Airi's POV
Ilang araw ko na rin iniyakan ang mga pinagsasabi ni Riley sa akin. Nalaman kong may kalokohan si Riley at ang mga kaibigan niya. At isa na ako nasali sa kalokohan nila kaya nga niligawan ako ni Riley kahit hindi naman ako ganoon kagandahan.
Simulang bata pa lang ay kilala ko na si Riley at may crush na nga ako sa kanya noon pa lang hanggang nauwi sa mahal ko na siya. Inaamin kong mahal ko na si Riley ngayon kahit hindi niya magagawang suklian ang pagmamahal ko sa kanya.
Limang buwan na rin ang lumipas noong nalaman kong buntis ako. Sa loob ng limang buwan ay hindi na ako nakikipag kita sa kanya at wala naman siyang pakialam sa akin. Kaya hindi ko na sinabi sa kanya na ang tungkol sa bata dahil sinabi na niya sa pagmumukha ko na ayaw niyang magkaroon ng anak sa akin. Mas mabuti pang wala siyang alam kaysa sigawan ako at magsabi pa ng masasakit na salita sa akin.
May narinig ako nagdoorbell. Wala akong inaasahang bisita ngayon at kahit tinatamad ako bumangon ay kailangan kong buksan ang pinto. Laking gulat ko ng makita ang mga magulang ni Riley.
"Nagaalala ako sayo kaya nagpasya kaming– Oh my. Buntis ka, hija?" Gulat na tanong ni tita Sarah. Mababait naman ang mga magulang nila dahil tanggap nila ako. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang ugali ni Riley. Hindi ko naman pwedeng sabihin ampon siya kasi may kakambal si Riley.
Tumango ako. "Opo."
"Si Riley ba ang ama?" Tanong ni tito Rocco.
"Yes po." Yumuko ako. Kahit anong oras ay papatak na ang luha ko. "Pero wala pong alam si Riley na buntis ako."
"Bakit? May nangyari ba sa inyo?"
Hindi na ako sumagot dahil pumatak na ang luha ko at naramdaman kong niyakap ako ni tita Sarah. Wala ako maalala ang tungkol sa mama ko dahil namatay siya sa sakit niyang cancer noong 4 years old pa lang ako at si papa na ang kasama ko simula pa lang kahit wala na siya masyadong oras sa akin.
"Kakausapin ko si Riley."
Tumingala ako. "Huwag po, tito. Sinabi niya po sa akin noon na ayaw niya magkaroon ng anak sa akin."
"Oh gosh. Ano ba nangyayari sa anak natin, Rocco? Wala naman tayo pagkukulang para maging ganoon si Riley at hindi naman ganoon ang ugali ng kakambal niya."
"Hindi ko rin alam, wifey. Kailangan talaga turuan ng leksyon ang batang iyon." Tumingin ulit sa akin si tito Rocco. "Apo namin ang dinadala mo kaya hindi kami papayag na magisa ka lang sa pagaalaga sa kanya. Tutulungan ka namin sa lahat na gastusin kahit sa pagpanganak mo."
"Maraming salamat po."
"Hindi rin ako papayag na hindi ka pakasalan ng anak namin."
"Kahit gusto ko pong pakasalan siya pero alam kong hindi siya papayag." Pinahid ko ang luha ko na kanina pa pumapatak.
"Hindi talaga iyon papayag hangga't hindi magbago ang ugali. Kailangan magbago muna ang ugali ni Riley."
"Hindi naman po ako nagmamadali. Handa po ako maghintay kay Riley." Sabi ko. Kahit malabong mangyari iyon.
"Boy or girl?" Tanong ni tita Sarah.
"Lalaki po ang inaasahan ko." Sagot ko.
"Dalawang lalaki na ang apo natin, hubby. Kay Daisy tapos ngayon kay Riley naman."
Tumango naman si tito Rocco. "But we have to go. Pupunta pa tayo kila Daisy."
"Sorry, we have to go. Tawagan mo lang kami kung may kailangan ka ah. Huwag kang mahiya."
"Okay po. Salamat."
