Ericka's POV
Alam ko. Marami akong nagawang mali.
Marami akong nasaktang tao. Marami akong kasalanan.
Everyone deserves a second chance. Pero bakit ako, walang nagbibigay nun?!
Bakit ba palagi nalang akong nakakasakit ng taong mahahalaga sakin?! Bakit ba hindi na ko nakagawa ng tama?!
Hinabol ko si Eros para sabihing, "Puntahan mo ko sa Saturday morning, kung pwede pa nating ayusin 'to."
Hindi siya sumagot kaya tumakbo na ko kasabay ng pag-agos ng mga luha ko.
Sumakay ako sa kotse ko at umuwi.
Nagkulong lang ako doon.
Ilang araw na kong nagkukulong dito.
Hindi ako makakain. Pakiramdam ko, wala nang pakialam si Eros sa sinabi ko.
Pakiramdam ko, balewala lang 'yung binulong ko sa kaniya.
Pero diba, dapat positive lang? Umaasa ako na sana dumating siya. Dadating siya.
Dadating siya dahil mahal niya parin ako.
Mahal niya parin ako...
Mahal niya pa rin ako!
Tumayo ako at dali-daling nagluto.
Kakain kami nang sabay dahil mahal niya parin ako!
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Dapat maganda ako sa harap niya!
Tinignan ko ang cellphone ko. 10:12am na pala.
Siguro na-late lang siya ng gising. O kaya naman traffic.
Pupunta siya. Alam ko. Nararamdaman ko.
Lumipas ang oras.
12:38 pm na pala.
It's not morning anymore.
Hindi siya nagpunta.
Ayaw niya nang ayusin to?
Ayaw na niya?! Hindi na ba niya ko mahal?!
Bakit ba parang may dumudurog sa puso ko?!
Ang sakit sakit!
Ayaw na niya sakin! Ayaw niya na! May iba na siyang mahal! Hindi niya na ko mahal!
Napatingin ako sa kusina. Sayang lang ang niluto ko! Hindi naman pala niya sasabayan kumain!
"Aaaaargh!" Hinagis ko 'yung pinggang nasa table.
Nakita kong nabasag 'yun.
Basag na basag... parang puso ko.
Lumapit ako doon at napangiti.
Kinuha ko ang mga broken pieces ng pinggan pero nahiwa lang ako.
Ang laki ng hiwa ko sa palad, umaagos 'yung kakaunting dugo.
Napangiti ako. Wala pa ito sa sakit na nararamdaman ko.
Wala pa ito sa mga pananakit na nagawa ko.
Kinuha ko 'yung nakasugat sa'kin.
Hiniwa ko 'yung bandang pulso ko. Nakaramdam ako ng matinding hapdi. Inuulit-ulit ko iyon para dumami ang hiwa.
Kahit na ang dami nang umaagos na dugo, nakangiti parin ako.
Kapag ang puso ko, nadudurog, unti-unti akong pinapatay. Parang ang pinggan na ito.
Nakaramdam ako ng hilo at pakiramdam ko umiikot ang paligid ko.
Nakangiti lang ako hanggang sa wala na akong makita kung hindi itim. Madilim. Tuluyan na akong nawalan ng malay.
Masaya ako. Sa wakas, matatapos na ang paghihirap ko.
Andrei's POV
(Italized convos are through phone call.)
Humiga na ako sa kama ko. Nandito ako ngayon sa unit ko malapit sa school. Yeah, unit. Mayaman ang pamiya namin kaya ano naman? Kahit na next year, somewhere in Pasay na ko mag-aaral or maybe some other place in Manila, ay binilhan pa talaga nila ko nito. Kahit 6 years lang naman ako sa high school. Ayaw nilang bumili ng family house dito sa part na 'to ng QC. Palagi rin namang wala sa bahay ang mga magulang ko. Isa pa, sa greenhills, QC ang bahay namin. Medyo malayo sa part na 'to. My twin has also her own unit.
Enough of materials.
I heard my phone rang. I saw her name.
"Hey." I greeted her.
"Did you do it?" She said, yeah. She was checking it again.
"Yeah, done." I said. "Actually, matutuwa ka kapag nalaman mong hindi natuloy ang date nila dahil sa'kin."
I can imagine her twinkling eyes right now. "Really?! How did you do that?! Ginawa mo ba ang plan A?"
Natawa ako. Ganito na pala kami ka-desperado.
"More than plan A." I plainly said.
Alam kong masasaktan sila. Maraming masasaktan. Pero huwag lang siya.
Huwag lang ang kapatid ko. She had enough.
Namatay si Ariel, na siyang kina-depress noon ng kapatid ko. Hindi siya kumakain. Umabot na sa puntong tuyong tuyo na siya. Hindi siya naliligo, o lumalabas man lang ng kwarto. She looked like not the angel I've known, my sister I've lived with.
Ayoko nang mangyari ulit sa kaniya 'yun. Ayoko nang masaktan siya ng ganoon. Kaya hangga't maaari, ilalayo ko si Eris kay Eros.
You read it right.
Si Eros, ang minahal ni Danicka noong lumipat kami sa school namin ngayon. 'Yun 'yung araw na ayaw siyang papasukin ng guard dahil naka-civilian siya. Nakita siya ni Eros, pinagtanggol niya 'yung kapatid ko sa guard.
Mabait pa noon si Eros, hindi siya parang yelo na walang pakiramdam gaya ngayon. Mabait siya, na sa araw na nakita niya 'yung kapatid ko, tinour niya pa sa buong school at nilibre sa cafeteria.
But he had a girlfriend. Ericka.
Hindi gaanong nasaktan si Danicka noon, dahil sabi niya, crush lang daw 'yun. Close sila, they were friends. But...
Not until months later, nagbreak si Eros at Ericka.
Naging parang yelo si Eros. Wala nang pakiramdam, wala nang pakialam.
Nasaktan noon si Danicka. Kaya gusto niyang mapalapit kay Eros.
Pero dumating si Eris. Eris who is not like any other girl, she's tough. Malakas ang loob. Siya lang babaeng nagtatangkang makipag-usap kay Eros gaya ng ginagawa niya at mangulit na parang hindi natatakot na masigawan o masungitan. Kitams, niligawan niya pa.
Mahal na ni Danicka si Eros. And as a brother, I have to protect her.
Danicka's a year lower than us, Eris and Eros. She stopped when Ariel died.
Pero mas naging desidido akong ilayo si Eris kay Eros dahil sa nagustuhan ko siya. Putangina, kahit tawagin akong bakla. Gusto ko talaga siya. Ewan ko. Siguro dahil sa ugali niyang kakaiba.
"Paano?" Tanong niya sa kabilang linya, kausap ko pa nga pala si Danicka.
"Kaibigan ko si Ericka. Pinilit kong siyang kausapin si Eros the same day with Eros and Eris' date. Pero hindi ko sinabi kay Ericka na may date sila. But she made her way to caught his attention." I narrated.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...