Chapter 4: A stalker.

63 0 0
                                    

Siguro iniisip niyong coincidence lang na pumasok ako sa school na 'to at kaklase ko pa si Keith? Na-ah.

Flashback

Nakauwi naman akong ligtas sa bahay. At hindi lang ligtas, inspired pa! Ang totoo niyan, hindi talaga ko taga-Manila. Dito ako noong bata pero dahil... uhm nevermind.

Kaya medyo naliligaw pa ko minsan, kaya  lang. Ang swerte ng pagkakaligaw ko kagabi. Hihi.

And yes, naligaw pa ko dahil di ko alam paano makakauwi sa Quezon City galing Las Piñas. Di ko rin alam bakit ako pumunta doon e.

Ah. Oo nga, inutusan ako ng tita ko na doon naman ngayon magpunta tapos umuwi na ulit dito.

Round trip lang. Nung nakaraan, Laguna. Nung isang araw, Makati. Tapos last week sa mga malls naman. Para daw medyo may alam naman daw ako kung sakaling maligaw man ako at mapunta doon.

Dito kasi ako ngayon tumutuloy sa tita ko. Si mama kasi nasa ibang bansa at si kuya lang kasama ko sa bahay. OFW si mama at si kuya naman, kakagraduate lang ng Accounting. Kaya nang makapasa sya sa board at naging Certified Public Accountant, kinuha sya ni mama para doon nalang din magtrabaho.

Umupo ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Naglog-in ako sa facebook at tinype ko yung name nung guy kanina.

May mangilan-ngilan na kapangalan niya. Kaya hinanap ko pa kung alin doon.

Oh, shit.

Para akong na-starstruck. Hindi ko alam pero hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.

Nagseselfie rin pala ang isang masungit na gaya non? Napangiti ako sa isiping 'yon. Ano kayang itsura niya kapag nagpopose habang hawak yung phone niya? Pfft.

Pumunta ako sa pictures at yung iba, bawal makita. Pero may isang napukaw ang tingin ko.

"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Di ko napigilan yung tawa ko. Yung picture kasi!

Baby na nakabrief ng pink lang na may ternong headband na may malaking pink na ribbon.

Naka-tag sa kaniya yung picture. At may caption na, "My baby Keith. So fast to grow up." Sy yung surname. In-add ko yung nagtag sa kanya. Feeling ko mommy niya e.

Siguro kaya hindi niya pa na-remove tag kasi.. just now. Ang cute cute niya talaga. Hahahahahahah!

"Eris, ayos ka lang ba jan?" Hindi ko naman alam na napalakas yung tawa ko. Di ko napansing kumakatok pala yung tita ko.

Napaayos ako ng upo. Grabe kasi 'tong si Keith. Napakacute.

"Wala po ta! Hehehe."

"Akala ko nabaliw ka na jan, bumaba ka nalang pag nagutom ka na!"

"Opo ta. Salamat po." Narinig ko yung footsteps niya. Siguro umalis na si Tita.

Tinignan ko yung iba niya pang picture at sinave ko sa computer. Hindi ko pa siya ina-add, baka kasi tanda niya pa ko. Ilang beses rin ako nasubsob at nagpakatanga sa loob ng tren. At syempre, sa ganda kong to? Makakalimutan niya ba na tinitigan siya ng maganda? Pft. Ang hangiiiiin~

Tinuloy ko nalang ang pagsstalk sa profile niya kesa magmhangin dito, hahaha.

Nakita ko na may mga babaeng nagpopost sa profile niya. Ang gwapo niya raw. Sa kanila nalang daw si Keith. Tapos meron pa! Siya daw ang nawawalng girlfriend ni Keith.

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon