We're official in a relationship. Walang biro o katuwaan ng mga kaibigan niya dahil simulang pumayag akong nilagawan ako ay nagtyaga talaga si Riley sa pangliligaw niya sa akin. Pero hindi lang iyon masayang araw nangyari sa akin, may mas sasaya pa dahil nakilala na rin ako ni Rohan bilang mommy niya kaso umiyak pa nga yung bata na nakilala niya ako kasi ang akala niya ay hindi ko siya mahal kaya iniwanan ko siya.
Kahit pa paano ay nagagamit niya ulit ang mga binti niya hindi gaya ng dati na hindi niya maigalaw pero ngayon may improvement dahil sa rehab niya. First time ko ngang magalit sa kanya noong hindi siya pumayag na magtake ng rehab.
Ang balak ko bumalik sa Australia after a week pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari kaya nagpasya ako hindi na lang aalis para makasama ko ang mag-ama ko.
"Mommy!" Tumakbo papalapit sa akin si Rohan sabay yakap.
"Nandiyan ka pala." Rinig kong sabi niya dahilan tumingin ako sa kanya sabay ngiti.
"Mabuti isang mabait na bata si Rohan."
"Heh. Ayaw ko magaya sa akin si Rohan at tinuturuan ko siya maging mabait."
"That's good." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Musta ka na?"
"I'm fine pero gusto ko na makalakad ulit ng maayos."
"Konting tyaga na lang. Malapit na matapos ang appointment mo sa rehab at ang sabi nila kung tuloy-tuloy ang improvement mo ay may pagasa na makakalakad ka ulit."
"I know that. Anyway, can you fulfill my request?"
Kumumot ang noo ko. "Okay...? Ano bang kahilingan iyon?"
"Hey, buddy. Go to your room."
"Why, daddy?"
"Just go to your room."
Wala na magawa pa si Rohan kaya sumunod na lang siya kay Riley na pumunta sa kwarto niya.
Mas lalo kumunot ang noo ko. "Ano ba ang gusto mong gawin ko?"
"Make love with me."
Namilog ang mga mata ko. "What?! Babaliw ka na ba?! Hoy, Riley, dalawang buwan mo pa lang ako girlfriend."
"Pero apat na taon na akong tigang. Kahit lasing ako noong mga panahon na may mangyari sa atin ay hindi mawala sa isipan ko ang pangyayari."
"Hindi ka nga makalakad tapos iyan pa ang iniisip mo."
"Please." May paawa effect pa nalalaman ngayon. "Payagan mo na ako sa kagustuhan ko."
"No. Ayaw ko nga."
"Fine. Sa iba na lang." Naglakad na ito palabas ng bahay niya. Bwesit 'to ah. May iba pa siya?!
"Hoy, Riley! Subukan mong sa ibang babae ay babasagin ko iyang kaligayan mo. Sinasabi ko sayo."
"Hmph." Parang bata. Bwesit. May anak na tapos ganyan pa kung umasal.
"Kung gagawin mo iyan. Magpapabuntis ako sa iba–"
Naglakad ito ng mabilis papalapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Aba, kaya naman pala maglakad ng mabilis. "Don't you dare. Ako lang ang pwedeng maging ama ng magiging anak mo, wala ng iba."
"Pwes, ako lang ang pwedeng maging ina ng magiging anak mo."
Hindi na sumagot si Riley dahil dinala na niya ako sa isang kwarto. Kwarto sa ibaba.
Umupo ito sa gilid ng kama. "Pwede ka naman uminom ng pills pagkatapos para hindi ka mabuntis agad."
Umupo na rin ako sa tabi niya. "Nagsisi ka bang dumating sa atin si Rohan? Alam kong wala sa plano natin ang tungkol kay Rohan."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...