21

710 29 0
                                        

"Um, one more thing, dad."

"What is it?"

"Um..." Bakit ba ako kinakabahan? Dahil siguro pwede ako pagalitan ni dad kapag sinabi ko sa kanya kung ano ba talaga ang pinunta ko rito. Pero yayain ko naman si Airi ng kasal. "Airi is pregnant."

Napansin ko ang paglingon ni Rohan sa akin dahilan na tumingin ako sa kanya. "Mommy is pregnant?"

"Yes, buddy." Sagot ko. Kaso imbes na matuwa si Rohan ay sumimangot ito at malapit na umiyak. "What's wrong?"

"Mukhang nagseselos si Rohan dahil magkakaroon na siya ng kapatid at sa kanya na ang atensyon niyong dalawa pagdating niya." Ani dad.

"I don't want to have a baby brother or sister." At tuluyan na ngang umiyak si Rohan.

Ang akala ko pa naman ay matutuwa siya dahil magkakaroon na siya ng kapatid pero hindi pala.

Pinilipit na niyang bumaba kaya binaba ko na siya. "I hate you, daddy!" Sigaw niya saka tumakbo papunta sa kwarto nito.

"May mga bata talaga na ganyan. I mean, ganyan rin kayo ni Rico noong dumating si Rin. Especially, you."

Kumunot ang noo ko. "Me?"

"Yes. Noong sinabi namin na magkakaroon na kayo ng kapatid ay sumigaw kayo ni Rico na ayaw niyo ng kapatid at ikaw naman ay nagkulong sa kwarto mo. Ilang oras ka nga hindi lumalabas sa kwarto."

Wala akong maalala na ginawa ko ang bagay na iyon.

"No doubt why Rohan is like that. Dahil habang lumalaki siya ay napapansin kong nakukuha niya ang ugali mo."

"What do you mean, dad? Huwag niyong sabihin sa akin nagiging pasaway na rin si Rohan."

"Except that. Sa ngayon hayaan mo muna si Rohan at mamaya ay tatanggapin niya ang pagkakaroon ng kapatid."

Tumango ako. "By the way, dad, do you know ate Daisy is pregnant?"

"Yes. Your mom told me. Naiintindihan ko pa si Daisy dahil kasal na sila ni Gian pero ikaw – hindi pa kayo kasal ni Airi."

"Kahit hindi pa kami kasal ay hindi ko siya tatakbuhan at doon rin ang punta namin."

Bumuga ng hangin si dad. "Sa tagal na panahon ito pa lang ang nagawa mong tama, Riley."

"What? Hindi po ba tama ang ginawa kong pagalaga kay Rohan na magisa? Hindi ko siya tinalikuran dahil anak ko siya at alam kong papagalitan niyo ko kapag ginawa ko iyon."

"Except that. Alam ko hindi mo magagawang talikuran ang anak mo dahil lumuha ka pa nga pagkakita mo kay Rohan sa nursery room noong mga panahon na iyon."

I can't deny that. Lumuha talaga ako pagkakita ko kay Rohan dahil ngumiti siya sa akin. Sino ba ang hindi luluha kapag nakita mong ngumiti ang anak mo sayo? Alam niyang ako ang daddy niya.

"I have to go. Baka kasi naiinip na si Airi sa kanila."

"Dito na muna si Rohan habang inaalagaan mo ang mommy at ang kapatid niya."

Isasama ko lang siguro si Rohan kung tanggap na niya ang pagkakaroon ng kapatid.

Pagbalik ko sa apartment ni Airi ay nakita ko siya nanonood ng isang tv show.

Mukhang napansin naman niya ang pagdating dahil lumingon siya sa akin. "Nandito ka na pala. Musta?"

Umupo ako sa tabi niya. "Wala si mom sa bahay kaya si dad lang ang sinabihan ko. Kaso hindi natuwa si Rohan sa balita na magkakaroon na siya ng kapatid."

"Bakit?"

"Nagseselos baka ang atensyon natin ay mapupunta na sa kapatid niya. Ang akala ko kasi kapag sinabi ko ay matutuwa siya pero kabaliktaran ang nangyari."

"Pwede mo ba siya dalhin rito bukas? Ayaw ko kasing isipin niyang ganoon ang mangyayari."

"Um, sige."

Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay ng mga magulang ko para kunin si Rohan at nakita ko si Rin lumabas galing sa kusina.

"Rin." Lumingon siya sa akin pagkatawag ko sa kanya. "Nasaan si Rohan?"

"Nandoon sa taas at kasama nina Rocky at Rinoa. Mukhang naglalaro ang tatlo ngayon."

"Okay. Thanks." Pumanhik na ako papunta sa kwarto ni Rocky. Kapag hindi busy ang kapatid kong iyon ay madalas niyang nilalaro sina Rinoa at Rohan noong baby pa ang dalawa. Matanda lang ng isang taon si Rinoa kay Rohan pero tita pa rin niya ang bunso namin.

Sumilip ako sa kwarto ni Rocky para alamin kung ano ang ginagawa nila pero nakikita ko sina Rocky at Rinoa lang ang naglalaro. Nasaan si Rohan?

Kumatok na ako sa pinto at niluwagan ni Rocky ang pinto. "Oh, kuya. Si Rohan po ba ang hanap niyo?"

"Yes. Nasaan siya?"

Tinuro niya kung nasaan si Rohan at nakita ko na ang anak ko ang sarap ng tulog sa kama ni Rocky. "Buong gabi kasi siya umiiyak kagabi kaya dito ko siya pinatulog pero nagising rin ng maaga." Humarap na ulit sa akin ang kapatid. "Ang sabi ni daddy pumunta ka daw dito. Ano nangyari kay Rohan, kuya?"

"Mukhang hindi pa handa si Rohan na magkaroon ng kapatid kaya umiyak kahapon. Okay na ba siya ngayon?" Nagaalala ako sa nangyari kay Rohan. Hindi kasi siya iiyak na walang dahilan at alam kong iisipin pa rin niyang mawawalan na kami ng oras sa kanya pagdating ng kapatid niya.

"Ganoon po pala ang nangyari. Congrats, kuya. Madagdagan na pala ang pamangkin namin. Magkakaroon na rin ng kapatid ngayon si Luke."

"Uncle Rocky." Mukhang gising na si Rocky.

Tumingin kami ni Rocky sa direksyon ni Rohan pero pinatong ko ang isang kamay sa balikat niya para sabihin na ako muna ang bahala kay Rohan.

"Rinoa, doon muna tayo sa baba." Yaya ni Rocky sa bunso naming kapatid.

Lumapit na ako kay Rohan pagkaalis ng dalawa kong kapatid at umupo sa tabi. "Buddy, do you want to see your mommy today?"

Isang iling lamang ang binigay sa akin ng bata. "I don't want. I hate both of you!"

"Why did you hate us, buddy? Tell me."

"I hate to have a baby brother or sister."

"Why?"

"I am no longer your baby if he or she comes."

"Buddy, listen. You are still our baby but when your brother or sister comes... I'm sure you will be the best big brother to him or her. You can play with him or her."

"Really, daddy?"

Tumango ako. "Yes, buddy."

"Can I see mommy now?"

"Eat your breakfast first, then we leave to visit your mommy."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon