Chapter 6: Maarte ako, paki niyo?

61 0 0
                                    

Ako ang pinakaunang tumayo nang palabas na ang guro namin.

Agad akong pumunta kay Eros bebs at kinuha ang bag niya.

Tahimik lang siyang sumama sakin at nagmamadali akong lumabas ng school.

Namimiss ko na kasi ang mga kaibigan ko! Isa pa, ayokong paghintayin sila at baka ma-late pa kami ng balik dito.

Sa pagmamadali ko ay napatid pa ko. Buti nalang at naramdaman kong hinawakan ako sa braso ng pag-ibig ko.

Sheez. I love you batong abno! Dahil sayo, inalalayan pa ko ni bebe. Hihi.

"Thanks." Sabi ko nang nakangiti.

"Tss. Wag kasing OA." Tugon niya. Aba't sorry na, sorry.

Iniwasan kong irapan siya. "Namimiss ko na kasi sila." Nagpout pa ako.

"Bakit ba kasama pa ko?" Bored na tanong niya.

Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing Hello? Hindi ba halata?!

"Ipapakilala kita sa kanila. Gusto kong makilala mo 'yung mga taong mahalaga sa'kin." Seryoso kong sabi. "Don't worry, ilang months ipapakilala na kita sa pamilya ko. Wala kasi sila dito e. They're in Australia."

"Bakit ba kasi seryosong seryoso ka?"  Nagulat akong sumagot pa siya sa sinabi ko. Tumingin ako sa kaniya.

"Bakit naman hindi?" Sagot ko.

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ikaw ang babae, ikaw ang nangungulit at manliligaw sa lalaki?" Nalungkot ako sa sinabi niya.

Ah, so kinakahiya niya ko? Kaya ayaw niya sakin dahil ganito ako? Dahil nilulunok ko ang pride ko bilang babae para lang iparamdam sa kanya na mahal ko siya?

Tumingin ako sa kaniya nang diretso sa mata.

"Ngayon lang, nang sabihin mo yan. Limang buwan na kitang kinukulit. Binabalewala at isinasantabi ang ego ko bilang babae para lang ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Sana iyon ang makita mo." Ipinakita ko sa kaniya ang lungkot sa mga mata ko.

Umiwas siya ng tingin.

Ngumiti ako ng malungkot. Inabot ko sa kaniya 'yung bag niya. Tumingin siya sa'kin.

"Simula ngayon sabihin mo sa'kin kung nahihiya ka sa mga pinaggagagawa ko. Bag mo, para hindi mo ikahiyang kasama mo ko." Sabi ko at di ko na siya tinignan.

Kinuha niya yung bag niya.

Hay.

Maya-maya pa ay nakarating na kami. Malapit-lapit lang naman ang Army Navy dito sa school.

Nginitian at kinawayan ko agad ang mga kaibigan ko nang makita ko sila sa loob.

Si Fatima na may kaliitan at may konting katabaan, kaya bagay ang Fatima sa kaniya–Fat kasi. Haha pero cute naman siyang tignan. Chubby pero maganda siya. Sa unang tingin, alam mo na agad na may kakulitan ito.

Si Kian ay nasa tapat ni Fatima. As always, gwapo ang dating. Sa hikaw palang niyang maliit na itim at sa buhok niyang sinadyang guluhin— nangangamoy babaero.

Pumasok na kami ni Eros sa loob at umupo na kami. Magkatabi kaming dalawa ni Fatima at si Eros at Kian naman ang magkatabi.

Pagkaupo ko ay binutakan ako agad ni Fatima.

"Aray! Para saan yan?!" Pagrereklamo ko.

"Kabayaran para sa utang mo." Sabi niya.

"Anong utang?!"

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon