11

734 28 3
                                    

"Dad, I need your help."

"Help for what?"

"Gagawa po kasi ako ng bagong menu at kailangan ko ng tulong niyo."

"Okay, tutulungan kita sa bago mong menu. Kailan ka pupunta rito?"

"Tomorrow."

Kinabukasan excited nga si Rohan noong sinabi kong pupunta kami sa bahay ng grandad at grammy niya. Gustong gusto talaga niyang bisitahin sila.

"Grammy!"

"Nandito pala ang apo ko." Sabi ni mom bago siya tumingin sa akin. "Bakit pala kayo napabisita ngayon?"

"Hihingi po ako ng tulong kay dad para sa gagawin kong bagong menu."

"May usapan ba kayo?" Tumango ako kay mom. "Naku, mukhang nakalimutan ng dad mo dahil pumunta rito ang tito Theo mo at niyaya siya."

"Ganoon po? Next time na nga lang."

"Wait, nandito ka na rin naman sa bahay." Kumunot ang noo kong tumingin kay mom. "May gusto akong sabihin sayo."

"What is it?"

"Nakita ko si Airi kahapon sa salon. Gusto ko malaman kung bakit hindi mo siya pinayagang makita si Rohan?"

"Sinabi niya po iyon?! Kaya ko lang naman siya hindi pinayagan dahil wala siya sa tuwing naghihirap akong alagaan si Rohan."

"Kahit na, Riley. Siya pa rin ang ina ni Rohan. May karapatan si Airi na makilala ang anak niyo."

"No, she doesn't. Ayaw ko makasira ng isang pamilya kapag ginawa ko iyon."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean? May asawa na si Airi?"

"Yes, I don't know if they have a child but I don't care."

"I have no idea she's already married." Halata sa mukha ni mom ang dismaya sa natuklasan niya.

"Bakit po ba big deal sa inyo kung may asawa na siya? May anak lang kami pero hindi totoo ang relasyon namin dati."

"Gusto ko siya para sayo. Yung mamahalin, aalagaan ka at tatanggapin ang ugali mong iyan. Mabait na bata si Airi pero ganyan ang pagtrato mo sa kanya at pinakawalan mo pa."

"I know I'm 4 years too late to admit how I feel. Pero ano ang magagawa ko? Wala kaming relasyon."

"It's not too late. May magagawa ka pa para makuha mo ang babaeng mahal mo."

Kumunot ang noo ko. "How did you know? Did dad told you?"

"May alam ang daddy mo? Ugh, humanda sa akin ang lalaking iyon. Hindi man lang sinabi sa akin." May inis sa boses ni mom. "Nakalimutan mo na agad nagkita kami ni Airi at sinabi niya na mahal mo na daw siya."

Nakalimutan kong naaksidente kong masabi sa kanyang mahal ko siya. Psh. Paniguradong hindi iyon naniwala sa sinabi kong mahal mo siya.

"How? I'm so desperate to get her back."

Ngumiti sa akin si mom. I think I don't like that kind of smile. "Pakilala mo si Rohan sa kanya."

"Pakilala si Rohan kay Airi?"

"Yes. Oh, by the way, next week pala ay babalik na siya ng Australia kaya bilis-bilisan mong kumilos. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Kahit anak kayo..."

"May asawa na nga yung tao."

"Oo nga pala pero uso ang divorce sa ibang bansa."

"What? You're crazy, mom but I will do anything to make her mine."

"That's it, son. Make us proud."

"Ganyan tayo mga Hernandez, Riley." Lumingon ako sa likod at nandito na si dad. "Sorry kung narinig ko ang pinaguusapan niyong mag-ina."

"Dad, pwede po bang gawin na lang natin sa susunod na araw? Pupuntahan ko si Airi ngayon bago mahuli ang lahat."

"Sure, pero alam mo ba kung saan nakatira si Airi?"

"Hindi pero bahala na kung saan ko siya hahanapin." Tumakbo na ako palabas ng bahay. "Diyan na muna sa inyo si Rohan."

Nilabas ko ang phone ko habang naglalakad. Umaasa na ito pa rin ang number ni Airi hanggang ngayon.

Kumurap ako noong nagring at sinagot na iyon tawag ko. "Let's meet."

"Huh? Sino 'to?"

Kumunot ang noo ko sa sinagot nito sa kabilang linya. "Wala pa ngang isang buwan tayo huli nagkita ay kinalimutan mo na agad ako. Si Riley 'to."

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Let's meet."

"Kung ano man ang kailangan mo sa akin ay sabihin mo na dito. Marami pa akong ginagawa, Riley."

"When I said let's meet, let's meet. Don't try my patience, Airi."

"Ikaw na nga itong may kailangan sa akin tapos ikaw pa itong may ganang magalit."

"Paalala ko sayo malaki ang kasalanan mo kay Rohan kaya magkita tayo kung gusto mo makilala ni Rohan."

"Seryoso ka? Wala bang kasamang biro?"

"Mukha ba ako nagbibiro? Magkita tayo para pagusapan kung paano ka magpapakilala sa kanya."

"Thank you, Riley."

"Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira at pupuntahan kita ngayon."

Huminto ako sa paglalakad noong sinabi na niya sa akin yung address niya. Malapit lapit lang rito kung saan siya nakatira.

"Gusto ko lang malaman kung bakit bigla nagbago ang isip mo ngayon?"

"Napaisip ako na hindi habang buhay ay itatago ko ang katotohanan kay Rohan. Mas mabuti pang malaman niya ng mas maaga at sa atin niya malaman kaysa sa ibang tao pa. Ayaw kong makitang nasasaktan ang bata."

"Hindi ko alam kung paano kita papasalamatan dahil binigyan mo ko ng pagkakataon na makikala niya. May gusto ka ba? Anything you want."

"Anything I want? Tsk. Mamaya ko na sasabihin sayo kung ano ang gusto ko."

Luminga linga ako sa paligid ko kung may sasakyan bang pupunta pero wala kahit isa kaya tumawid na ako kahit green light pa.

"Anyway, may gusto ka ba ipabili bago ako pumunta diyan?"

"Wala naman."

Habang kausap pa si Airi sa telepono ay tumawid pa ako sa kabilang kanto. Siguro akong doon yung binibigay niyang address sa akin.

"Bakit hindi mo pa binaba yung tawag? Baka maaksidente ka niyan sa ginagawa mo."

"Gusto ko pang marinig ang boses mo."

"Huh? Gusto mo marinig ang boses ko?"

"Wala. Kalimutan mo na ang sinabi ko."

Hindi ko nalamayan na may isang kotse ang biglang sumulpot kung saan at bumangga sa akin. Shit. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Oh God! Tumawag kayo ng ambulansya." Sigaw ng isang tao na hindi ko kilala at iyon na ang huling naalala ko.

May naririnig akong boses pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya at hindi ko alam kung saan na ako ngayon.

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon