Flashback...
Airi's POV
Ilang buwan na noong nakapag tapos ako sa pagaaral at ngayon ay naghahanap na ako ng trabaho. Kahit mayaman ang pamilya ko ay gusto ko pagsikapin at paghirapan ang lahat na kinikita ko. Ayaw kong umasa kay papa dahil ang sarili nga niyang anak ay kinalimutan na niya.
Habang palabas ako ng GCA. Yes, nagapply rin ako doon kaso hindi ako tinanggap ay may tumawag sa akin.
"Airi." Tumingin ako sa tumawag sa akin. "Airi, right?"
Biglang bumilis ang puso ko. Paano pa naman hindi bibilis ng ganito eh, sa tagal ko ng kilala si Riley ay ngayon pa lang niya ako kinausap. Kahit ba kababata kaming dalawa ay hindi niya ako kinakausap. Hinahangaan ko siya sa malayo.
Tumango ako. "Oo."
"Dederetsuhin na kita dahil ayaw ko ng patagalin ito ah."
"Ano ba iyon?"
"Pwede ba kitang maging girlfriend ko?"
Kumurap ako. Tama ba ang dinig ko? Baka nabibingi lang ako. "Huh?"
"Ang sabi ko kung pwede ba kitang maging girlfriend ko? Kung ayaw mo ayos lang sa–"
"No, no. Ayos lang sa akin." Sagot ko. Kung alam mo lang na matagal na kitang gusto kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na maging girlfriend mo.
"Yes. Thank you."
"Ibig sabihin ba boyfriend na kita simula ngayon?"
"Yup."
Hindi man lang nangligaw sa akin pero wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga ay boyfriend ko na si Riley ngayon. Kahit hindi ako natanggap sa GCA ay may magandang nangyari naman sa buhay ko, ang maging boyfriend si Riley.
Ilang araw na ako nagaapply pero walang tumatanggap sa akin. Ang iba kasi ang sabi over qualify na daw ako at ang iba naman ay hindi para daw sa akin yung position na available. Ugh, ang hirap maghanap ng trabaho ah.
Tumingin ako sa phone noong tumunog iyon at nakita ko sa screen na may message si Riley.
From Riley;
Hoy, magbihis ka at susunduin kita diyan mamaya.
Naguguluhan ako dahil wala naman kaming usapan na magkikita kami ngayon ah.
To Riley;
Saan tayo pupunta?
Kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. No choice na ako kaya nagpalit na ako ng damit. Siyempre, excited na ako dahil makikita ko ulit si Riley.
Bumaba na ako kasi sinabi niyang nasa labas na daw siya. Nagmamadali na ako para makita na siya. Ang kaso may hindi inaasahan akong narinig.
"Tsk. Shut up. Aabot ako ng tatlong buwan para matapos na itong kalokohan niyo. Kahit ako dinadamay niyo sa kalokohan niyong ito. Alam niyo namamg wala akong balak ligawan si Airi."
Sobrang nasaktan ako sa narinig ko. Isa lang pala kalokohan nila magkakaibigan kaya gusto ni Riley na maging girlfriend ako. Sino ba kasi ang magkakagusto sa isang simpleng babae? Ni hindi nga ako naglalagay ng make-up dahil hindi ako sanay. Kahit pinipilit ako ng mga kaibigan ko na maglagay ako pero ayaw ko talaga.
"Fuck you, Andre. Gustong gusto ko na talagang tapusin ang tatlong buwan."
"Hinding hindi ako magkakagusto sa kagaya niya. Sige na. Ibaba ko na ito."
Pinunasan ko na ang luha ko na kanina pang tumutulo. Nagdesisyon ako na magpapanggap na wala akong alam sa kalokohan nila dahil ito lang ang pagkakataon ko na makasama ko si Riley.
Lumapit na ako sa kanya. "Kanina ka pa ba?"
"Hindi. Let's go." Nauna na siyang sumakay sa kotse.
Sumakay na rin ako sa passenger's seat at nagsuot na rin ng seatbelt. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
"I want you to meet my parents."
"Huh?!" Nagulat ako doon. Hindi ako handa na makikilala ang mga magulang niya. Ang mommy pa naman niya ay isang sikat na fashion designer pero wala ako masyadong alam tungkol sa daddy niya. "Bakit – I mean, sa anong dahilan?"
"Para tigilan na nila ako sa pangungulit. Especially, mom."
Namangha nga ako pagkarating namin sa bahay nila. Ang yaman talaga nila.
Pinakilala ako ni Riley sa pamilya as his girlfriend. Kung alam lang niya na alam ko na isa lang pala itong kalokohan nila magkakaibigan. Kung gagawin ko iyon ay paniguradong makikipag hiwalay na siya sa akin. Ayaw kong mangyari iyon, kahit hindi talaga ako mahal ni Riley. Ang importante ay makasama ko siya.
Nahihiya ako sa tuwing kinakausap ako ng mga magulang niya. Magulang ni Riley ang kausap ko dapat magustuhan nila ang magiging daughter-in-law nila.
Asa ka pa, Airi. As if namang yayain ka ni Riley ng kasal.
"Airi, ano ang trabaho mo?" Tanong ni tita Sarah sa akin.
"Sa ngayon po um... naghahanap pa rin po ako ng trabaho."
"Hindi ba same age kayo ni Riley?"
Tumango ako. "Yes po."
"Wifey, bakit hindi mo kausapin ang kuya Red mo o si Theo na papasukin si Airi sa DL Corp?" Ani tito Rocco.
"Alam mo namang minsan lang pumunta ng Manila si kuya Theo pero susubukan ko kausapin si kuya Red."
W-Wait. Tutulungan nila ako makapasok sa isang sikat na kumpanya?
"Um, salamat na lang po sa tulong niyo pero nakakahiya naman."
Hindi ako sanay na may tutulong sa akin. I mean, okay lang sa ibang bagay pero tutulungan ako para magkaroon ng trabaho.
"No, it's okay. Girlfriend ka ng anak ko kaya handa kaming tumulong sayo. Kapag pinaiyak ka ni Riley ay sabihan mo lang kami." Sabi ni tita Sarah.
Pwede ko bang sabihin sa kanila na isa lang katuwaan ang lahat na ito kaya ako naging girlfriend ni Riley? Pero walang ideya si Riley na alam ko ang dahilan kaya bigla siya nagkaroon ng interest sa akin.
Pagkatapos ng paguusap namin ay nakaupo lamang ako sa sofa. Dito pa lang ako nakakita na mayaman ang pamilya pero niisa ay wala man lang silang katulong.
Umupo na rin siya sa tabi ko. "Tsk. Ano ba ang pinakain mo at nagustuhan ka agad nila ah?"
"Wala. Addict ka ba? Hindi nga ako handa na papakilala mo ko sa kanila, eh."
Tiningnan niya ako ng masama. May masabi ba ako na hindi niya ginusto? Sinagot ko lamang ang tanong niya ah. "Umayos ka. Huwag mo kong tatanungin ng ganyan."
"Na ano?" Wala talaga ako maalala na may sinabi ako sa na pwede niyang kinagalit.
Kaso hindi na niya ako sinagot dahil tumayo na siya. Isa lang ang masasabi ko, ang weird niya pala.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...