Third person's POV
Isang buwan na rin ang lumipas. Napapadalas ang paggamit ng cellphone ni Eros tuwing nasa klase. Tuwing magkausap naman sila ni Eris ay nasa kaniya ang atensyon nito ngunit balik cellphone na muli ito pagkatapos. Nakakapanibago na tila ba sobrang busy nito sa cellphone kumpara sa normal nitong paggamit. Noon ay parang display lang ang cellphone nito.
Akala niya siguro ay hindi ito napapansin ni Eris, pero sa totoo lang ay pinipili lang talaga nito na huwag pansinin. Natatakot itong komprontahin siya tungkol doon. Baka magalit siya ulit at hindi na ito pansinin. O baka isipin niyang pinagdududahan siya nito. Hindi gusto ni Eris na pag-umpisahan pa ito ng away.
Samantala, abala ngayon ang klase sa pagpaplano ng kanilang Christmas Party. Sa totoo lang ay hindi naman ito required sa kanilang eskwelahan. Tapos na rin ang kanilang University Week kung kaya't ang pagcecelebrate ng ganitong klaseng party ay nasa sa mga estudyante na lamang.
Nagtipon-tipon ang mga kaklase ni Eris upang mag-usap-usap, ngunit hindi sumama si Eris. Sa halip, tinabihan nito si Eros na kaagad namang binulsa ang kaniyang cellphone.
Ngumiti ito nang malaki kay Eros. "Kain tayo? Burger Queen?"
Tahimik lang na tumango sa kanya si Eros habang ramdam na ramdam ng lalaki ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kaniyang bulsa. Hindi niya ito pinahalata kay Eris at tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad.
Nakangiti parin si Eris kahit na masakit na ang panga at puso nito. Ramdam nito ang pagkirot ng kanyang puso sa bawat hakbang na ginagawa nila ni Eros.
Hindi nito alam kung bakit hindi napapansin ni Eros ang pekeng ngiti nito. Hindi ba alam ni Eros ang maganda at totoong ngiti nito? Hindi ba mahalaga sa lalaki ang kasiyahan nito? O hindi lang talaga siya ganoon kakilala ni Eros? Bakit nga ba?
Pagkalabas nila ng school, natanaw na agad nila ang Burger Queen sa tabi ng Jollifly. Nakarating sila doon nang walang kibuan.
Umupo sila sa isang bakanteng pwesto sa bandang sulok ng kainan. Nag-iisip pa lamang si Eris ng kaniyang oorder-in ay nag-alok na si Eros na siya na ang pipila sa counter.
"Ako ang nag-ayang kumain kaya ako nalang ang oorder." Pagtutol ni Eris. Hanggang ngayon ay kina-career parin ni Eris ang pagka-gentleman kuno niya dito. Sa totoo lang, hindi naman ibig sabihin na dahil hindi siya isang Maria Clara ay hindi na rin ito mabait. Ayaw lang niyang mapagod sa pagtayo si Eros.
Subalit nagpumilit parin si Eros na pumila.
"Ako na, just rest here."
Naghatid ito ng saya sa puso ni Eris dahil kahit papaano ay muli niyang naramdamang mahal siya nito. Kahit papaano, may concern parin ito. Kahit papaano, nananatili parin ito.
Hanggang saan nga ba itong sitwasyon na ito? Hanggang kailan ba ang pagtitiis niya sa ganitong pakiramdam na walang pinatutunguhan ang relasyon nila? Masaya pa ba sila? O pinipilit lang ni Eris na ipakitang okay siya kahit ang totoo, unti-unting nawawala sa kaniya si Eros kahit nasa tabi niya ito?
Parang tinangay ng emosyon nito si Eris. Hindi na niya namalayang may pamilyar na babae sa likod ni Eros sa pila nito sa counter.
Samantala, abala ngayon si Fatima sa pagpili sa pagitan ng bundle meal at barkada meal. Sa tingin niya, mas makakamura siya sa barkada meal dahil hindi naman nito kailangan ang fries at chicken nuggets ng bundle meal. Mas maraming burger at drinks ang nasa barkada meal. Tama, ito na lamang ang bibilhin niya.
Matapos nitong makapili ay tumingin ito sa kaniyang wristwatch. Mayroon pa siyang kulang-kulang kalahating oras para bumili ng meal ng kanilang club sa kaniyang eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...