Matagal ko ng pinangarap na maikasal kay Riley at ito na nga matutupad na.
"Girl, stop crying. Naka ilang ulit na tayo." Sabi noong make-up artist. Umiiyak na pala ako.
"Sorry, masaya lang talaga ako."
"I know how you feel right now. Lahat naging kliyente ko ay masaya dahil maikakasal sila sa lalaking mahal nila but I'm so happy for you."
"Thank you."
Pareho kami napatingin noong make-up nang may kumatok sa pinto at binuksan ng assistant niya ang pinto. Laking gulat ko ng makita kung sino ang bumisita sa akin.
Napatayo ako at nilalabana na huwag umiyak. "Papa?"
"I think that's our cue. Babalik kami pagkatapos niyo magusap." Sabi niya at lumabas na sila ng assistant niya.
"Airi, alam kong marami akong pagkukulang sayo. Binuhos ko ang lahat na oras ko sa trabaho simulang namatay ang mama mo dahil sa tuwing nakikita kita ay naalala ko siya. I'm sorry."
"Naiintindihan ko naman po iyon at kahit kailan wala akong galit sa inyo. Mahirap lang tanggapin na wala na si mama."
"I'm so proud of you, Airi and I'm sure your mother too."
"And grandma too. Don't forget she's with me since mom died."
"Yes, your grandma too."
Niyakap ko si papa dahil sobrang saya ko. Ang akala ko pa naman hindi ko na siya makakausap sa sobrang busy niya. Nagkamali ako doon.
Pinunasan ko na ang luha ko na kanina pa tumutulo. "Paano niyo po nalaman na ikakasal na ako?"
"May tumawag sa akin noong isang araw at nagpakilala siyang boyfriend mo. And last week I received a wedding invitation."
Ginawa ni Riley iyon? Bakit hindi ko alam na kinakausap pala ni Riley si papa?
"He also asked me a favor I should come to your wedding. Lumaki ka na wala ako sa tabi mo. Marami akong oras na sayang."
"Papa, it's okay. Ang importante po ay nandito kayo ngayon sa araw ng kasal ko."
Ngumiti si papa. "I will not allow myself to miss the wedding of my unica hija and I want to walk you down the aisle."
"Papa naman. Pinaiiyak niyo ko."
"I have to go. Baka magsisimula na ang seremomya hindi pa tayo tapos magusap."
"Sige po."
Pumasok na yung make-up artist at yung assistant niya pagkaalis ni papa at ni-retouch niya ulit ako dahil nasira na naman ang make-up ko.
Tinawag na ako dahil malapit na magsimula ang seremonya. Hindi naman ako pwede magmadali kasi buntis ako. After 2 months noong nagpropose siya sa akin ay inasikaso namin agad ang kasal dahil ang plano ni Riley bago lumaki ang tyan ko ay kasal na kami.
Pagkarating ko sa simbahan, bumukas na yung pinto at lahat na bisita ay nakatingin sa direksyon ko. Lumapit na sa akin si papa para ilakad ako sa aisle. Wala na talaga isasaya pa nangyari ngayong araw.
"Riley, right?"
"Yes po."
"Ang gusto ko lang alagaan mo ng maigi ang anak ko."
"I will." Nakangiting tumingin sa akin si Riley at binigay na ako ni papa sa kanya.
Sobrang haba ng seremonya ay nakakaramdam na ako ng gutom. Hindi ko naman pwedeng madaliin matapos ang seremonya.
Humarap na kami sa isa't isa dahil magbibigay na kami ng vow namin.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo dati dahil nadamay ka sa mga kalokohan namin. Kilala mo naman ako na dakilang trickster at sa kahit anong bagay ay hindi ko sineseryoso pero noong dumating si Rohan sa buhay natin ay naging seryoso na ako sa bagay-bagay dahil iniisip ko para sa anak ko ang gagawin ko at ayaw kong magaya siya sa akin. Salamat dahil ganito ang ugali ko ay nagawa mo pa rin akong mahalin. At salamat na binigyan mo ko ng anak na isang mabait na bata. Sana sa unborn baby natin ay hindi niya makuha ang ugali ko."
