7

784 30 3
                                    

"Dad, I'm sorry. I was wrong to treat her that way." Sabi ko habang pumapatak na ang luha ko. Sa 30 years ko nabubuhay sa mundo ay ngayon lang ako umiyak.

"Ngayon sabihin mo akin narealize mo na mahal mo na si Airi pero huli na ang lahat."

Bumuga ako ng hangin. "I hate to admit but yes, I have feelings for Airi."

Nahuli na ako narealize na mahal ko pala si Airi dahil napaisip ako na mamahalin ko ang anak namin pero hindi ko magawang mahalin siya. Pero shit lang huli na ako. Tangina.

"I'm sorry, son but I can't help you this time."

"It's okay, dad. Siguro kakayanin ko ito ng magisa na hindi humihingi ng tulong sa inyo ni mom."

Inaamin ko mahirap maging single father dahil nagigising ako ng madaling araw kapag nagigising si Rohan noong sanggol pa lamang siya pero kapag papasok na ako sa trabaho ay iiwanan ko siya sa bahay nila dad. Nandiyan ang mga magulang ko at mga kapatid ko para tulungan ako kay Rohan.

"Your son wants to talk with you."

"Daddy, good night."

"Good night, buddy."

"Alam kong gusto mo na rin ang magpahinga kaya pahinga ka na."

"Sige, dad. Good night."

Kinabukasan ay maaga ako nagcheck out sa hotel na tinutuluyan ko. Wala na rin naman saysay ang pagpunta ko dito kung ang pinunta ko ay kasal na at kinalimutan na ang tungkol kay Rohan. Siguro doon na muna ako sa bahay ng isang linggo bago kunin si Ronan sa bahay nila dad.

Napaangat ang tingin ko noong may humarang sa harapan ko at kumunot ang noo ko. "What the are you doing here?"

"Pwede mo ba akong payagan makita ang anak natin?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Anak natin? Ang pagkaalala ko ay iniwanan mo siya noong sanggol pa lamang si Rohan sa ospital. Wala kang alam kung gaano ako naghirap alagaan lang siya at sa tuwing nagkakasakit. Tapos gusto mong makita si Rohan? Wala kang karapatang makita siya. Nagsisi ako na pumunta rito para kumbinsehin kang bumalik para sa kanya."

Pagkabalik ko sa Pilipinas ay dumeretso na ako sa bahay na walang nakakaalam sa pamilya ko na bumalik na ako. Isang linggo lang ako bago kunin si Rohan.

Isang linggo na ang lumipas kaya nagpasya na akong puntahan si Rohan sa bahay nila dad. Miss ko na rin ang anak ko.

"Daddy!" Tumakbo siya papalapit sa akin. Halatang excited makita ako. "Where's mommy?"

Natigilan ako sa tanong ng anak ko at tumingin sa taong nasa likod niya – si Rico. Binaling ko ulit ang tingin kay Rohan at lumuhod sa harapan niya. "Sorry, buddy because it is too big where mommy lives."

"Aww..." Yumuko siya. "I know mommy don't love me. If she loves me, she won't leave me."

"Ano ba ang nangyari? Kahit si dad at mom hindi sinasabi sa amin ang nangyari."

Tumingala ako sa kanya at saka tumayo. "Last week, I accidentally saw Airi."

"Oh, tapos? Ano nangyari sa pagkikita niyong dalawa?"

"Umalis siya para kalimutan daw niya ako at nalaman kong kinasal na siya."

"Ayan kasi. Kung maayos lang sana ang pagtrato mo sa kanya, kasal na sana kayo ngayon at isang masayang pamilya ang mayroon si Rohan."

"Rico, please. Huwag mo muna akong sermunan at alam kong mali ang ginawa ko sa kanya dati. Nagsisi na ako."

"Kahit sisihin mo pa ang sarili mo ay hindi mo na maibabalik ang nakaraan, Riley. Sinaktan mo yung tao. Pero mahal mo na ba siya?" Dahan-dahan akong tumango sa kakambal ko. "Ayun naman pala, eh. Dapat sinabi mo sa kanyang mahal mo na siya."

"Sana ganoon kadali iyang sinasabi mo. Iisipin lang iyon na nagbibiro lamang ako. Ayaw ko na ang masaktan. Iniwanan niya kami at matagal na rin niya pinutol ang ugnayan sa amin. I need to move on. Si Rohan lang ang kailangan ko sa buhay." Tumingin ako sa anak ko. "Rohan, pack your things."

Pumunta na si Rohan sa kwarto niya. Actually, ang kwarto ko ang naging kwarto niya ngayon. Noong pinanganak si Rohan ay ayaw kong humingi ng tulong kila dad at naisipan kong ibenta ang Nitendo Switch ko pati na rin ang PS4. Nangako ako kay Rocky na bibilihan ko siya ng bagong video game.

"Ang laki na talaga ng pinagbago mo simulang dumating si Rohan sa buhay mo. Hindi ka na yung trickster na kilala ko."

"Rohan changed me. At ayaw kong lumaking pasaway si Rohan kaya tinuturuan ko siya maging mabait sa kapwa."

"Simulang bata pa lang tayo ay kilala na kita at alam kong kaya mo namang maging mabait pero ayaw mo lang."

"Baliw ka ba? Malamang kilala mo na ako dahil kakambal mo ko."

"Ewan ko sayo, Riley. Hirap paniwalaan na ganito ka na ngayon. Isa ka ng ama."

"Maniwala ka man o sa hindi ay may anak na ako."

"Anyway, wala ka bang balak maghanap ng tatayong ina para kay Rohan? Since he never met his real mother. Bakit hindi ka na lang maghanap ng iba?"

"I have no interest. At wala akong balak maghanap ng iba para tumayong ina ni Rohan. Masaya na ako maging single father basta kasama ko lang siya."

Nakita ko na ang pagbalik ni Rohan dala na ang kanyang backpack. "Let's go, daddy?"

Tumango ako bago tumingin ulit kay Rico. "Alis na kami at pasabi kila dad na kinuha ko na si Rohan."

Paguwi namin sa bahay nagmamadali si Rohan papunta sa kwarto niya at sinundan ko na siya doon.

"Seems like you really miss your bed, buddy."

"So much!" Natawa na lamang ako sa sagot ng anak ko. "Daddy, are you going back to work tomorrow?"

"Yes, why?"

"We have a school event tomorrow. I really want you to come."

"School event?" Umupo ako sa kama niya. Since ako ang may ari ng restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Nagsumikap talaga ako para matupad ang pinangarap ko magkaroon ng sariling business. "Sure, buddy. Daddy will come."

"Yay!" Niyakap ako ng anak ko. "I love you."

"I love you too."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon