Ilang araw ko na ding nililigawan si Eros. Oo Eros na, ayaw niya kasi ng Keith eh. Ewan ko kung bakit? Siguro mas gusto niya ng Eros-Eris #Fam HAHAHAHAHA. Niyaya ko siyang kumain kanina ng lunch pero ayaw niyang sumama sa'kin.
Aba't bad trip diba? Kinakausap ko, kundi ba naman bastos hubo-tabo...
Tumabi ako kay Eros bebe."Tara Eros kain tayo. Ano ba gusto mong kainin?" Masigla kong tanong.
Hindi niya ko pinansin pero narinig ko siyang nag-'tss'.
Napasimangot ako. "Libre ko."
"May pera ako." Masungit na sabi niya.
Ang taray a! "Sinabi kong wala? Tara na. Ililibre kita. Ano bang gusto mong pagkain bukod sa sinampalukang manok at carbonara?" Masaya akong nagsasalita habang parang nag-iimagine pa. "Gusto mo din ba ng Adobo? The best yung luto ni mama nun. Yum-yum!"
Pagtingin ko sa kaniya-
Napalaglag nalang ang panga ko. Hindi ko akalain ganun siya ka-desperadong matulog.
Tinulugan niya ko habang ako mukhang timang na nakangiti at nakatingin sa kawalan habang nag-iimagine ng pagkain!
Bastos na bata.
Wala na'kong choice kung hindi bumaba at kumain mag-isa. Tae naman, sa ibang school kasi nag-aaral ang best friends ko. Kamusta na kaya sila? Masaya kaya silang wala nang dyosang mangdidistract sa kanila dahil desperada ang dyosa na sundan ang soulmate niya? Haha.
To: Fatima; Kian
'Mith you guys, gala tayo. :('Ilang minuto lang matapos ko silang i-text ay nakatanggap na ako ng tawag.
"Hello?" Bati ko.
Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa biglang pagsigaw ni Fatima. Pasensya, abno.
"BAKULAAAAAAW!" Napa-poker face ako. Sa ganda kong 'to, bakulaw ang tawag nito sakin? Duh.
"Alam kong masyado mo kong namiss pero hindi mo ko kailangang tawagan para iparinig lang na tinatawag mo ang sarili mo." Seryoso kong sabi pero sa loob loob ko ay tawang-tawa ako.
"Gaga." Mabilis niyang tugon na feeling ko may kasama pang irap.
Natawa nalang ako. "Eris. Army Navy tayo bukas! Lunch." Narining kong sigaw ni Kian na malamang katabi ngayon ni Fatima.
"Oo. Para madagukan kita dahil sa pambungad mo sakin! Hayop." Sabi ni Fatima.
"K. Hahaha. Papakilala ko sa inyo bukas si mah loves!" At kinuwento ko na sa kanila kung paano ko ligawan si Eros bebe.
Seryoso pa silang nakikinig. Si Fatima, kinikilig. Pero si Kian, parang gusto pa kong pagalitan.
"Duh! Hindi ako si Maria Clara." Natawa naman sila.
Sanay na rin siguro sila na ganito ako kay Eros. Limang buwan narin akong nangungulit at alam nila 'yun.
Pagkatapos naming mag-usap usap ay pumasok na ako.
Nakita ko si Eros na natutulog parin.
Lumapit sa'kin sila Rainier, Migz at Rei. "Ang lupit mo talaga." Sabi ni Rei at nakipag-apir sa'kin.
"Di naman. Dyosa lang." Natawa kaming lahat sa pagtataray ko.
"Hahaha. Infairness sayo, napipilit mo 'tong gunggong na 'to." Sabi ni Rainier.
"Masungit siya oo, pero hindi siya gunggong. -______-" Pagtatanggol ko.
"Sorry na, suitor. Hahaha."
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Fiksi RemajaIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...