Chapter 25: I guess, yes.

19 0 0
                                    

Enrollment na nga pala ulit pero tapos na kaming mag-enroll ni bebe Eros ko noong isang linggo pa.

Pupunta nga pala kami mamaya sa party ng isa naming kaklase, si Tatum de Jesus.

Ayon sa virtual invitation na sinend samin through internet, Halloween Party daw iyon.

11th people: Halloween Party
At de Jesus Residence
5 P.M. onwards

Slip on your most scary dress and suit!

Hindi ko alam kung bakit gusto iyon ni Tatum. Hindi ko rin siya kaclose pero ang alam ko, isa siyang varsity player ng tennis. Bukod doon, wala na akong alam tungkol sa kaniya.

Balita ko, imbitado rin ang lahat ng batchmates namin.

Pito ang section namin at lahat ng mga ito ay imbitado sa party.

Sa bahay lamang nila Tatum gaganapin ang party pero kasya kaya doon ang ganoon karaming tao?

Ganoon ba sila kayaman? Grabe naman!

Malapit na pala mag-alas kwatro kaya napagdesisyunan ko nang maghanda para sa party.

Nagsuot ako ng black and white stripe loose long sleeve na pinartneran ko ng black jeans at black Converse.

Nagsuot din ako ng black gloves, black bonet, at black eye mask na ginawa ko kagabi.

Nakalugay lang ang straight kong buhok. Matapos ay naglagay lang ako ng red lipstick-- at bongga!

Oo, tama kayo ng hula.

Ang costume ko ay walang kasing walang kwenta kundi... isang magnanakaw.

Walang kakwenta kwenta ang isip ko! Anong katinuan ba ang pumasok sa akin para maging lame ang costume ko?

Isang robber, burglar, magnanakaw, manunulot? Lahat na!

Masyado kasi akong pre-occupied ng naging date namin ni bebe ko nung nakaraan hihi.

Di nagtagal ay nakarinig ako ng busina. Oo nga pala! Susunduin niya nga pala ako.

Ang totoo niyan, dapat talaga ako ang susundo sa kaniya. Pero ang magaling kong kasintahan sa hinaharap ay ayaw magpasundo! Siya nalang daw ang susundo sa akin dahil mabilis daw siyang mag-ayos.

So, ang ibig niyang sabihin, matatagalan siyang maghintay kung ako ang susundo dahil inaabot ako ng ilang oras sa pag-aayos ko! Grrr.

Grrr talaga nakakakilig!!!!

Gusto niya lang naman talaga akong sunduin. Psh mwahahahaha!!!

Inayos ko na ang sarili ko at nagpaalam na sa tita ko. "'Wag kang magpapagabi, ha. Mag-ingat kayo."

Sabi niya sa aming dalawa ni Eros bebe bago kami tuluyang umalis.

"Bebe koooo." Malanding tawag ko kay bebeloves.

Lumingon naman siya sa akin. "Lalo kang gumwapo ngayon." Sabi ko nang seryoso pero may halong kalandian!

Mwahahaha!

Ang napili niya palang costume ngayon ay vampire.

Okay! Siya na ang nagwagi!

ANG GWAPO GWAPO NIYA TALAGA!!!!!!

Ang putla-putla ng balat niya, sakto at maputi siya. Pero ang dark ng labi niya. Na parang ang sarap ikiss. T_____T

Stahp!!!

Ang sarap sarap naman~!!!

WAIT STOP NA TALAGA!!!! GRRR!!

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon