Nainis ako kay Riley dahil last minute na niyang sinabi sa akin na aalis pala kami. Hindi ko nga lang alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko na siya pinansin after
"Are you still mad at me?" Tanong niya sa akin habang naka focus sa pagmamaneho.
"Hmph." Tumingin na lamang ako sa labas. Hindi na sa akin familiar ang dinadaanan namin.
"I'm sorry, Airi. Hindi ko sinasadyang kalimutan sabihan ka na pupunta tayo sa Sky Island."
Bigla ako napatingin sa kanya sa narinig ko kung saan kami pupunta. "Sky Island?"
Bata pa lang ako ay pangarap ko na ang pumunta doon pero hanggang pangarap na lang iyon. Hindi ko inaasahan na matutupad ang pangarap kong nakapunta doon. Ang sabi ng mga kaibigan ko maganda daw doon tapos ang puti pa ng buhangin at linaw ng tubig.
"Yes, we're going to Sky Island. Nandoon rin ang mga kaibigan ko."
"Pero kilala ko na sila Alvin."
"Not them. I have another group of friends aside from them. They also my childhood friends."
Ilang oras ang lumipas noong nakarating na kami sa Sky Island. Ang ganda talaga rito. Ang linaw ng tubig tapos puti pa ng buhangin. Halatang inaalagaan ito.
May isang lalaki na hindi ganoon katanda. I think nasa early 50's lang siya.
"Welcome to Sky Island." Sabi niya sa amin at tumingin siya kay Riley. "It's good to see you again, Riley. Musta na ang mga magulang mo?"
"Ayun, wala pa rin po pinagbago sa kanila. Kung ano ang pagpakilala niyo sa kanila ay ganoon pa rin sila."
Narinig kong tumawa ang kausap niya. "PDA pa rin?"
"You can say that, tito Jake." Tumingin sa akin si Riley saka binalik ang tingin sa kausap. "Tito, this is Airi, my girlfriend. Airi, this is tito Jake, kaibigan siya ni dad."
"Hello po."
"It's nice to meet you, Airi." Tumingin naman siya kay Rohan. Hindi ko nabanggit na kasama rin namin si Rohan. "And who is this kiddo? Huwag mong sabihin sa akin na anak niyo."
"Yes, our son. Rohan, say hi to your lolo Jake."
"Hello." Kumaway pa si Rohan.
"Lolo." He mumbled. "Wala pa akong 60 para maging lolo."
"Wala sa edad iyan, tito. Kaibigan kayo ni dad, eh." Natatawang sabi ni Riley. "Anyway, nandito po ba si Jazz?"
"Kasama yung iba. Nandito rin yung iba at ang sabi ni Jazz na may-"
"Sige po. Pupuntahan ko na lang sila mamaya at papahinga muna kami."
"Sige. Balik na muna ako sa amin."
Pumunta na kami sa hotel na tutuluyan namin pero hindi mawala sa isipan ko yung sasabihin sana ng kausap ni Riley kanina na bigla siyang nagsalita.
"Ano 'yon? Bakit ka biglang nagsalita habang nagsasalita yung kausap mo kanina?" Tanong ko. Curious talaga ako.
"That was nothing."
Hindi mawala sa isipan ko kung bakit biglaan ang punta namin sa Sky Island. I'm sure he has a reason.
Pagkagising ko ay gabi na sa labas at wala yung mag-ama ko.
Saan man pumunta ang dalawang 'yon? At hindi man lang ako ginising.
Kinuha ko ang phone ko sa side at tinatawagan si Riley. Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya ang tawag.
"Nasaan kayo?" Bungad ko pagkasagot niya. Wala ng hello-hello.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...