lagi ganito ang gusto ni Airi kainin.

"Puntahan ko lang sila mom. Saglit lang."

"Ingat ka at tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka na maaksidente."

"Yes, ma'am." Hinalikan ko na muna siya sa labi bago umalis.

Pagkarating ko sa bahay ng mga magulang ko ay sinalubong ako ni Rohan. Ang lakas naman ng pakiramdam ng batang 'to. Alam niya agad nandito ako ngayon.

"Daddy."

Binuhat ko siya. "Hey, big boy."

Later I will tell Rohan that he will be a big brother soon.

"Oh, Riley." Tumingin ako sa taong magsalita. It was dad.

"Hi, dad."

"Mukhang masaya ka yata ngayon ah."

"Yes. Gusto ko lang sabihin sa inyo mom na yayain ko na si Airi magpakasal sa akin."

"Really? That's good. I'll tell your mom about that. Baka magalit pa sa akin kapag hindi ko sinabi sa kanya."

Kayo kasi... kinakalimutan niyong sabihin kay mom. Tumatanda na talaga si dad, ayaw pang aminin. Obvious naman.

"Kailan mo pala balak tanungin si Airi?"

"This Saturday. Humingi ako kanina ng tulong kila Freya at nirecommend ni Jazz na sa Sky Island ako magpropose."

"This coming Saturday? Pero birthday ng kambal ni Mason."

"I already told Mason I can't come pero babawi ako sa kambal pagbalik namin."

"I'm so happy for you, son."

When He Fell In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon