Airi's POV
Ang sabi ni Riley sa akin ay marami daw siyang gagawin sa restaurant kaya ginagabi na siya ng uwi. Kahit busy ang lalaking iyon ay hindi naman ako nalulungkot dahil kasama ko si Rohan pero ngayon nasa bahay siya ng mga magulang ni Riley.
Nagpasya akong mamasyal na sa mall. Baka may makita akong maganda para kay baby kahit hindi pa namin alam ang gender niya.
Napadaan ako sa infant's section kaya tumitingin na rin ako ng mga damit. Ang gaganda nga, eh. Gusto kong bilihin kaso masasayang lang ang pera ko tapos hindi nila magagamit.
Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagpasya na akong kumain sa isang restaurant. Pagkarating ko sa isang restaurant ay may nakita akong familiar.
"Si Riley ba iyon?"
Hindi ako pwede magkamali. Alam ko kung ano ang suot ni Riley bago siya umalis ng bahay.
Ito pala ang ginagawa niya kaya busy daw siya. May kasama siyang babae at masaya silang naguusap sa restaurant na iyon.
"Ahhhh!" Nakakaramdam ako ng sobrang sakit.
Baby, huwag kang bibitaw kay mommy. Kapit lang.
At biglang dumilim ang paningin ko.
Nagising ako at naalala ko ang pangyayari kung bakit nandito ako ngayon sa ospital.
"Airi..."
Namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang boses niya at tumingin ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"May tumawag na nurse sa akin kanina at ang sabi dinalaw ka daw dito kaya pumunta ako agad. Ano ba nangyari sayo?"
Hindi ko na siya inimikan dahil ang sakit ng ginawa niya kanina. Kung gusto niya akong palitan sana hindi iyon may pagpropose pa siya nalalaman. Sobranh sakit.
"Airi? May problema ba ta-"
"Doon ka na sa babae mo!"
"Huh?" Kumurap ito. "Babae ko? Sino?"
"Aba, malay ko sayo! Mukhang masaya ka sa kanya."
Kumunot ang noo ko noong tumawa siya. "Silly, hindi ko iyon babae. Ikaw lang ang babae ko. Wedding planner 'yon."
"Malay ko ba. Hmph!" Inirapan ko siya. "Kasalanan mo dahil hindi mo sinabi sa akin na may kausap ka pa lang wedding planner."
"I know, I'm sorry for not telling you. Gusto ko muna kausapin ang wedding planner bago ko sabihin sayo dahil kailangan ko rin ang suggestion mo sa kasal."
"Hmph."
"I'm really sorry. Gagawin ko lahat na gusto mo paguwi mo rito – wait, kakausapin ko lang yung doctor na tumingin sayo kung pwede ka ng umuwi mamaya." Sabi niya bago pa siya lumabas ng hospital room.
Naalala ko noong mga panahon na dinala ako ni Riley sa hospital noong pinagbubuntis ko pa si Rohan. Mabuti nga walang nangyaring masama sa kanya pero binalaan na rin ako ng doctor na magiingat baka mapahamak ang buhay namin pero naulit ang nangyari.
Pumasok na ulit siya sa loob. "You can go home but I'm going to pay the bill first."
Pagkatapos niyang bayaran ang bill ay pinayagan na akong umuwi pero ang weird nga lang biglang tumahimik si Riley. Siya pa naman yung tipo na kukulitin ka hanggang sa sabihin mo sa kanya ang lahat but not this time. Ang tahimik nga, eh.
"Did you know..." Pagsira niya sa katahimikan.
Humarap ako sa kanya. "The what?"
Hininto niya ang kotse sa isang tabi at tumingin sa akin na seryoso. "About your situation? Sinabi sa akin ng doctor na tumingin sayo kanina ay pwedeng mapahamak ang buhay niyong dalawa ni baby."
Iyan ba ang dahilan kaya ang tahimik niya kanina?
Dahan-dahan akong tumango. "Yes."
"Airi naman. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa inyo." Napasinghap ako ng makita kong umiiyak si Riley. This is the first time I seen him cry.
"I'm sorry for not telling you. Knowing you before wala kang pakialam kung ano pwedeng mangyari sa akin."
"I'll forgive you." Inalis niya ang seatbelt niya saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
Ngumiti ako. "Ngayon pa lang kita nakitang umiyak ah. Akala ko pa naman manhid ka."
"I cried before. When you left us."
Kumurap ako dahil hindi ako makapaniwalang umiyak siya noong umalis ako.
Paguwi namin sa apartment ay dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.
"Susunduin ko lang si Rohan."
Tumango lang ako sa kanya bago pa siya umalis para kunin ang anak namin.
Nagising ako medyo madilim na sa labas at nakakaamoy ako ng sobrang sarap. Nagutom tuloy ako sa amoy. Lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa kusina at nakita ko si Riley nagluluto.
Lumingon siya sa akin. "Gising ka na pala. Maupo na diyan at malapit na ito maluto."
"Anong oras na ba?" Tanong ko bago umupo..
"It's already 5:55pm."
"Ang aga mo naman magluto ng hapunan."
"This is for you. Bawal ka malipasan at baka gutom ka na pagkagising mo."
Nilapag na niya ang niluluto niya at sinandukan pa niya ako ng kanin.
"Ako na. Kaya ko naman ang kumuha ng makakain ko."
"No, let me." Sabi niya at siya na rin ang naglagay ng ulam sa plato ko. "Kumain ka lang nang kumain diyan."
"Mukhang pinapataba mo ko nito ah." Sabi ko saka nagsimula na akong kumain. "Si Rohan?"
"Tumawag sa akin kanina si mom na doon muna si Rohan sa kanila. Mabuti nga lang noong tumawag siya hindi pa ako umaalis kaya dinala ko lang doon ang gamit ni Rohan."
Ibig sabihin kaming dalawa lang ni Riley ang nandito ngayon. No big deal. May nangyari na nga sa amin at magkatabi pa kami natutulog.
"Wala ka bang balak pagaaralin si Rohan?" Biglang tanong ko.
"Meron naman. Inaamin kong late ng isang taon dapat ngayong taon ko siya pagaaralin pero..."
"Pero ano?"
"Nagkaroon ng problema ang restaurant ko kaya naubos ang ipon ko para sa pagaaral ni Rohan. Papasok siya next year."
"Sayang naman kung hindi siya papasok. Matalinong bata si Rohan."
"Yeah, mana sayo."
"Matalino ka rin naman ah."
"May matalino bang palagi bagsak sa lahat na subjects? Muntik na nga ako hindi makagraduate dahil sa mababa kong subjects."
"Matalino ka pero tamad kang magaral."
"Ouch. Pero tama ka doon."
Pagkatapos kong kumain ay parang gusto kong kumain ng ice cream. Isang gallon.
"Riley..." Tawag ko sa kanya.
"Yes?" Lumingon siya sa akin habang naghuhugas ng pinagkainan ko. Saan ka pa? Mayaman pero marunong maghugas ng plato.
"Pwede ka bang bumili ng isang gallon ng ice cream pagkatapos mo diyan?"
"Sure. Anong flavor? Same pa rin ba?"
Tumango ako. "Yep."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...