16

686 27 1
                                    

Riley's POV

Magaaway talaga kami ng tuluyan ni Rico kapag nagalit sa akin si Airi. Kahit pilay ako ay papatulan ko ang nerd kong kakambal at hampasin ko sa kanya ang saklay ko.

Ang aga nga pumunta ni Airi sa bahay kinabukasan kaya nagasikaso na ako dahil siya na daw ang bahala kay Rohan.

Pumunta na muna kami sa bahay ng mga magulang ko para iwanan namin doon si Rohan. Ayaw kasi ng batang iyon na sumama sa ospital dahil mabobored lang daw siya.

"Gusto mo bang date tayo kapag nakakalakad na ulit ako?" Tanong ko.

Namilog ang mga mata nito. Para namang nagulat siya sa tanong ko. "Oo naman. Matagal ko ng pinangarap na makipag date sayo."

"Wow. I have no idea."

"Alam mo namang matagal na akong may gusto sayo, 'di ba?"

Tumango ako. "Yes."

"Kaya nangangarap ako na makipag date sayo."

"Gawin nating totoo." Nakangiting sagot ko.

Noong nakarating na kami ay ang dami ginagawa sa akin gaya ng pagmasahe ng binti ko. Inaalam kasi kung masakit pa rin ba tapos pinapalakad nila ako na walang gamit na saklay. Sa una ay mahirap gawin ito dahil ilang araw ako nasa ospital. Ang totoo niyan wala talaga akong balak gawin ito pero pinagalitan ako ni Airi for the first time. Kaso buwan pa ang hihintayin bago ako tuluyan makalakad ulit.

"Where do you want to go next?" Tanong ko kay Airi pagkatapos ng appointment ko.

"Paano si Rohan? Baka hinahanap na tayo."

"Don't worry about Rohan. Nandoon ang mga kapatid ko kaya hindi mabobored ang batang iyon. Wait, may gusto pala akong puntahan."

"Saan naman?"

"Sa bahay ng ate ko."

"May ate ka pa?" Parang hindi siya makapaniwalang may nakatatandang kapatid pa ako.

5 years kasi ang tanda ni ate Daisy sa amin ni Rico.

"Yes, I have. Bakit? Ang akala mo ba na kami ni Rico ang eldest?"

"Oo, eh. Akala ko kayo ni Rico ang eldest."

"Hindi. May nakatatanda pa sa amin ni Rico – si ate Daisy. Actually, anak siya ni dad sa una niyang asawa."

Pagkarating namin sa bahay nila ate Daisy ay may isang lalaki ang bumukas ng gate. Hindi si Gian pero hindi ko siya kilala.

"Pasok ho kayo, sir Riley." Alok niya.

Kumurap ako dahil kilala niya ako. "Um, may I know who are you?"

"Sorry to be rude. I'm Tres, assistant ho ako ni sir Gian."

Tumango ako. "Ah. Yes, I already remember. Madalas nga kita nakikita na kasama ni Gian. Pero hindi ako naparito para diyan. Nandiyan ba si ate?"

"Wait lang ho. Papatawag ko lang si ma'am Daisy." Nakita ko na may inutusan siya ng isang maid na tawagin si ate Daisy.

"Grabe. Kasal na ba ang ate mo?"

"Yup, 10 years na kasal si ate. Believe or not kinamumuhian rin niya ang pinakasalan niya pero nauwi rin na nahulog siya kay Gian."

"Wow. Ang tagal na pala nila."

May nakita akong batang lumalapit sa akin – si Luke, ang anak nina ate Daisy at Gian.

"Tito Riley." Niyakap niya ako.

"Airi, gusto ko pakilala sayo si Gian Luca pero tinatawag namin siyang Luke. Luke, ang tita Airi mo. Girlfriend ko siya."

"Hello po, tita Airi."

"Hello rin, Luke. Ilang taon ka na?"

"Apat na taon na po."

"Matanda lang si Luke ng ilang buwan kay Rohan."

"Tito, sino po si Rohan?" Tanong ng bata sa akin.

"Anak namin." Sagot ko naman.

"Wow. Ibig po pala sabihin may kalaro ako."

"Papakilala ko siya sayo sa susunod na bisita namin."

"Riley." Narinig ko na ang boses ni ate Daisy kaya tumayo na pero napansin niyang pilay ako. "Oh gosh! Ano nangyari sayo?"

"I had an accident 2 months ago. At huwag ka masyadong magaalala, buntis ka pa naman." Sabi ko. Iyon kasi ang unang napansin ko kay ate Daisy. Halata ang baby bump niya.

"Paano ka naaksidente?"

"Long story short, hindi ko namalayan ang sasakyan habang patawid ako. But I'm okay now at ang sabi ng doctor may chance pa ako makakalakad ulit."

"Good to hear. Hindi mo ba papakilala sa akin ang kasama mo?"

"Ate, si Airi. Girlfriend ko at siya rin yung ina ni Rohan."

Alam rin kasi ni ate Daisy na may nabuntis akong babae dati pero wala siyang ideya kung sino. Siyempre, kilala niya rin si Rohan.

"Girlfriend?! Kailan ka pa nagkaroon ng interest pumasok sa isang relasyon?"

"Since day 1 na naging daddy ako." Tumingin ako kay Airi pero binaling ko ulit kay ate Daisy. "Napaisip kasi ako na mamahalin ko si Rohan pero ang ina hindi. Kaya tinanggap ko si Airi sa buhay ko at nagawa ko naman siyang mahalin."

"Hindi ko alam ganyan ka pala kasweet, Riley. Para kang si daddy." Natatawang sabi ni ate Daisy. "Airi, huwag mong iiwanan si Riley kahit anong mangyari ah. Minsan lang magmahal iyan."

"Makakaasa ho kayo sa akin."

"Masaya ako sayo dahil nakahanap ka ng mamahalin mo, Riley."

"Ikaw, ate. Alam na ba nila mom na bibigyan niyo na pala ng kapatid si Luke?"

Hinimas niya ang umbok. "Alam na ni mommy dahil dumalaw siya rito noong isang araw pero hindi ko alam kung sinabi na ba niya kay daddy."

"So, lalaki ulit o babae naman?"

"Hindi namin inalam ni Gian ang gender. Gusto kasi namin surprise."

May ganoon pa nalalaman sila ate Daisy ngayon. Gusto pang surprise, hindi na lang alamin ang gender.

"Wife, I'm home." Tumingin ako dahil nakauwi na si Gian. "May mga bisita pala tayo."

"Hey, Gian."

"It's good to see you again, Riley."

Paano ba nila nalalaman kung sino ako? Eh, wala naman pinagkaiba sa amin ni Rico maliban sa ugali namin. Rico is a good boy while I am a naughty.

"Ang aga mo yatang umuwi ngayon." Sabi ni ate Daisy.

"Maaga rin natapos ang trabaho ko."

Nagpaalam na kami kay ate Daisy. Gusto ko na rin kasi ang magpahinga ngayon.

"Hindi mo sinabi sa akin isa pa lang Gian Carlo Avellino ang asawa ng kapatid mo. Kaya pala ganoon kalaki ang bahay nila."

"Hindi ka naman nagtatanong sa akin kung sino ang asawa ni ate."

Pinalo niya ako sa braso. "Bwesit ka talaga."

"Bakit nagkaroon ka ng interest kay Gian?"

"Hindi ako interest sa kanya pero pinangarap kong makapasok sa GCA dati. Kaso hindi ako qualify sa mga position na available sa kanila kaya sa iba na lang ako magapply pero tinulungan ako ng mga magulang mo makapasok sa DL Corp dati."

"Bakit hindi ka na lang sa akin magapply?"

Kumunot ang noo nito. "Anong trabaho ang ibibigay mo sa akin."

"Bilang manager." Ngumiti ako ng wagas. "At asawa ko na rin. Apply ka?"

"Asawa mo? Ang pagiging manager pwede pa pero ang maging asawa... um, pagiisipan ko muna kung handa na akong tanggapin ang position na iyan."

"Handa ako maghintay pero huwag sana yung aabutin ng taon ah."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon