Epilogue

1.1K 33 4
                                    

Riley's POV

"I'm home."

Limang taon na rin noong kinasal kami ni Airi at wala nagbabago sa relasyon namin. Masaya pa rin ang pagsasama namin at may mababait na mga anak na sina Rohan at Amber. Umaasa ako na masusundan si Amber pero hihintayin ko hanggang maging handa ulit si Airi.

Nakita ko ang pagtakbo ng mga bata sa akin. "Welcome home, daddy!"

Ngumiti ako saka lumuhod para pantay kami ng mga bata. "Where's your mommy?"

"Upstairs." Sagot ng little girl ko.

Ang lalaki na nila parang dati lang na iyakin pa noon si Rohan dahil magkakaroon na siya ng kapatid o sabihin na lang natin na baka mawawalan na daw kami ng oras sa kanya kapag dumating ang kapatid niya. Kahit dumating na si Amber ay hindi kami nawawalan ng oras kay Rohan.

"Are you done with your homework, Rohan?"

"Yes, daddy."

"Good." Tumingin naman ako kay Amber. "How about you, little girl?"

"Yep, kuya helped me with my homework."

"Okay, hintayin niyo na lang kami ng mommy niyo at magluluto na rin ako ng hapunan." Sabi ko at umakyat na sa taas. Kahit pagod ako sa trabaho pero kapag nakikita ko ang mga bata ay nawawala ang pagod ko.

Pagpasok ko sa kwarto namin ni Airi ay nakita ko siyang natutulog. Ang aga naman niyang matulog.

"I'm home, hon." Bulong ko. Ayaw ko siyang gisingin baka pagod kanina at gusto magpahinga.

Bumaba na ulit ako pagkatapos kong magpalit ng damit at nagsimula na akong magluto ng hapunan namin.

Ang mga bata ang nagaayos ng mesa habang nilalapag ko na ang mga niluto ko para hapunan.

"Gisingin niyo na ang mommy niyo para sabay-sabay na tayo kumain."

Pumunta na sila sa kwarto namin para gisingin si Airi.

"Nandito ka na pala, Riley."

Tumingin ako sa kanya sabay ngiti. "Yes, hindi na kita ginising kanina baka kasi pagod ka."

Pagkatapos namin kumain ay pinipilit ni Airi na siya ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Ayaw ko makipag talo sa kanya kaya pumayag na ako.

Pumunta na ako sa banyo para maghilamos ng mukha at magtooth brush pero may nakita ako sa loob ng cabinet mirror at kinuha ko iyon.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa hawak ko. "Airi!"

"Yes?" Paglapit niya sa akin at nakita niya ang hawak ako. "Oh, you already saw that."

"Ibig sabihin..."

"Yep." Nakangiting sagot niya.

"Shit, really?" I don't know what to say. Hindi ako makapaniwala na madagdagan na naman ang makukulit sa bahay.

"Yes, I'm pregnant."

Niyakap ko si Airi sa sobrang saya ko. "Yes. Yes! I love you. Kailan mo pa nalaman buntis ka?"

"Kanina ko lang nalaman kasi napansin kong delay ako ngayon. Napaisip ako na kahit kailan hindi ako delay maliban na lang kung buntis ako at hindi nga ako nagkamali."

"Sabihin mo sa akin kung kailan ka pupunta sa doctor para masamahan kita."

"Pwede ba bukas?"

Tumango ako. "Sure, tomorrow."

Kinabukasan, pagkahatid namin sa mga bata sa school nila ay dumeretso na kami ni Airi sa doctor para sa check-up niya.

Hindi naman ganoon kahaba ang pila sa labas ng clinic kaya tinawag na kami agad ng assistant ng doctor.

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon