Kahit wala akong gana lumabas sa apartment ay kinaladkad ako ni Carla palabas ng apartment ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Pupunta tayo ng salon. Tingnan natin kung hindi mahulog sayo ang ex love mo."
"Sinabi niya sa akin kahapon na mahal niya ako."
"Iyon naman pala, eh. Bakit ayaw mong sabihin sa kanya na hindi ka talaga kasal?"
Umiling ako. "Kung alam mo lang lahat na bagay ay ginagawa niyang biro. Baka isang araw ay masasaktan lang uli–" Bigla niya akong pinitik sa noo. "Aray. Bakit mo naman ako pinitik sa noo?"
"Ang nega mo, girl. Apat na taon na ang lumipas siguro naman nagbago na yung tao lalo na may anak kayo."
May nakita akong familiar sa isang restaurant na dinaanan namin ni Carla at hindi lang iyon may kausap siyang babae.
"Iyan ba ang sinasabi mong nagbago na? I mean hindi ko naman sinabing babaero siya pero may kasama siyang babae ngayon."
Teka, parang familiar sa akin yung kausap niya ah. Siya si atty. Freya Acosta. Baka pinaguusapan nila ang tungkol sa akin at tuluyan na hindi ko makita ang anak namin. May kilala pala si Riley na isang abogado at hindi lang iyon isa pang kilalang abogado ang kausap niya.
Huminto ang oras ko nang makita kong kasama rin niya ang anak namin. Sana mali ang iniisip ko sa oras na ito.
"Wala talaga akong laban kay Riley. Baka tuluyan ko na hindi makita ang anak namin."
"Susuko ka agad, girl? Isa lang ang pwede mong gawin, ang sabihin sa kanya ang totoo. Malay mo magbago ang isip niya at yayain ka bigla ng kasal. Doble swerte ka, girl. Kasal ka sa lalaking mahal mo at makakasama mo na rin ang anak niyo."
Knowing Riley, siya yung tipong ayaw magsettle down. Kung gusto niya ay sana noon pa lang pumayag na siya maikasal kaming dalawa.
Bumuga ako ng hangin. "Tara na nga. Gusto ko muna ang magrelax kahit ilang oras lang."
Pumunta na nga kami ni Carla sa salon. Ang dami pala pumupunta rito sa ganitong araw.
"Okay, girl. Operation magpaganda para bumalik si ex sayo."
Kumunot ang noo ko. "Ano ang pinagsasabi mo diyan? Wala akong balak bumalik sa buhay ko si Riley."
"Airi?" Nanigas ang buong katawan ko noong may narinig akong familiar na boses at huminga muna ako ng malalim bago humarap. "Oh God. It's good to see you."
Ngumiti ako ng kaunti. "You too, tita."
"Alam na ba ni Riley nandito ka ngayon sa Pilipinas?"
"Yes po. Actually, nagkita na kami kahapon."
"Kung nagkita na kayong dalawa ibig sabihin nakilala mo na si Rohan?"
Rohan pala ang pangalan ng anak namin. Kahit pa paano ay marunong pumili ng pangalan si Riley.
Umiling ako. "Hindi pa po."
"Bakit hindi pa pinakilala sayo ni Riley ang anak niyo? Ang pagkaalam ko pumunta siya sa Autralia para hanapin ka pero hindi ko alam kung nagkita nga ba kayo. Hindi ko rin alam kung may alam ang asawa ko rito."
"Nagkita rin po kami at sinabi niya sa akin na gusto ako makilala ng anak namin."
"Yes, Rohan wants to meet you. Palagi nga tinatanong ng batang iyon kung bakit wala ka sa tabi niya habang lumalaki."
"Sorry po kung umalis ako. Nangako po kasi ako kay Riley na aalis ako pagkapanganak ko."
"Kung hindi lang talaga tanga ang batang iyon. Pinakawalan pa niya ang isang babaeng minahal siya ng lubusan." Bumuga ng hangin si tita Sarah. "Sa dami pwedeng pagmanahin ng bata iyon, ang ugali ko pa talaga."
"What do you mean po? Mabait naman po kayo."
"Noong dalaga pa kasi ako ay madalas kami nagbabangayan ng asawa ko. Pinapangako ko kasi sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa isang lakaki na malaki ang agwat ng edad kaya noong kinasal kami ay in denial daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Kaya alam namin mag-asawa na in denial pa si Riley noon pero ngayon pakiramdam ko na may nararamdaman na siya sayo, Airi."
"Um, inamin po sa akin ni Riley na mahal niya ako pero ang hirap paniwalaan kasi."
"Sinabi niyang mahal ka niya?" Tumango ako kay tita Sarah. "Ang batang iyon talaga.
I'm sure it's not too late to correct the mistakes he made before. May anak kayo ni Riley.""Tita, I'm sorry pero umalis po ako dahil gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Riley pero walang araw na hindi ko iniisip ang anak namin. Kahit hindi niya ako kilala bilang ina niya."
"Gusto mo bang tulungan kita para makilala mo si Rohan?"
"Huwag na po. Ayaw ko naman madamay pa kayo rito at tuluyang magalit sa akin si Riley."
"I still want you for my son."
Ngumiti ako ng kaunti. "Thank you. Pero next week ay babalik na po kami ng kasama ko sa Australia."
Nagpasya ako pagbalik sa Australia ay magsisimula ulit ako sa simula. Walang Riley sa buhay ko pero hindi ko kakalimutan si Rohan. Makita lang na masaya siya at inaalagaan naman siya ng mabuti ni Riley.
Pagkatapos namin magusap ay pinuntahan ko na yung kaibigan ko na inaayusan. Naku talaga ang baklang 'to.
"Sino iyon, girl?" Tanong niya.
"Mama ni Riley. Gusto niya kasi ako tulungan na makilala ang anak namin pero ako na mismo ang tumanggi."
"Gaga ka talaga. This is your chance to know more about your son."
"Knowing Riley kapag nalaman niya na makipagkita ako kay Rohan ay baka tuluyan pa magalit sa akin at madamay pa rito ang mama niya."
"Excuse me." Binaling ko ang tingin sa isang customer. "Sorry, I don't mean to eavesdrop your conversations pero ang tinutukoy niyo ba ay si Riley Hernandez?"
Tumango ako. "Yes.".
"Hindi ako makapaniwala na may anak na pala ang pinsan kong iyon."
"Um, I don't want to be rude but who are you?"
"Oh, sorry. I'm Serena De Luca, Riley's cousin. Nakakagulat hindi pa naman ako ganoon laos sa pagmomodelo pero may tao na pala hindi ako kilala."
Nagulat ako. Alam kong kamag anak ni Riley ang mga De Luca because of his mother. "Sorry, hindi kasi ako masyadong tumitingin sa magazine kaya wala ako masyadong alam sa mga modelo."
"Girl, ano ka ba? Heto siya, oh!" Tumingin ako kay Carla at pinakita niya sa akin ang isang magazine kung nasaan ang kausap ko kanina. "Kalat rin kaya ang mukha niya sa billboard."
Pagpasensyahan niyo na ako dahil hindi ko inaabalang tumingin sa labas kapag bumabiyahe ako ng malayo.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...