Airi's POV
It is been a week since the last time I saw Riley. Nagulat nga ako noong makita ko siya sa isang restaurant at nasabi ko pa sa kanyang kasal na ako kahit hindi naman talaga. Gusto ko ng kalimutan si Riley kaya ko iyon nasabi sa kanya pero hindi ko makakalimutan ang anak namin kahit iniwanan ko siya sa ospital noong sanggol pa siya.
Alam ni papa na nagkaroon ako ng anak, pero ano nga ba ang maasahan ko? Kinalimutan na niyang may anak siya simulang namatay si mama. Wait, parang ginawa ko rin sa anak ko ang ginawa ni papa sa akin ah. Ayaw ko maging ganoon.
Nagpasya akong bumalik sa Pilipinas para makita lang ang anak ko kahit sa malayo. Pinagbabawalan ako ni Riley makita ang anak namin. May karapatan naman siyang magalit sa akin dahil mali ang ginawa kong iwanan siya.
Nakita ko si Riley na may kasamang batang lalaki. Kamukhang kamukha ni Riley ang anak namin pero sana nga lang hindi niya nakuha ang ugali ng ama niya.
"Mukha kang stalker sa ginagawa mo, girl." Tumingin ako sa kasama ko. "Bakit kasi hindi ka na lang lumapit.".
"Hindi pwede dahil pinagbawalan ako ni Riley makita ang anak namin. Baka mas lalong magalit sa akin."
"Kung hindi ka umalis noon, sana masaya kayo ngayon."
"Malabo mangyari iyan. Hindi nga ako mahal ni Riley kaya imposible na maging masaya ang samahan namin."
Bigla ko naalala ang mga panahon kung paano ako inalagaan ni Riley noong buntis pa ako. Ni minsan ay hindi ko siya narinig nagrereklamo at lahat na gusto kong kainin binibili niya para sa akin. Mahirap nga lang isipin na may nararamdaman na siya sa akin.
"Bakit hindi ka na lang magpanggap na asawa ko? Nasabi ko kasi sa kanya na may asawa na ako."
Namilog ang mga mata nito. "What?! Hindi pa ako nababaliw para pumatol sa kapwa ko. Ang gusto ko lalaki. Kung wala nga lang anak iyang ex boyfriend mo ay liligawan ko na iyan."
"Hindi ko siya ex boyfriend. Minahal ko lang siya dati."
"Eh, ex love. Ex mo pa rin."
"Please? Magpanggap ka lang na lalaki kapag nandiyan siya sa harapan natin. Ang gusto ko lang naman makita ang anak ko, hindi siya."
"Siguro ka? Baka balang araw ay naisip mong mahal mo pa rin siya ah."
Umiling ako. "Nope. Never. Masaya na ako kapag nakita ko ang anak ko."
"Okay, pumapayag na ako." Napangiti ako dahil pumayag na ang kaibigan ko. "Pero sa isang kondisyon."
Kumunot ang noo ko. "Ano iyon?"
"Hanap mo ko ng papa."
Napasapo ako ng noo. "Basta ba magingat ka na hindi makita ni Riley ah. Malalaman niyang hindi pa ako kasal."
Dahil pumayag na si Carla, err... Carl siya noong nakilala ko siya pero ang sabi niya may pusong babae daw siya kaya naging babae na.
At alam ko rin kung saan nakatira si Riley kaya araw-araw ko pumupunta doon saka alam ko rin kung anong oras sila umuuwi. Nabalitaan ko rin na may ari na pala ng isang restaurant ngayon si Riley. Sinusuportahan ko naman siya sa pinangarap niya dati dahil alam kong magiging success ang business niya.
"Go inside, buddy." Rinig kong sabi niya. Sumunod naman sa kanya ang anak namin. Nalaman ko rin isang mabait na bata ang anak namin. Mabuti hindi nagmana sa ama niya. "Alam kong araw-araw mo kami minamasid diyan kaya lumabas ka na bago pa ako tumawag ng pulis."
Suminghap ako dahil alam pala niyang nandito ako. Lumabas na ako kung saan ako nagtatago. "Paano mo alam?"
Humarap siya sa akin. "Hindi ako tanga para hindi ko mapansin na may nagmamasid sa amin. Ano ang kailangan mo?"
"Gusto ko lang naman maki–"
"Hindi ba kasal ka na?" Singit niya sa sasabihin ko. "Bakit hindi mo kausapin ang asawa mo na magkaroon kayo ng anak? Hindi yung guguluhin mo ang tahimik naming buhay ng anak ko."
Gusto kong sabihin sa kanya hindi ako kasal pero masisira ang lahat na plano ko kapag ginawa ko iyon.
"Gusto ko lang naman siya makita, eh."
"Makinig ka ng mabuti dahil hindi ko na uulitin ito. Hindi ka kailangan ni Rohan dahil iniisip ng bata na hindi mo siya mahal kaya mo siya iniwanan. Well, totoo naman."
"Hindi totoo iyan. Walang araw na hindi ko siya iniisip."
"Kung minahal mo nga talaga siya sana hindi mo siya iniwanan mga panahon na kailangan niya ng isang ina. Ako ang tumayong ama at ina ni Rohan."
"Alam kong galit ka sa akin, Riley pero hindi ako hihingi ng kapatawaran mo."
"Oo, galit ako sayo. Nagsisi ako na ikaw ang babaeng minahal ko."
Namilog ang mga mata ko. Wala akong malala natulog ako para maging isang panaginip ito.
Mahal ako ni Riley?
Imposible mangyari iyon. Kahit dati pa ay galit rin siya sa akin sa hindi ko alam ang dahilan.
Tumalikod na siya sa akin. "Umalis ka na bago pa ako tuluyang tumawag ng pulis."
Napalunok ako. Wala akong laban kay Riley kahit mayaman ang pamilya ko pero niisa ay hindi ako binibigyan ng pera ni papa. Mukhang ito na ang karma ko ngayon.
Umuwi na ako sa tinutuluyan kong apartment. Simulang umalis ako ng bansa ay binenta ko na yung dating bahay ko kung wala na rin titira doon.
"Talo sa lotto, girl?" Bungad ni Carla sa akin.
"Wala ako sa mood sa kalokohan mo ngayon." Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto pagkapasok ko at doon na rin ako umiyak.
Ang akala ko wala na akong mailalabas pang luha dahil nilabas ko na ang lahat 4 years ago. Masakit para sa akin na iwanan ang anak namin pero iyon ang nasabi ko kay Riley na lalayo ako sa kanya pagkapanganak ko. Kahit labag sa kalooban ko ang ginawa ko.
Sobrang sakit nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang akala ko wala ng maisasakit ang mga salitang binibitawan ni Riley sa akin dati pero meron pa pala. Ang hindi ko pwedeng makita o malapitan ang anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/250132772-288-k74151.jpg)
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...