Wala na rin naman akong gagawin kaya nagpasya akong maglakad na muna sa labas. Kakailanganin ko rin daw ang paglalakad.
"Airi?" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Kapag minamalas ka naman. Isa sa mga kaibigan ni Riley ang nakakita sa akin. "Whoa. Hindi ko alam buntis ka pala. Si Riley ba?"
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na si Riley nga ang ama dahil paniguradong makakarating sa taong iyon. Ayaw nga ni Riley magkaroon ng anak sa akin.
Mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi si Riley ang ama nito pero huwag mo na tanungin kung sino dahil hindi ko kilala kung sino ang nakabuntis sa akin."
"Limang buwan ka ng walang paramdam kay Riley ah. Bakit? Inamin na ba niya sayo ang totoo?"
Kumunot ang noo ko. "Anong totoo?'
"Na isang katuwaan lang kung bakit ka niya niligawan."
"Ahhh... Matagal ko ng alam ang tungkol diyan. Siguro isa iyan ang dahilan ko kung bakit wala na akong paramdam kay Riley."
"Ang akala ko naman kaya ka walang paramdam dahil malalaman ni Riley na nagdadalang tao ka ngayon."
"Siguro isa pa iyan."
Gusto ko ng matapos ang usapang ito. Umalis ka na, oh! Ayaw ko rin kasi kausapin ang mga kaibigan ni Riley. Sila rin ang may dahilan kung bakit nagiging ganito ang buhay ko ngayon. Pero kahit sisihin ko sila ay hindi na nila maibabalik ang nakaraan.
"I have to go." Tumango na lamang ako sa kanya. Mabuti na lang naisipan na niyang umalis.
May narinig akong naglalakong ice cream at nagtatakam tuloy ako ngayon sa ice cream. Lumapit na ako sa nagtitindi para bumili.
"Manong, isa nga pong chocolate tapos strawberry." Sabi ko. Kumuha na si manong isang cone at nilalagyan na niya ng ice cream flavor na sinabi ko kanina.
Inabot na niya sa akin ang cone. "Heto na ang ice cream mo, hija."
Kinuha ko na yung cone saka binayaran. "Salamat po."
Naglakad na ulit ako habang kumakain ng ice cream pero biglang nagtatakam ako sa french fries na sinasawsaw sa ice cream ah.
Bumuga ako ng hangin pagkakita tingin ko sa wallet. Konti na lang pala ang pera ko ngayon. Sabagay, limang buwan na akong umalis sa trabaho ko dahil alam ni Riley kung saan ako nagtatrabaho at puntahan pa niya ako doon.
Sorry, baby. Hindi makakabili si mommy ng gusto mong kainin ngayon.
Kahit gusto kong bumili ng isang kilo ng french fries at isang gallon ng ice cream ay wala akong pambayad. Hindi kasya ang naipon kong pera. Tsk.
Paguwi ko sa bahay umupo na muna ako sa sofa pero may nagdoorbell.
"Sino na naman ba itong pumupunta sa bahay?" Irita kong tugon sa sarili.
Bumangon na ako para buksan ang gate pero laking gulat kong makita kung sino. Hindi, imposible na pupunta siya ngayon dito.
"Relax. Hindi ako si Riley." Sabi niya. Nawala sa isipan kong may kakambal nga pala siya.
"Ano ang kailangan mo?"
May inabot siya sa akin isang supot. "Inutusan kasi ako kanina ni mommy na bumili ng mga pagkain at dinadala daw dito.
"Nagabala pa kayo sa akin pero hindi ako pwede magbuhat ng mabibigat."
"Sorry, wala akong ideya na buntis ka pala. Pwede bang pumasok?"
Tumango ako. "Sige, pasok ka."
Nilagay na ni Rico ang pinamili niyang makakain ko sa kusina.
"Pinasabi nga pala kung may kailangan ka ay tawagan mo na lang ako – wait, busy nga pala ako sa trabaho. Si Rin o Rocky na lang ang tawagan mo."
"Salamat. Huwag na sana kayo magabala pa sa akin."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...