"Handa ako maghintay pero huwag sana yung aabutin ng taon ah."
"Joke lang. Pumapayag naman ako magpakasal sayo. Ikaw lang ang hinihintay ko."
Handa na pala siya yayain ng kasal. Ang akala ko pa naman hindi pa kaya hindi pa ako kumikilos. Kaso paano ba ako kikilos kung ganito ang kalagayan ko ngayon?
"Soon. I will ask you to marry me." Hinalikan ko siya sa labi.
Nilayo niya ako at napansin kong namumula ang pisngi nito. "Ano ka ba, Riley? Masyado ka ng PDA at nakikita tayo ni manong."
Simulang naaksidente ako ay kumuha si mom ng driver ko habang hindi pa ako nakakalakad ulit. Matagal ko na kilala ang driver na ito kasi simulang bata pa lang kami ni Rico ay siya na ang driver ng grandparents ko. Kahit ba wala na sila pero nandoon pa rin ang mga tauhan. Kung magkaroon man ng family reunion ay doon sa mansyon gaganapin.
"Okay, sorry." Lumayo na ako sa kanya. Ayaw niya ng PDA.
Pagkarating namin sa bahay nila dad ay sinubong na kami ni Rohan.
"Daddy! Mommy!" Lumapit na siya sa amin. "Why are you taking so long?"
"Sorry, buddy."
"Nabobored na ang anak niyo kanina kasi wala rito sina Rin at Rocky." Sabi ni Rico. Himalaya yatang nandito siya ngayon ah pero napapansin ko lang ang closeness nila mag-tito. Hindi naman sa hindi ko pinapayagan si Rohan na lumapit kay Rico pero nakakaramdam ako ng inis na hindi dapat. Kapatid ko si Rico.
"Rico, pwede ba tayo magusap?" Seryosong tanong ko.
"Uh, okay."
"Baby, let's go."
"Where, mommy?"
"Garden."
Lumabas na ang mag-ina ko papunta sa garden. Maganda ang garden namin rito dahil may iba't iba klase ng bulaklak na tanim si mom. Ang kwento ni mom sa amin na ganoon daw ang wedding theme nila tapos mala fairy tale pa. Baby pa lang kami noon ni Rico kaya wala akong maalala.
"Ano ba ang gusto mong pagusapan at mukhang seryoso ka pa diyan." Ani Rico.
"May kailangan ka ba?"
"Ako? May kailangan? Bakit mo natanong ang bagay na iyan?"
"Dahil napapansin ko ang closeness niyo ni Rohan."
"Siyempre, pamangkin ko si Rohan." Tiningnan ko lang si Rico at mukhang napansin naman niya. "Ayaw ko ang tingin mong ganyan, Riley. Hindi ko kinukuha ang loob ng anak mo at wala akong gusto kay Airi. 4 years ago ko pa lang siya nakausap kahit alam kong kababata natin siya at napapansin kong may gusto siya sayo. Gusto kong tumulong sa inyo dahil may mga bagay na ayaw mong–"
"Huwag mo kong paunahan, Rico dahil may mga bagay ka na hindi dapat sabihin sa iba. Gaya ng sinabi mo sa kanya na inaagaw ko ang may nobya kaya naisip ni Airi na may naging girlfriend ako bago siya kahit wala naman talaga."
"Sorry, hindi ko naman alam na magiisip siya ng ganoon."
"Sa susunod na paunahan mo ko ay magaaway na talaga tayo. Mawawala sa isip ko na kakambal kita."
Pinuntahan ko ang mag-ina ko sa garden at nakikita ko kung gaano kasaya si Airi sa nakikita niya.
"Let's go..."
Tumimgin siya sa akin. "Hindi ko alam ganito pala kaganda ang garden niyo. May iba't iba klase ng bulaklak."
"Ganyan daw kasi ang itsura ng kasal ng mga magulang namin kaya gusto ni mom na ganyan rin ang garden namin."
"Talaga? Wow. Saya siguro kung magpakasal ka tapos mala fairy tale."
"Ganyan rin ba ang gusto mong kasal?"
Umiling ito. "Isang simple lang ang pangarap kong kasal. Mga pamilya, kamag-anak at kaibigan lang ang imbita."
"Simple lang ang gusto mo? Pareho tayong mayaman kaya pwede natin gawing engrande ang kasal."
"Ayaw kong engrande ang kasal. Kahit mayaman ang pamilya ko ay sa simpleng buhay ako lumaki at saka hindi mo pa ako tinatanong kaya huwag na muna tayo magplano ng kasal ah."
Paguwi namin sa bahay ay nakatanggap ako ng message galing sa mga kaibigan.
From Alvin;
Ang tagal mo ng hindi sumasama sa gimmick ah. Sumama ka ngayon dahil nagyaya si Andre uminom.
From Marc;
Pare, musta ka na? Buhay ka pa ba? Tagal mo na walang paramdam ah.
From Andre;
Bro, sumama ka sa amin sa tambayan nating apat.
To Alvin;
Sorry, hindi ako makakasama ngayon sa inyo.
To Marc;
Gago. Malamang buhay pa ako. Masyado lang ako busy sa trabaho ngayon.
To Andre;
Sorry, bro. Hindi ako makakapunta ngayon sa tambayan natin.
From Marc;
Wow. Ikaw ba iyan, Riley? Hindi naman masipag sa trabaho ang kaibigan ko ah.
From Andre;
Pumunta ka na, Riley. Minsan na nga lang tayo magsasama na apat.
To Andre;
Sorry talaga. Naaksidente kasi ako 2 months ago kaya hindi ako nakakalakad ng maayos ngayon.
From Andre;
Musta ka na ngayon?
To Andre;
Okay na ako ngayon at ang sabi ng tumitingin sa akin ay may improvement daw kaya may chance na makakalakad ulit ako.
From Andre;
Mabuti naman kung ganoon. Ganito na lang kakausapin ko yung iba tapos sabihin mo sa akin yung address mo para diyan na kami pumunta. Minsan lang tayo magsasama na apat."
Sinabi ko na kay Andre ang address kung saan ako nakatira ngayon. After 4 years ay ngayon ko lang ulit makikita ang mga kaibigan ko. Ang huling kita ko sa kanila ay hindi pa pinapanganak si Rohan.
"Sino ba iyang katext mo kasi huminto ka na diyan sa gate."
Tumingin ako sa kanya. "Mga kaibigan ko. Niyaya nga nila ako sumama sa inuman pero hindi ako makakapunta doon na ganito ang kalagayan ko. Kaya naisipan na lang ni Andre na pupunta na lang sila rito mamaya."
"Oh, I see. Uwi na rin ako ah."
"No, no. Dito ka lang dahil gusto ko pakilala kayo ni Rohan sa mga kaibigan ko."
"Pero kilala na nila ako."
"As my girlfriend." And my future wife. Gusto kong sabihin sa kanya iyon pero baka bumanat na naman na hindi ko pa siya tinatanong tapos sinasabi ko na future wife na agad.
"Anong oras ba sila pupunta?"
"Around 5 or 6, I think."
"Okay, dito muna ako habang busy ka sa mga kaibigan mo para may kasama si Rohan pero uuwi na ako kapag tulog na ang bata ah."
Ngumiti ako. "Okay. Thank you."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...