Mabuti nga sermon lang natanggap ko noong sinabi ko sa kanila kung bakit ako nasa bahay ni Airi kanina. Kawawa ang mukha ko kung susuntukin ulit ako ni dad.
"Mabuti pang pumasok ka na sa loob ng emergency room para alamin ang kalagayan ni Airi." Sabi ni dad.
"Why me?"
"Of course, she is carrying your son."
Natigilan ako sa sinabi ni dad. Lalaki ang magiging anak ko. Shit. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila. Speechless ako kahit hindi ko ginusto na ganito ang mangyayari sa buhay ko. Nagkaroon ng anak wala sa plano. Ni hindi ko nga minahal ang ina niya.
Wala akong ibang choice kaya pumasok na ako sa loob ng emergency room at nakita kong kausap ng isang doctor si Airi.
Humarap sa direksyon ko yung doctor. "Are you the husband?"
"No, but I'm the father of her child. Musta na ho ang kalagayan niya?"
"Mabuti na lang malakas ang kapit ni baby kaya wala nangyaring masama pero bawal sa ina ang bigyan ng stress o problema. Kailangan niya rin ang bed rest."
"Kailangan siya pwedeng lumabas?"
"Hihintayin pa namin ang ibang resulta at kung okay ang lahat ay pwede na siyang lumabas."
"Thank you, doc."
Lumapit na ako sa kama ni Airi at umupo sa silya sa tabi.
"Bakit mo ginagawa ito? Dapat matuwa ka pa dahil maaaring malaglag ang bata sa nangyari kanina." Sabi niya.
"Naisip ko na hindi lang sermon at suntok ang matatanggap ko kay dad kapag nangyari iyan. Baka tuluyang wala na kong matitirahan sa pagkakataon."
"Sana gawin mo na lang ito para sa bata kahit hindi na ako kasama. Hindi na rin naman ako umaasang papayag kang pakasalan ako."
"Wala talaga sa plano ko ang magpakasal ka. Ang gusto ko lang ay maenjoy ang pagiging binata bago ako magpakasal sa babaeng mahal ko."
Alam kong mahal ako ni Airi pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal niyang iyon. Wala nga ako nararamdaman kahit noong mga bata pa lang kami.
"Thank you..."
"Huh?"
"Thank you because you're carrying my son."
"Akala ko ba ayaw mo magkaroon ng anak sa akin tapos ngayon magpapasalamat ka. Ang labo mo."
"I know I'm a jerk. Pero sana bigyan mo ko ng pangalawang pagkataon at itatama ko ang lahat na magkakamali ko. Magiging mabuting ama ko sa kanya."
"Sure ka? Baka kasi labag sa kalooban mo ang mga sinasabi mo."
"Not against my will. I am 100% sure." Sabi ko. "Wait, sasabihin ko pala kila mom na okay ka lang at walang nangyari sa baby."
Lumabas na ako sa emergency room para sabihin sa mga magulang ko na walang nangyari sa baby.
"Riley, kamusta na si Airi?" Tanong ni mom sa akin.
"Everything's fine, mom. Ang sabi ng doctor sa akin kanina na malakas ang kapit ng baby pero kailangan na muna ni Airi ang bed rest at bawal siya bigyan–"
"Bawal siya bigyan ng problema o stress. Ikaw lang naman ang nagbibigay ng problema sa kanya kahit alam mong bawal." Sabi ni dad.
"I admit, my fault. Hindi niyo naman masisi na ganito mangyayari sa buhay ko. Wala pa sa plano ko ang magpakasal, ang pagkakaroon pa kaya ng anak. Pero dahil nandiyan na rin ang bata ay nagpasya akong tulungan si Airi."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
عاطفيةDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...