14

726 27 1
                                    

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman. Bakit?" Sagot ko sa kanya. Isang magaling na chef si Riley kaya masarap ang luto niya at sikat rin ang restaurant niya.

Naalala ko pa hindi rin seryoso sa pagaaral si Riley dahil puro kalokohan ang ginagawa kaya palagi ko rin siya nakikita sa dean's office. Paano ko nalaman? Kahit saan ako pumunta sa school ay ang pangalan ni Riley ang palagi ko naririnig sa mga estudyante o teacher. Madalas ko rin nakikita si tito Rocco na pumupunta sa school dahil pinapatawag at ang mga panahon na iyon ay hindi ko pa boyfriend si Riley na wala pa akong ideya isang katuwaan lang pala. After graduation ay nagkita ulit kami ni Riley kasama niya rin ang mga kaibigan niya at doon nagsimula ang lahat.

"Ano pala ang ginagawa mo sa Australia simulang iniwanan mo kami?" Tanong niya ulit.

"Umuwi ako sa amin para sabihin kay papa na may apo na siya kaso wala siyang pakialam sa nangyayari sa akin. Nagbago at kinalimutan na niya ako simulang namatay si mama. Inuubos na niya ang oras niya sa trabaho.

"Balak ko sanang kausapin siya bilang respeto dahil siya ang ama mo pero mukhang malabo."

"Malabo talaga. Ako nga sarili niyang anak ay hindi niya kinakausap."

"Don't worry." Mas pinalapit pa niya ako sa kanya. "Kahit anong mangyari ay bibigyan ko kayo ng oras ng mga anak natin."

"Mga?" Tumawa ako ng kaunti. Ano ba balak nito? Ang bumuo ng basketball team?

"Sabi ko nga sayo kanina na pangarap ko magkaroon ng maraming anak sayo. Kung pwede nga lang simulan na natin ngayon pero alam kong hindi ka papayag."

Alam kong magiging mabuting ama si Riley dahil kay Rohan pa lang pero wala pa sa plano ko ang sundan ang anak namin.

"Alam mo namang wala pa sa plano kong sundan si Rohan ngayon. Pumayag ako sa kagustuhan mo ngayon dahil ayaw kong may ibang babae." Sabi ko. Sa totoo lang ngayon pa lang ako nakaramdam ng selos.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "At sa tingin mo bang magagawa ko iyon? Kapag nalaman ni dad na may kalokohan na naman akong ginawa ay baka makatikim na naman ako ng suntok. Ang sakit kaya niya manuntok parang hindi tumatanda."

"Malay ko ba. But I can't blame you if you do that."

"Hindi ko gagawin iyon, no! I don't need other woman to fulfill my needs. I only need you."

"Hindi ko alam kung nangiinsulto ka o ano. Kailangan mo lang ako dahil sa pangangailan mo, eh."

"No. What I mean is..."

"At talagang magpapaliwanag ka pa sa akin ah." Natatawa ako hindi sa gusto niyang magpaliwanag dahil sa mukha niya.

"Eh, sa gusto ko magpalinawanag sayo para alam mo ang totoong dahilan."

"No need. Alam ko naman ang ibig mong sabihin."

Hinalikan niya ako sa labi. "Gusto mo bang sumama sa amin bukas?"

"Saan?"

"After my appointment pupunta kami kila dad."

"Ano ang gagawin mo doon?"

"Bago kasi ang aksidente ay nandoon ako para humingi ng tulong kay dad. Balak ko sana gumawa ng bagong menu para sa restaurant ko pero hindi natuloy dahil gusto kitang makausap bago ka bumalik sa Australia. Kinausap kasi ako ni mom noon at napaisip talaga ako."

"Wala naman akong gagawin bukas kaya sasama ako sa inyo." Nakangiting sabi ko.

"I like the way you smile."

Namula na naman ang pisngi. "Che. Bola pa."

Nataranta ako noong may kumakatok sa pinto. "Daddy, are you in there."

"Magbihis ka na." Sabi niya sa akin at umupo na sa gilid ng kama. "Yes, buddy. Do you need something?"

"Grandad and uncle Rico are here."

"Shit. Ano ang ginagawa nila? Hindi man lang nila ako sinabihan na pupunta."

Kinuha ko na ang mga damit ni Riley at lumuhod sa harapan niya. "Tulungan na kita magbihis."

Ngumiti ito sa akin. "Thank you."

Nauna na lumabas si Riley kaya sumunod na ako sa kanya. Kinakabahan ako bigla doon ah.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni tito Rocco. "Ano ang ginagawa niyong dalawa sa loob ng kwarto?"

Napalunok ako baka magkaroon ng duda si tito Rocco na may nangyari ulit sa amin ni Riley after 4 years.

"Dad, let's not talk about it in front of Rohan."

"Kapag nalaman namin ng mommy mo na nabuntis mo na naman si Airi ay papakasal namin kayong dalawa. Kahit ayaw mo, Riley."

"Hindi ko na tatanggihan iyan."

"Riley, kamusta ka na? Sorry kung hindi ako nakadalaw sayo noong nasa ospital ka pa. Masyado kasing busy sa trabaho."

"Sanay na ako sayo, Rico. Mas mahalaga sayo ang trabaho mo kaysa sa buhay ng kakambal mo."

"Huwag ka magsalita ng ganyan na walang pakialam sayo ang kakambal mo, Riley."

"Alam kong may nangyaring masama sayo dahil nakaramdam ako ng hindi maganda. Kahit gusto kong puntahan ka ay hindi ko magawang iwanan ang trabaho dahil importante iyon. Tumatawag ako kila dad at mom para kamustahin ka."

"Bakit hindi ako ang tawagan mo? Si dad at mom pa talaga ah."

"Simulang lumalaki tayo ay nawala na ang closeness nating dalawa."

"Tsk. Bakit nga pala kayo napadalaw ngayon, dad?"

"Hindi ba humingi ka ng tulong sa akin dati?"

"Yes, pero bukas sana ako pupunta pagkatapos ko sa appointment ko."

"Bakit hindi na lang ngayon?"

"Okay. Why not?" Binaling ni Riley ang tingin sa akin. "I also need your help. Kailangan ko rin ang opinyon mo."

"Okay. It's my pleasure to help you."

"Rohan, do you want to play with me?" Tanong ni Rico kay Rohan.

"Sure, uncle."

Mukha close rin ang mag-tito sa isa't isa ah. 

"Can you assist me? Hindi kasi kayang kumilos ng mabilis." Ani Riley.

"Okay."

Inaabot ko sa kanya ang mga sinasabi niyang kailangan sa pagluto at ang mga sangkap. Amoy pa lang nakakagutom na kahit hindi ka pa gutom.

Nang matapos na siya sa pagluluto ay niserve na niya sa amin ang niluto niya.

"Enjoy your meal."

Nagsimula na kami ni tito Rocco tikman ang luto ni Riley. Isa lang ang masasabi ko, masarap.

"Masarap naman ang pagkaluto mo pero may kulang." Komento ni tito Rocco.

"What is it, dad?"

"Hindi ko masabi kung sayo. Baka hindi na siya gaya ng dati kung paano ka magluto dahil masaya ka sa tuwing nagluluto. May gumugulo ba sayo?"

"I'm fine, dad."

Napatingin ako bigla kay Riley. Ako itong girlfriend niya pero hindi ko iyon napansin kung may problema na ang boyfriend ko.

"Dahil ba kay Rico?"

"No. Maybe I... I'm just tired."

When He Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon