6

779 31 4
                                    

4 years later...

Apat na taon na rin noong iniwan niya ako. Tinuloy pa rin niya ang pagalis pagkapanganak sa anak namin pero iniwan niya sa akin yung bata. Habang nasa trabaho ako noon ay nagulat na lang ako na may tumawag sa akin galing ospital at sinabi sa akin na nawala bigla si Airi. Shit lang? Hindi ba niya iniisip na kailangan pa siya ng anak namin. Mas lalo ako nainis sa ginawa niya pero hindi ko pinapakita kay Rohan na may galit ako sa mommy niya.

"Daddy." Tumingin ako kay Rohan. "Why mommy isn't with us? Am I a bad boy so mommy doesn't love me?"

Lumuhod ako sa harap ng anak ko. "No, that's not true."

"Then, why she is not with us?"

Ugh. Pati ako ay nahihirapan dahil lumalaki na si Rohan at siyempre hinahanap niya kung nasaan ang mommy niya. And I really hate it. Nakikita niya sa ibang bata na may mommy pero siya... Damn it!

"Ano nangyari dito?" Rinig kong tanong ni dad.

Tumayo na ako at humarap sa kanya. "Dad, can you help me to find Airi?"

"Para saan? Sinaktan mo siya dati tapos ngayon gusto mong hanapin siya."

"I'm doing this for Rohan's sake. Nahihirapan na ako sa tuwing tinatanong niya ako kung nasaan si Airi at hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya."

"Until now you are still in denial. But I will tell you where you can find her."

"Where, dad?" Bigla ako nabuhayan doon ah. Pagagalitan ko si Airi sa pagiwan niya kay Rohan. Nawala na parang bula.

"Australia. Ang pagkaalam ko ay nandoon nakatira ang ama niya pero hindi kita matutulungan sa saktong address saan siya nakatira."

Malaki ang Australia pero bahala na basta makita ko lang siya.

"Thanks, dad. Hindi ko na iisipin na malaki ang Australia at aabutin ako ng ilang araw para mahanap ko lang siya. Ang importante ay makita ko siya."

Hinawakan ni Rohan ang kamay ko dahilan natingin ako sa kanya. "Daddy?"

Muli akong lumuhod sa harapan niya. "I am going to find your mommy."

"Can I go with you?"

"You have school. You have to stay with your grandad and grammy while I was away. Be a good boy, okay?"

Tumango siya sa akin. Nakuha ni Rohan ang kabaitan ng mommy niya at ayaw ko rin naman lumaking pasaway si Rohan. "Okay, daddy."

"Kailan mo balak umalis?"

Lumingon ako kay dad. "Maybe tomorrow."

"Paano na yung trabaho mo?"

"Hindi na muna ako papasok sa trabaho. Kailangan ko mahanap si Airi agad pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon."

"Magiingat ka doon at tumawag ka sa amin. Kilala mo naman ang mommy mo. Hindi ka noon titigilan kung hindi ka tumawag."

"Psh. Hindi na ako bata para balita sa inyo ang nangyayari sa akin doon. May anak na ako."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon