Chapter 3: How we met.

51 0 0
                                    

Flashback

Sumakay ako sa bus at bumaba Vito Cruz. Umakyat ako papuntang LRT. Bumili ako ng ticket at pumunta sa waiting area ng mga babae.

Ang tagal naman ng train. Lumingon ako sa panggagalingan ng train ng may makita akong lalaki.

Matangkad sya kaya naman madaling mapansin sa dami ng taong nakapaligid sa kanya.

Lumingon sya sa harap niya dahil kanina ay nakatingin rin sya sa panggagalingan ng train.

Ang gwapo niya kahit side view palang.

At dahil sa may kakaiba akong naramdaman, dinala ako ng mga paa ko sa malapit sa kanya.

Ang dami kasing tao kaya hindi ako makasiksik. Maggagabi narin. At malamang punuan na ang loob ng tren.

Namalayan ko nalang na nandyan na yung tren ng pumapasok na ang mga tao sa loob. Masyado kasi akong busy sa pagtitig sa lalaki na nakatalikod naman sakin. Hihi.

Nagmamadal ako para hindi ako mapagsarahan ng pinto o maiwan dahil puno na.

Pagkapasok ko, kumapit ako sa bakal na nasa tabi ko. Luminga-linga ako para makita ko si Kuya pogi.

Nakita ko sya malapit sakin, kaya naman ang ginawa ko nung malapit na sa next station, kunwari ay nasubsob ako. Kaya mas napalapit ako sa pwesto niya.

Ganun lang ang ginawa ko hanggang sa nasa likod na niya ko. Mga damubs ko talaga! Hihi.

At dahil sa kalandiang namumuo sa utak ko, nasubsob ako sa likod niya.

Humarap siya sakin. Tapos, tapos..

Nagtama ang mga mata namin! My g. Ang ganda ng mata niyang singkit. Ang tangos pa ng ilong, no wonder gwapo na sya kahit side view palang. Ang kinis din ng balat, myghed! Dati kaya tong babae? Mas maputi pa yata siya sa sakin e!

At.. At yung labi niya. Manipis at parang ang lambot lambot. Red lips.

"Staring is rude, miss." Napatigil ako sa paghanga sa features niya. Ang gwapo naman kasi talaga e!

Nakita ko pa syang napailing. Totoo bang kapag gwapo, may karapatan ng magsungit?

Kung ganun, hayth. Paano na ang lovelife ko? Huhu. Kawawang Eria. Tsk tsk.

Tumalikod sya sakin. Nakita ko yung wallet niya.

Aha! Lamang ang may alam at lamang ang malandi. Pft. Hahaha.

Dinukot ko yung wallet nya at tinignan yun.

Eros Keith Sy.

Tinandaan ko muna ang spelling at saka ko binalik ng maingat yun.

Anong tingin niyo, magnanakaw ako? Sa ganda kong 'to? Magnanakaw lang naman ako ng information e! Tse.

Mukhang nakaramdam sya at sakto namang may nasubsob sa likod ko kaya tinake ko na yung opportunity-ng masubsob rin sa sexy back niya, ulit.

Kinapa niya yung wallet niya at naramdamang nandoon parin naman.

Yes, boy. I'm gonna get you. How? Well, I have my pretty ways.

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon