"Ano ba ang nangyari sa inyo ni Rico?" Tanong ko kay Riley.
"Let's not talk about it." Kinuha na niya ang mga pinagkainan namin at mga pinag gamitan niya sa pagluluto.
Kung ayaw sabihin sa akin ni Riley kung ano ang nangyari sa kanila ng kakambal niya, ang kakambal na lang niya ang kakausapin ko.
Pagkarating ko sa kwarto ni Rohan ay nakikita kong naglalaro ang mag-tito. Kitang kita na mahal rin ni Rico ang pamangkin niya kahit hindi maganda ang samahan nila magkapatid.
"Rohan." Huminto sa paglalaro ang bata bago tumingin sa akin. "Can I talk with your uncle Rico for a while?"
"Sure, mommy."
Lumapit na sa akin si Rico. "Ano ang kailangan mo sa akin?"
"Gusto ko lang kasi malaman kung ano nangyari sa inyo ni Riley."
"Ayaw ba niyang sabihin sayo?" Tumango ako sa kanya at bumuga siya ng hangin. "Kilala mo naman si Riley na dakilang trickster, 'di ba?"
"Oo, kaya nga madalas rin siya sa principal's office dahil sa kalokohan niya."
"Dahil diyan sa kalokohan niya kaya pati ako napapahamak. Isang araw nga may isang boyfriend na sinuntok na lang ako bigla dahil inagaw ko daw ang girlfriend niya. Noong sinabi niya sa akin iyon ay naguguluhan ako dahil wala ako maalala na may inagaw akong girlfriend hanggang sa narealize ko na si Riley ang may gawa noon. Sinabihan ko na siya dati na magbago dahil pati ako napapahamak sa ginagawa niya pero tinutuloy pa rin niya ang mga kalokohan niya tapos nakilala pa niya ang mga kaibigan niya." Nagkibit balikat ito sa akin. "Pero sanay na rin ako sa mga kalokohan niya. Kaya yung mga boyfriend ng inaagaw niyang girlfriend ay hinihingian ko ng proof kung ako ba mismo ang taong iyon. Kahit anong galit ko sa kakambal ko ay hindi talaga siya magbabago."
Natahimik ako dahil hindi pala ako ang unang naging girlfriend ni Riley. Ni hindi ko nga alam na ginagawa pala niya iyon kahit parehong paaralan ang pinapasukan namin.
"Kaso tinigil na nila ang kalokohan na agawin ang may nobya pero naisipan nila na ligawan ang mga single naman. Sorry kung pati ikaw ay naging biktima ng kakambal ko."
"Ayos lang. Hindi mo naman kasalanan kahit alam kong katuwaan lang iyon kaya niligawan ako ni Riley."
"Kung alam mong katuwaan pala ang ginagawa ni Riley, bakit hindi mo siya hiniwalayan?"
"Mahal ko si Riley. Matagal na ako may gusto sa kanya kaya hindi ko magawang hiwalayan siya. Imbes na gawin ko iyon ay tinitiis ko na lang ang lahat ba sakit binibitawan niya."
"Kahit ganoon ang ugali niya ay nagawan mo pa rin siyang mahalin."
"Nabulag ako dati sa pagmamahal ko sa kanya pero ngayon iba na. Ibang Riley na ang nakikita ko ngayon. Isang pagmamahal na ama at boyfriend."
"Ang laki na nga ang pinagbago niya simulang dumating si Rohan sa buhay niya. Ang dating hindi seryoso sa trabaho ay nagiging seryoso na ngayon. Nagtayo pa nga ng sariling restaurant."
"Noong pinagbubuntis ko pa si Rohan ay sinabi niya sa akin na may balak siya magtayo ng isang business."
"Mukhang sayo sinasabi ni Riley ang lahat na plano niya." Tinapik niya ang balikat ko. "Sana hindi ka magsasawang mahalin ang kakambal ko dahil maliban sa amin ay pinagkakatiwalaan ka rin niya."
"Iyon lang ang gusto kong malaman. Salamat."
Binalikan ko na si Riley sa kusina habang nakaupo na ito. Hinalikan ko siya sa pisngi dahilan tumingin siya sa akin.
