Tumingin ako kila tita. Halos lahat sila ay nagulat, lalo na si Eros na ngayo'y bakas sa mukha ang pagka-uneasy at hindi makapaniwala, malamang siguro ay dahil sa pagdating ng babaeng nasa harap ko.
"Oo naman. Ikaw pa ba Daniel? Thank you pala sa pag-invite mo sa'kin." Sabi nung girl.
Maya-maya ay biglang ngumiti ng awkward sila Tito at Tita.
Si Ate Barbs naman ay biglang nairita at umirap doon sa babae. "Dapat ay hindi ka na pumunta."
"Ate ano ba? I invited her. You don't care kung sino ang gusto kong papuntahin, kayo nga ininvite niyo siya kahit kayo lang ang may gusto." Pagtatanggol ni Daniel doon sa babae habang tumingin pa siya sa'kin nang sabihin ang huling litanya niya.
Sakit naman nun. Sino ba kasi itong babaeng 'to?
Tumingin ako kay Eros. He just looked away and quietly said, "Tsk."
"Hija, si Ericka. Ericka, si Eris." Awkward na pagpapakilala ni Tita Dana.
Ngumiti siya sa sakin at tinanggal ang shades niya. Nakita ko ang blue na mata niya. Ngumiti siya sweetly... Too sweet for my liking.
"Hi. I'm Ericka Capiral. Friend of Eros." Ngumiti siya nang nakakaloko. Eh ano ngayon kung friend siya?! Dapat ngumingiti nang pangit? Bwahahaha!
"Name's Eris Cua. Eros' suitor." Nginitian ko rin siya nang nakakaloko pero nag-smirk lang siya.
"Another fan girl?" Bubulong pa siya eh rinig na rinig ko naman. Natawa naman si Daniel.
"Sorry. Kung gusto mo kong kausapin, iparinig mo ha? Nagmumukha ka kasing bubuyog." Nginitian ko siya nang malaki.
"Tsk. Umalis na tayo, pwede?" Masungit na sabi ni Eros.
Lahat naman ay parang natauhan at nakahinga nang maluwag.
Kumapit si Ericka sa braso ni Eros at tuloy-tuloy naglakad. Wow a. Ako nga di ako nagttake advantage nang ganyan tapos siya? Hahawak hawak kay Eros na akala mo girlfriend niya? Ano ba siya ni Eros? Diba friend lang? Putapeteng kaibigan lang!
Habang busy ako sa pagrereklamo sa isip ko. Tinabihan ako ni Ate Barbs. "Wag kang papadaig baby. Kaya mo yan!" Bulong niya sa'kin.
"Bakit ate? Eh kaibigan niya lang naman 'yan. Ako parin ang nanliligaw." Sabi ko.
"Bunso. Kung kaibigan lang 'yan, hindi 'yan kakapit nang ganyan." Tugon niya. Wtf?! "She's his ex-girlfriend."
Napanganga ako. Parang mas uminit yata ang ulo ko dahil sa nalaman ko.
"Bakit sila naghiwalay?" Di ko napigilang itanong.
"Hindi rin namin alam. Masayahin naman dati si Eros. Hindi siya ganyan na masungit at cold. Si Ericka, minahal siya ng sobra ni Eros. Witness kaming lahat kung gaano ka-seryoso si Eros sa kaniya. Pero isang araw, nakita nalang namin si Eros na umiiyak. Hanggang sa hindi na namin nakita si Ericka at naging ganyan na si Eros."
Parang may kumukurot ng paulit-ulit sa puso ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Ang babaeng nakakapit ngayon sa braso ni Eros, habang si Eros hindi man lang siya pinipigilan, ay ang babaeng minahal niya nang sobra at dahilan kung bakit sinusungitan niya ko.
Ano bang laban ko sa babaeng nakuha na ang puso niya dati?
Pero kahit ganoon, hindi ako papatalo.
"Not so long, she will be no longer a queen. The princess will soon take her place." I said.
Ngumiti nang malaki si Ate Barbs. "Ganyan nga, fighting!" Sabi niya pa.
Nang makarating na kami sa aakyatin naming bundok, pumunta ko sa gitna nila Ericka at Eros.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...