Ngumiti ako habang umiiyak. "Malaki rin ang kasalanan ko sayo dati simulang iniwanan ko kayo. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ka pero hindi ko magawa dahil ikaw pa rin ang nilalaman ng puso't isipan ko. At gusto ko rin magpasalamat sayo."
"Para saan?" Bulong niya.
"Kung hindi dahil sayo ay hindi ko ulit makakausap si papa. Maraming salamat, Riley kasi pinasaya mo talaga ako."
Ngumiti ito. "Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Iyon ang pingako ko sa papa mo."
Nagkausap nga pala sila na wala akong ideya. Mamaya na lang siguro sa reception ay kakausapin ko si Riley.
Pagkatapos ng wedding ceremony ay dumeretso na kami sa reception namin.
"Riley."
Humarap siya sa akin. "Yes?"
"Gusto ko lang malaman kung kailan mo nakausap si papa."
"Kinakausap ko ang papa mo during my lunch break. Hinanap ko talaga kung paano ko matatawagan ang papa mo para sabihin na ikakasal ka na. Nabanggit kasi ni Rin dati na pangarap niyong mga babae ang maihatid ng magulang sa aisle kapag kinakasal. Kaya ginagawa ko ang lahat para makapunta siya sa kasal natin."
Umiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung sa hormones ba o sa sinasabi ni Riley. Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Hindi ako nagsisi na binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon.
"Thank you talaga."
"Anything for my wife." Nakangiting sabi nito.
"Good evening sa inyong lahat. Alam kong gutom na kayong lahat pero may isang tao na magbibigay ng maiksing mensahe sa bagong kasal." Sabi noong emcee at binigay na kay tito Rocco or should I say daddy Rocco ang microphone. Hindi pa ako sanay kasi hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.
"Good evening sa inyo. First of all, I would like to congratulate my son and his wife. Enjoy your first night as husband and wife. Second, I still remember when Riley confessed his feelings toward Airi. Masaya ako dahil natauhan na rin ang anak ko simulang narealize niyang mahal niya si Airi. Kung may problema man lang kayo pagusapan niyo agad at huwag niyo palampasin. And lastly, give us more grandchildren."
"Dad..." Singhal ni Riley na kinapula ng pisngi niya. Pati rin siguro ako ay namumula na rin ang pisngi.
"I'm so proud of you, son."
Pagbalik ni daddy Rocco sa table nila ay nakita kong pinalo siya ni mommy Sarah sa braso. Nakita ko rin si papa na pumunta sa harapan at kinausap ang emcee.
"Good evening. I have a message for my daughter and her husband. Airi, pumunta ka sa bahay 4 years ago and you told me I have a grandson but I just ignored what you said. Ang totoo niyan gusto kong makilala ang lalaking nakabuntis sa unica hija ko and one day when my secretary told me someone's calling from Philippines, I thought it's from my daughter. He introdeced himself as my daughter's boyfriend and he told me they have a son. Napaisip ko siya pala ang nakabuntis sa anak ko. He asked me for my blessings too. Pumayag na rin ako kasi no choice at may anak na sila – I mean mga anak."
"Totoo ba iyon?" Bulong ko kay Riley.
"Yep, hindi ko lang sinabi sayo dahil gusto kong surprise."
"Riley, hindi tayo ganoon maguusap ng matagal pero ito lang ang masasabi ko sayo kapag nalaman kong umiyak si Airi ay uuwi ako ng Pilipinas at kukunin ko sayo ang mag-ina mo. That's all. Congratulation both of you." Lumapit na si papa sa emcee at binalik na ang microphone.
"Nakakatakot pala ang papa mo."
"Yeah, strict si papa sa bagay-bagay lalo na sa akin pero nagbago ang lahat noong namatay si mama."
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
RomanceDahil sa katuwaan nila magkakaibigan kaya niligawan ni Riley ang babaeng kinaiinisan niya pero sa isang one night stand ay may nangyari sa kanya at nabuntis niya ito. Mapapalitan kaya ng pagmamahal ang galit nararamdaman ni Riley kapag nalaman niyan...