"Ano ang pinagusapan niyo ni Rico?"
"Dahil ayaw mong sabihin sa akin kung ano ang nangyari sa inyo ay siya na lang ang tinanong ko. At inaagaw mo daw yung may mga nobya kaya napapahamak ang kakambal mo sa ginagawa mo."
"Hindi ko naman kasalanan na magkamukha kaming dalawa. Hindi ko hiniling na bigyan ako ng kakambal."
"Kahit na. Kapatid mo pa rin siya, Riley."
"Ayaw kong magaaway tayo dahil lang dito."
"Ayaw ko rin naman magaway tayo pero kapag ginawa mo ulit ito. Magaaway na talaga tayo."
"Nagbago na ako. Hindi na ako yung Riley na kilala mo dati. Ayaw kong gayahin ako ni Rohan."
"Kapag nalaman kong may inagaw ka na namang nobya lagot ka sa akin."
"Huy, hindi ko na gagawin iyan. Ikaw na ang mahal ko." Hinalikan ako ni Riley kaso nauwi sa isang mapusok sa isang halik ang nangyari.
May narinig akong tumikhim dahil naitulak ko siya at lumingon ako – nakita ko si tito Rocco. "Mauuna na kami."
"Sige, dad. Salamat sa tulong."
"Anytime, son."
Namumula na naman yata ang pisngi ko. Huwag niyong sabihin sa akin na nakita ni tito Rocco na naghahalikan kami ni Riley. Alam kong normal lang iyon lalo na't official na rin ang relasyon namin pero nakakahiya kung nakita ni tito Rocco iyon.
"What was that?" Tanong ko.
"Para namang hindi mo alam kung ano ang ginagawa ni dad rito kung bakit sila nandito ngayon."
"Hindi iyon ang tinatanong ko."
"Ang alin ba? Deretsuhin mo na kasi ako."
"Nakita yata tayo ni tito na naghahalikan tapos wala lang sayo iyon. Anong klase ka?!"
"Anong masama kung makita tayo ni dad naghahalikan? Girlfriend naman kita. Magalit ka sa akin kung wala tayong label tapos hinahalikan kita kahit makita tayo ng mga magulang ko pero hindi, eh. Girlfriend kita."
"Hindi ka ba nahihiya?"
"Bakit naman ako nahihiya? Dapat maging proud pa ako dahil ikaw ang naging girlfriend ko. Kahit malaki ang kasalanan ko sayo dati pero nagawa mo pa rin akong mahalin."
Ano ang magagawa ko kung siya pa rin ang nilalaman ng puso ko? Kung pwede ko nga lang pigilan ang nararamdaman ay sana noon pa lang ginawa ko na. Pero hindi ako nagsisi na si Riley ang minahal ko dahil nagawa rin niya akong mahalin.
"Maliban sa akin, ilan ang naging girlfriend mo?" Seryosong tanong ko.
"What the hell are you talking about?" Kunot noo nitong tanong sa akin.
"Sagutin mo ang tanong ko. Hindi yung tatanungin mo rin ako ng tanong."
"Mukha ba akong babaero sayo? Wala pa akong naging girlfriend maliban sayo. Ikaw pa lang ang unang girlfriend ko. Ano ba ang sinabi ni Rico sayo? Sinabi ba niya sayo na may mga exes ako?"
Umiling ako. "Wala naman. Ang sinabi niya lang sa akin inaagaw mo ang mga nobya."
"Katuwaan lang iyon. Alam naman ng mga nobya nila na katuwaan lang iyon at kumakagat ang iba sa trip ko. Ni hindi nga ako ang tipo ng lalaki ang gusto nila. Ewan ko lang kung sila pa rin hanggang ngayon."
"Iyon lang ang gusto ko marinig sayo. Uwi na ako."
"Hindi ka ba kakain muna rito bago ka umuwi?"
Umiling ulit ako. "Huwag na. Marami pa ako kailangan gawin sa apartment ko." Hinalikan ko siya sa labi. "Sasama ako sayo bukas sa appointment mo."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...