Chapter 26: Confirmed

13 0 0
                                    

Hala? Hindi ba ako nananaginip lang? Totoo ba ang lahat ng nangyari kagabi?

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at huminga ng malalim. Habang nakahiga sa kama ay kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ngunit wala ito rito.

Balak ko sanang i-text ang love kong si Eros. Baka sakaling ma-confirm ko kung kami na nga ba o hindi dahil hindi naman niya iyon sinabi ng diretso sa akin kagabi.

Ano kayang sasabihin ko? 'Hi tayo na ba?'

Napa-buntong hininga ako sa pag-iisip kung gaano ka-awkward na tanungin din si bebe nang diretsuhan.

Bahala na. Hindi na muna ako mag-iisip kung ano ang sasabihin ko. Ang dapat ko munang gawin ay hanapin ang cellphone ko.

Nasaan na ba iyon?

Napilitan akong bumangon at hanapin ang cellphone ko pero wala parin ito sa paningin ko.

Tumayo na ako at hinanap iyon sa bag ko, sa  kama, sa bedside table, sa dresser, at nalinis ko na ang buong kwarto ko pero hindi ko parin nahahanap ang cellphone ko.

Anong katangahan ba kasi ang pumasok sa kokote ko kagabi at nawala ko ang cellphone ko? Hindi ko man lamang maalala kung saan ko iyon inilagay.

Naghanap ako maging sa banyo, sa kusina, at sa sala ngunit wala parin ang cellphone ko.

Nang mapagod ako, nagpahinga muna ako saglit. Isang tawag ang natanggap ko mula sa cellphone ng tita ko.

"Eris, may naghahanap sa iyo."

Kinuha ko ang cellphone mula kay tita. Sino kaya ito? Si bebe ko? Imposible, hindi iyon tatawag kay tita. Hindi kaya si Fatima?

"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.

"Hi." Isang boses ng lalaki ang sumagot sa akin. Sigurado akong hindi ito si Eros. Kung ganoon, sino ito?

"Nasa akin ang cellphone mo." Simpleng sabi nito.

Agad akong napatingin sa screen ng cellphone ni tita. Oo nga, number ko ito! Bakit hindi ko iyon tinignan kanina?

"Sino ito? Bakit nasa iyo ang cellphone ko?" Tanong ko dito. Hindi kaya magnanakaw ito at kailangan ng ransom money para sa cellphone ko? Kaloka.

"Hindi ako ang magnanakaw miss, kundi ikaw. Hindi mo ba naaalala?" Natatawang sabi nito.

Magnanakaw? Ako?

"Anong sinasabi mo? Pwede bang isoli mo na sa akin ang cellphone ko?" Mahinahon kong pakiusap pero naiirita na talaga ako! Sino ba ang may hawak ng cellphone ko at nakuha pa nitong magbiro sa akin? Ano kami, close?

"Ikaw ang nag-iwan, ikaw rin ang kumuha."

Huh? Naiwan ko ba ito kagabi sa party? Kaya ba sinabi nitong magnanakaw ako ay dahil sa costume ko?

"Sige, pakitext nalang kung saan ko kukunin. Thank you." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag kaagad.

Naligo na ako at nagbihis ng simpleng damit.

'Pet café in 30 minutes.'

Ang Pet Café ay nasa labas lamang ng subdivision namin, malapit sa gate two.

Nang makarating ako doon, agad hinanap ng mga mata ko ang lalaking kausap ko.

Oo nga pala, wala siyang sinabing pangalan kung sino siya at kung anong suot niya. Nakakainis! Hindi ko pa naman dala ang cellphone ni tita dahil aalis daw siya at kailangan niya ito.

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon