Pagkarating namin sa beach kung saan banda gaganapin ang pagpropose ko kay Airi ay sinabihan ko na ang iba nandito na kami.
"Riley, ano ibig sabihin nito?"
"A dinner date. Tutal hindi pa kita niyaya makipag date sa akin simulang naging girlfriend kita."
Umupo na kami at may isang nagserve sa amin ng makakain. Walang sinabi ni Juno ang tungkol dito.
Pagkatapos kumain ay nilibot ni Airi ang paningin niya sa paligid namin at saka tumingin ulit sa akin. "Ang ganda talaga dito. Salamat na dinala mo ko rito ngayon."
Ngumiti ako. "I'm glad you like it."
"Pero napapansin ko lang na dito pa talaga tayo sa may beach nagde-date. Marami namang restaurant dito tapos walang tao ang dumadaan. Ano ba ang kaganapan ngayon, Riley?"
Napalunok ako. Hindi ako inform na isa pa lang detective ang girlfriend ko. "Hindi ba ang sabi ko sayo na kaibigan ko ang anak ng may ari nito. Kinausap niya ang dad niyang ipasara ito para sa ating dalawa."
"Aww, dapat pala magpasalamat ako sa kanya. Pero ang sabi mo kahapon makikipag kita ka sa mga kaibigan mo. Ibig sabihin hindi lang siya."
Tumango ako. "Yup. Humingi ako sa kanilang lahat para dito. I want this night to be perfect."
"Thank you, Riley."
"And one more thing."
"Ano 'yon?"
Tumayo na ako at lumuhod sa harapan ni Airi. Inaamin kong kinakabahan ako sa mangyayari na para namang hindi niya tatanggapin ang pagpropose ko sa kanya.
"Riley? What are you doing?"
"Um, ano kasi... uh..." Shit naman. Bakit ngayon pa ako kinakabahan ng ganito? Bad timing. Ayaw ko masira ang plano ko. "Um, Airi?"
"Yes?"
"I know I'm jerk. I'm sorry for what I did."
"Matagal na kita pinapatawad. Alam mo-"
"Maybe I can't give you a perfect life but I'll do anything to make you happy. Airi Mendoza, are you willing to change your surname to Hernandez? Mother of my children?" Binuksan ko na ang hawak kong maliit na kahon naglalaman ng singsing na binili ko bago pa kami pumunta rito. "Will you marry me?"
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya pero napapansin kong naluluha na si Airi. She's crying right now.
Dahan-dahan na siyang tumango. "Yes, yes and yes. I will marry you, Riley."
Sinuot ko na sa daliri niya ang singsing at niyakap. Pati ako ay naluluha na rin. "Thank you. I love you."
"I love you too."
Hinalikan ko na siya sa mga labi niya. Shit, sobrang saya ko ngayon.
Ako na ang humiwalay sa amin noong may narinig akong pumito at pumalakpak.
"Congratulations, Riley!" Sabi nilang lahat. Ang mga kaibigan ko ang witness ng lahat na ito.
"Yay! Congrats, mommy, daddy."
"Thank you, buddy." Binuhat ko na si Rohan. Bumibigat na ang panganay namin.
"Magkakamag anak nga talaga kayo. Isa-isa na kayo kinakasal. Una si Daisy tapos sumunod si Mason, ikaw naman ang susunod na ikakasal. Sino kaya ang susunod sayo?" Ani Yuuta.
Kinit balikat ako. "Dunno." Binaling ko ang tingin kay Airi. "Papakilala kita sa mga kaibigan ko."
Pinakilala ko na si Airi sa mga kaibigan ko. Kung nandito lang siguro si Freya ay matutuwa iyon na pinakilala ko sa kanya si Airi dahil siya ang una kong sinabihan tungkol dito. Too bad for her. May importanteng kliyente siya na kailangan kausapin.
Workaholic si miss attorney.
Kinabukasan ay bumalik na kaming lahat sa Manila at siyempre binalita ko na sa mga magulang ko ang magandang balita. Tuwang tuwa nga si mom na kakasal na ako.
"Sure na ba iyan?" Tanong ni Rico.
Pwede bang pumatay ng kakambal?
"Magpopropose ba ako kung hindi pa ako sigurado?" Kunot noo kong sinagot ang kakambal ko.
"Baka ginagawa ko lang ito dahil magkakaroon ulit kayo ng anak."
"Hoy! Hindi ako ganoon. Kung hindi pa ako handa, sana hindi ko pinaghandaan ang ganito."
"Nakakapanibago lang kasi. Hindi ako sanay na magpapakasal ka na. Kahit pa paano ay marunong ka rin pala sumeryoso."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Marami na ang nagbago sa akin, Rico. Hindi na ako yung Riley na kilala mo noong nagaaral pa tayo. Bata pa ako noong mga panahon 'yon. At huwag mo papakialaman ang buhay ko. Ang pakialaman mo ang buhay mo, kung ayaw mong tumandang binabata ay kumilos kilos ka."
Umiling lang ito. "Wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon. Ang nasa isip ko lang ay tutulungan sila dad at mom sa pagaaral sa mga kapatid natin. Especially, Rinoa."
"Bahala ka. Papasok na ako sa trabaho."
"But it's Sunday."
"Ano naman kung Sunday? Kahit weekend may pasok ako. Ikaw, hindi ka ba papasok ngayon?"
"Nagday off muna ako para bukas dahil next week may meeting na kailangan asikasuhin agad."
Tumango lamang ako. "Bahala ka. Buhay mo naman 'yan pero kung ako sayo maghahanap na ako ng girlfriend." Sabi ko bago umalis.
Habang abala ako sa trabaho ay iniisip ko ang tungkol sa kasal namin ni Airi. Hindi pa nga pala namin pinaguusapan tungkol doon. Bahala na nga.
"Sir, may naghahanap ho sa inyo." Sabi ng isa kong tauhan.
Kumunot ang noo ko dahil oras ng trabaho ay ngayon pa dumalaw kung sino man iyon. "Sige, susunod na ako."
Nang umalis na ako galing sa kitchen ay tinanong ko yung nagsabi sa akin kanina na may maghahanap sa akin. Tinuro niya kung nasaan nakaupo ang taong iyon.
Lumapit na ako doon sa tao at kumunot ang noo pagkakita sa kanya. "Napadalaw ka."
"Pumunta ako sa inyo kanina pero ang sabi ni Rico pumasok ka daw ngayon. Sipag mo na ah. Hindi ka ganyan noong mga bata tayo."
Umupo ako sa tabi niya. "Hindi na ako doon nakatira."
"Saan ka na nakatira ngayon?"
Sinabi ko kay Stefan kung saan na ako nakatira ngayon. Baka kasi pumunta pa siya sa bahay nila dad.
"Anyway, ang sabi pala ni Serena sa akin ay may anak ka na daw."
Kumunot ang noo ko dahil wala ako maalala na sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa mag-ina ko. "Hindi ko alam kung paano nalaman ng kakambal mo ang tungkol diyan pero totoo iyon."
"So, kayo ba ng ina?"
Tumango ako. "Yep."
"May balak ka bang pakasalan?"
"Yep, nagpropose na ako sa kanya kagabi - Teka nga lang, Stef, bakit mo ba gusto malaman?"
"Malamang pinsan mo ko. At handa akong tumulong sayo. May nakausap na ba kayong wedding planner para sa kasal niyo?"
"Iyan ang wala pa. Hindi pa nga namin pinaguusapan."
"May kilala akong wedding planner. Actually, dati siyang modelo pero naging wedding planner na ngayon. Pagusapan niyo muna ng bride to be mo ang tungkol sa kasal tapos puntahan niyo na lang ito." May inabot siya sa akin na isang calling card. "Imbitado ba kami?"
"Malamang pinsan ko kayo." Ginaya ko ang sinabi niya kanina.

BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...