Chapter 33: Space

14 1 0
                                    

Third Person's POV

Matapos ibaba ang telepono, maingat na pumasok si Fatima sa kaniyang kuwarto at marahang isinara ang pintuan. Ayaw nitong masira ang mahimbing na pagkakatulog ng kaniyang matalik na kaibigan.

Kakatapos lamang niyang kausapin ang tiya ng kaibigan dahil ilang araw na itong nananatili sa bahay nila. Mabuti na lamang at malaki ang tiwala sa kaniya ng pamilya ni Eris. Alam nilang wala itong balak na tangayin si Eris sa masamang landas o hayaang mapunta sa panganib.

Bagama't parang isang perlas si Eris sa kaniyang pamilya at ayaw itong pabayaang mag-isa, naiintindihan nilang dumaraan ang dalaga sa isang masakit at mahirap na sitwasyon ng kabataan nito. Kailangan nito ng space at katahimikan na sa ngayon, si Fatima lamang ang pinakamainam na dumamay. Nagpapasalamat pa nga ang mga ito dahil mayroon itong mabuti at tapat na kaibigang handang damayan ang kanilang prinsesa sa pag-iisa habang sila ay malayo't nasa ibang bansa at tiya lamang ang naiwan sa tahanan nito.

Dahan-dahang humakbang si Fatima patungo sa kabilang gilid ng kaniyang kama upang kumuha sana ng damit sa kaniyang cabinet na may dalawang sliding door na salamin.

Nakaharap na siya sa pinto ng kaniyang wardrobe at akmang bubuksan ito ngunit nakita niya ang repleksyon ng kaibigang nakatagilid sa kama paharap sa wardrobe niya.

Nakatagilid itong nakatuklob sa kumot mula balikat hanggang paa. Tanging ulo lamang nito ang kita.

Pulang pula ang mata at ilong nito at nakatulala lamang sa kawalan. Akala ni Fatima ay tulog si Eris. Nasayang lamang ang kaniyang pag-iingat na gumalaw dahil wala naman pala siyang maiistorbong tulog.

All this time, gising at tahimik lamang na umiiyak ang kaniyang kaibigan.

Habang pinagmamasdan ang kaibigan, sumikip ang dibdib ni Fatima sa kaniyang nakita. Matagal niya itong hindi nakasama, ngunit ngayong kasama niya naman ito, malungkot at puno naman ito ng paghihinagpis.

"Bruha ka! Gising ka pala."

Nagpatuloy na si Fatima sa pagkuha ng damit habang tingin lamang ang naging tugon sa kaniya ni Eris.

Pagkatapos maligo ni Fatima ay excited na siyang bigyan ng oras ang sarili at bigyan ng oras magsarili si Eris. Pupunta siya ngayon sa Nail Salon sa tapat ng kanilang subdivision.

Nagsuklay na siya at naglalagay ng kaunting liptint nang biglang tumunog ang cellphone ni Eris.

Awtomatikong napalingon si Fatima sa nakahigang kaibigan. Nasaksihan niya ang pagliwanag ng mukha nito nang ilang segundo at muling pagbagsak ng mga balikat.

Umasa itong ang tumatawag ay ang nanakit rito. Ngunit mali nanaman. Kailan ba ito matututo na hindi ito susuyuin ng lalaki?

Gayunpaman, piniling sagutin ni Eris ang tawag dahil ayaw nitong maging bastos.

"Hello, napatawag ka, Tatum?"

Tatum? Sino naman kaya ang Tatum na iyon at bakit tunog siyensiya ito? Mukhang bagong miyembro ito sa Table of Elements, tahimik na sabi ni Fatima sa kaniyang isip habang nililigpit na ang kaniyang lapis na pang-kilay at liptint.

"Ngayon na?" Pinaghalong pagkabigla at dismaya ang nakapaloob sa tono ni Eris. "I guess, hindi na ako pwedeng humindi."

Anong bawal tumanggi?

"Alright."

*

Matapos mag-ayos ay tumungo na agad si Eris sa isang malapit na mall. Wala man ito sa ganang magliwaliw, hindi naman nito kayang biguin si Tatum, o sino pa man, sa oras na makiusap ang isang tao sa kaniya. Bukod pa roon, ang appointment ni Tatum sa Subic ngayon na kontra sa nalalapit na Christmas Party na gaganapin sa mansyon nila Tatum ay magandang dahilan upang tulungan ito pjnakikiusap nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon