3

872 31 0
                                    

Riley's POV

"Bro, nakita ko kanina si Airi ah." Bungad ni Marc sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman ngayon kung nakita mo siya? Wala akong pakialam sa babaeng iyon."

"Nalaman ko rin kasing buntis siya." Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan ko at agad tumingin sa kanya. "Huwag kang tumingin sa akin na ganyan. Hindi ikaw ang ama ng dinadala niyang bata."

"Mabuti naman kung ganoon dahil ayaw ko magkaroon ng anak sa babaeng iyon. Masisira lang ang lahi namin kung ang ina ng magiging anak ko ay panget."

"Hindi naman panget si Airi ah." Sabi naman ni Andre.

"Eh, ligawan mo. Maganda pala sa paningin mo. Tsk." Tumayo na ako. Hindi ko nga pala sinabi na nandito kami magkakaibigan sa bar pero hindi na ako umiinom. Ayaw ko na maulit ang nangyari dati. "Uuwi na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas."

"Sipag na pumasok sa trabaho ah. Parang dati lang na ayaw mo magtrabaho."

"Mas pipiliin ko ang magtrabaho kaysa alagaan ang baby sister ko."

Paguwi ko sa bahay ay nakita ko si dad nakatayo sa may sala. Wala akong maalala na may ginawa akong mali para magalit siya sa akin.

"Saan ka galing?"

"Nakikipag kita lang ako sa mga kaibigan ko."

"Riley, pwede ba tayo magusap?" Tumingin naman ako kay mom saka tumango sa kanya.

"Ano na naman ba itong ginagawa mo ngayon, Riley? Hindi ka ba nahihiya sa pinag gagawa mo?" Tanong ni dad sa akin.

"Huh? Ano ang ibig niyong sabihin, dad? Paki linaw naman sa akin para malaman ko ang ibig niyong sabihin."

"Gusto lang namin malaman kung mahal mo ba talaga si Airi." Ani mommy.

Natigilan ako. Si Airi na naman ba ang magiging topic? Ano ba ang meron sa babaeng iyon ah?! Buntis daw siya. Ano naman kung buntis?

"Gusto niyo po bang malaman ang katotohanan? The answer is no. Katuwaan lang namin magkakaibigan kaya nili–" Nagulat ako noong sinuntok ako ni dad dahilan napaupo ako sa sahig. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nasuntok ni dad. Napahawak ako sa pisngi kung saan niya ako sinuntok at tumingala sa kanya.

"Rocco, huminahon ka." Awat ni mom.

"Hindi ka namin pinakalaki ng mommy mo para maging ganyan ka! Dahil sa mga kaibigan mo kaya naging ganyan na ang ugali mo! Umayos ka, Riley!"

Tumayo na ako. "Hindi ko maintindihan ang gusto niyong sabihin sa akin."

"Buntis si Airi."

"Ano naman kung buntis siya?"

"At ikaw ang ama ng dinadala niyang bata."

Namilog ang mga mata ko. "What?! Ang sabi sa akin ni Marc kanina noong nagkita sila ay hindi ako ang ama tapos sasabihin niyo sa akin na ako ang ama."

Naguguluhan ako. Ano ba talaga?

"Ang gusto lang namin gawin mo ay magpakasal kayong dalawa ni Airi."

"Huh?! No, no. Ayaw kong magpakasal sa kanya."

"Sana iniisip mo muna ang pwedeng mangyari. Isipin mo kung mahal mo ba talaga. Kung hindi, 'di sana mangyayari ito sayo ngayon."

"Okay, aaminin kong lasing ako mga panahon na iyon."

"Hindi excuse iyan, Riley. Dapat handa ka sa kapalit sa mga kalokohan mo. Magkakaroon ka ng anak ngayon."

"But my answer is still no, dad. Hindi ko papakasalan si Airi."

"Mabait na bata si Airi. Bakit hindi mo magawang mahalin?" Sambit ni mom.

"Maybe she's not my type."

"Kung hindi siya ang tipo mong babae sana hindi mo na lang siya niligawan."

"Katuwaan lang namin kaya ko iyon ginawa."

"Hindi ka namin pinalaki para paglaruan mo ang damdamin ng mga babae. Dahil diyan sa ginagawa mo ay nasasaktan ngayon si Airi."

Ano naman ngayon kung nasasaktan na siya? Ang akala ko pa naman uminom siya ng pill tapos hindi pala. Sana pinalaglag na lang niya ang bata para hindi naging ganito ang nangyayari.

"Sana magbago ang isip mo." Ani mom.

Umiling ako. "I'm sorry. Hindi ko kayang pakasalan si Airi."

Pagpunta ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang bag ko at iimpake ng mga gamit ko. Aalis muna ako sa pamamahay na ito. Hindi ako makapaniwalang gusto nila ako maikasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Ugh.

Ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung may makita akong hotel sa ganitong oras.

Damn, lalayas ka pero wala ka naman matitirahan. Gamitin mo naman minsan iyang utak mo, Riley.

Tumingin ako sa bahay nasa tapat ko. "What the hell? Bakit dito ako dinala ng mga paa ko?"

Ugh. Bahala na nga. Hindi ako pumunta rito para kamustahin siya, magpapalipas lang ako ng gabi at bukas ay aalis agad ako.

Pindot ako nang pindot sa doorbell kaso walang sumasagot sa loob. "Damn it. Ang ayaw ko sa lahat ang pinaghihintay ako."

Nakita ko ang pagbukas ng ilaw sa loob at bumukas na rin ang pinto. "Sino ba iyang doorbell nang doorbell sa ganitong oras?" Lumabas na siya ng bahay para buksan ang gate at laking gulat niyang makita ako. "Riley?"

"Tsk." Binaling ko ang tingin sa umbok niya. Hindi nga nagbibiro ang mga tao dahil buntis nga talaga siya. "Huwag ka magaalala papalipas lang ako ngayong gabi at bukas ay aalis rin ako."

"Bakit? I mean, ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi na obvious? Lumayas ako sa amin dahil pipilitin lang nila akong pakasalan ka. Tsk. Ano ba ang gusto mong mangyari ah? At nagsinungaling ka pa sa akin na uminom ka ng pills."

"Alam kong ayaw mo magkaroon ng anak sa akin."

"Alam mo naman pala, eh. Sana pinalaglag mo na lang iyang bata."

"Hindi ako ganoon masamang tao para ipalaglag ang isang inosenteng bata, Riley."

"Kung hindi dahil sayo sana hindi ganito ang mangyayari sa–" Napahinto ako noong naririnig kong humihiyaw siya at may nakita akong dugo. "Shit. Ano nangyayari sayo?"

"Ahhh! Ang sakit!"

Natataranda ako. Hindi ko alam ang gagawin hanggang sa naisip kong tumawag ng ambulansya.

Pagkarating sa ospital ay tinawagan ko si mom. I don't know what to do. Nakaramdam ako agad ng takot sa nangyari kay Airi. Kung may mangyari sa bata ay paniguradong lagot na naman ako nito kay dad. Hindi lang suntok niya ang matatanggap ko baka may mas malala pa doon.

"Riley, what happened?" Tanong ni mom pagkarating nila sa ospital. Ang sama nga ng tingin sa akin ni dad.

Umiwas ako ng tingin sabay kamot ng ulo. "Dinugo si Airi kanina. Alam kong galit kayo sa akin dahil kasalanan ko ang nangyari sa kanya."

Hindi ko maintindihan kung bakit mahal nila si Airi kumpara sa tunay nilang anak. Ako ang anak nila, hindi si Airi.

"Since nandito na rin kayo ni dad kaya aalis na ako."

"No. You have to stay here." Mawtoridad na sabi ni dad.

"Gusto namin malaman ng dad mo kung ano ang ginagawa mo sa bahay ni Airi sa ganitong oras." Ani mom.

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon