Kasama ko ngayon si Eros. Gaya ng dati, nandito parin ako sa tabi niya at nangungulit. Habang siya, nagbabasa siya ng libro.
"Beb ko. I love you!" Malambing na sabi ko sa kaniya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang 'yung mukha ko nakatapat sa tenga niya. "I love you!-"
Gumalaw siya na parang bulate kaya napatigil ako sa pagsasalita. Nagulat ako. Tumingin naman siya sa'kin.
Silence.
"PWAHAHAHAHAHAHA!" Humagalpak ako kakatawa. "ANG CUTE CUTE MO BEBE KO. HAHAHAHAHA! SHIT-" Nakahawak ako sa tyan ko.
"Tsk. Wag mo nga akong tawanan." Sabi niya habang nakakunot ang noo.
"Hahahaha. Ang cute mo naman makiliti. Hahahaha!"
"Tsk. Sabi nang wag mo kong tawanan!" Sabi niya sakin pero hindi parin ako tumitigil kakatawa.
Hinawakan niya 'yung dalawang kamay ko gamit yung isang kamay niya. Yung isang kamay naman niya ay dahan-dahang pumupunta sa leeg ko. Wtf he's trying to do?! HAHAHAHA.
"Wow, ang sweet." Manghang sabi ni Rei.
Napabitaw naman agad sa'kin si Eros. Aw. 'Yun na e. Moment ko na e, moment na namin 'yun e! Kikilitiin niya ko kahit wala naman akong kiliti doon. Dadampi na sana 'yung daliri niya sa mahubog kong leeg. Kainis!
"Oo. Pero panira ka!" Sabi ko at inirapan silang tatlong tropang dumating.
"Sus. Minsan na nga lang e." Sabi ni Rainier. "Nakakatampo na nga kayo e, lalo ka na bro. Di niyo na kami sinasali sa bonding niyo."
Binato ko siya ng tissue. "Ang bading mo. Hahaha."
Natawa naman kami, even Eros.
My gheeeed. Eros laughed. Parang ang sarap i-record ng tawa niya. Ang cute cute lang. *O*
Naglunch kami pagkatapos namin mag-asaran doon. Ang mga baliw, nagpapapogian pa.
"Pangit. Ako ang gwapo. Ay mali. Gorgeous is the word." Sabi ko. Nakakainis dahil ako lang ang humalakhak sa sinabi ko.
Tinignan ko sila na parang nakakabadtrip kayo, alam niyo?
Natawa naman silang apat. Ako lagi trip nitong apat. Ano ba yan. -______-
Pagkatapos naming kumain, tumambay kami sa field. Naupo kami sa damuhan habang nakasandal sa pader.
"Beb. Date tayo?" Biglang yaya ko kay Eros.
"Saan?" Tanong niya. Nagulat ako, I was supposed to push him to date me. Pero pumayag na siya? Pumayag na siya!
Napatalon pa ko sa tuwa. "Really?! Hahaha. Anywhere you want. Saturday. Kita tayo sa Jollibee."
Ngumiti nalang siya at nag-nod. Wahahaha! God, this is the best blessing. Megesh. Hahahaha.
"Lemme take a selfie." Sabi ni Rainier. Tinaas niya ang phone niya at nagselfie kaming lima. Si Eros, walang emosyon. Minsan ay nakatingin, minsan hindi. Ako naman. Todo compress ng sarili ko kay Beb. Hahahaha. Yie, tsansing. XD
"Beb selfie din tayo." Sabi ko. Nilabas ko agad ang phone ko at nagready.
"Ang duga niyo a! Di kami kasali?!" Reklamo nila.
"Teka, moment namin 'to." Seryosong sabi ko pero natatawa ko sa kabadingan nila hahaha.
Tinaas ko ang phone ko at nagpose. Si Eros naman ayaw tumingin kaya ang shot namin ay puro nakasimangot siya o kaya naman, hawak ko ang mukha niya at finoforce na patinginin sa camera. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...