Halos tatlong araw rin akong nanatili lamang sa kwarto ko. Lumalabas lamang ako 'pag kakain, pero sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong kinausap tungkol sa problema ko. Ayoko lang na idamay ang iba sa sarili kong dinadala. Ang tita ko, nanay ko, kapatid ko, mga kaibigan ko, at maging si Eros, lahat sila ay walang alam tungkol sa kung ano ba ang pinagdaraanan ko ngayon.
'Tila tinangay ako ng isang oras na pangyayaring iyon—ng isang pagkakamaling iyon.
Lahat ng aking pagsisikap na ibaon na lamang siya sa pinakatagong lugar ng isip ko ay nauwi lamang sa wala. Parang bumalik nanaman ako sa umpisa.
At doon siguro ako muling nagkamali. Isa bang kasalanan na magluksa ako? Mali ba na mag-isa at tahimik kong hilumin ang sugat kong hindi naman gumagaling?
Ilang araw lamang akong nawala. Hindi ko malaman kung bakit ganun? Sa unang araw ng hindi ko paglabas ng bahay ay 'sangdamakmak na texts at tawag ang natanggap ko mula kay Eros.
Ang ilan dito ay sinasagot ko, ngunit ang karamihan ay tila hangin na walang laman. Dala siguro ng pagkawala ng isip ko at ng muling pagdurugo ng puso ko.
Habang lumilipas ang oras at ang araw, pabawas nang pabawas ang nakukuha kong text mula kay Eros. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay busy siya. Marami kaya siyang ginagawa? Natutulog kaya siya? Kumain na ba siya?
Walong oras nang huli akong makatanggap ng text mula kay Eros. Hindi ko man lang masabi sa kaniya kung anong nararamdaman ko ngayon. Alam kong marami rin siyang kailangan isipin at intindihin bukod sa napakawalang kwentang problema ko ngayon.
Siguro ay ayoko lang malaman ng mga tao kung gaanong nakakadisappoint ang sitwasyon ko. I don't like to be pitiful.
Kaya naman kailangan kong bumangon at muling mabuhay. Sanay naman na akong ganito ang kalagayan ko. Ang hindi na mabubuo ang puso kong durog.
Tinatamad kong sinilip ang orasang nakasabit sa pader. Alas singko ng hapon. Ano kayang ginagawa ngayon ni Eros? Namimiss niya kaya ako? Iniisip niya din kaya ako?
Sinadya kong bigatan ang pagbuga ko ng hangin, kunwari nalang ay mababawasan nito ang bigat sa dibib ko.
Nagdesisyon akong bumangon at maligo. Kinuha ko lang ang wallet at cellphone ko at umalis na ako agad.
Dating gawi, pupuntahan ko si Eros. Ayokong tumagal na hindi niya ako i-text. 9:03AM pa yung last na mensahe nya, 'Good morning.'
Ayoko ring isipin niyang porket kami na ay hindi ko na siya pupuntahan. Isa pa, sobrang namimiss ko na ang bebe ko.
Dala ko parin ang dalawang supot ng carbonara sa kaliwang kamay ko. Itetext ko ba siya na parating na ako? O gugulatin ko nalang siya? Parang mas masaya 'yung pangalawa.
"Magandang araw po, tita. Nandito po ba si Eros?" Malumanay na tanong ko kay Tita Diana.
Nakangiti itong sumagot habang nananahi ng palda sa kanilang sofa, "Hija! Nasa kwarto niya. Puntahan mo nalang siya."
Nagpasalamat ako at iniabot sa kaniya ang isang supot ng carbonara. Pagkatapos noon ay tumungo na ako sa kwarto ng pinakamamahal kong bebe.
Kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pintuan.
Bakas sa mukha ni Eros ang pagkagulat ngunit pagkatapos noon ay ngumiti nito sa akin. Hay, napakagwapo mo parin, bebe.
Umupo ako sa tabi niya at inilapag ang carbonara sa desk niya, kung saan napansin ko ang cellphone niyang nasa kanang bahagi ng desk niya. May ilaw pa ito at 'tila kakatapos lang niya itong i-lock.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
JugendliteraturIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...