Matapos ng pag-uusap namin ni Seven, umalis na siya. Sabi niya, nasa Makati pa ang bahay nila.
Napagdesisyunan ko namang pumunta sa Starbucks malapit samin. Gusto ko talaga ng Mocha Frappe. Nung hs day ko pa gustong-gusto 'yun. Hmp.
Kinuha ko na ang Frappe ko at tumambay muna sa Sb. Ano kayang ginagawa ni Eros ngayon?
Puntahan ko kaya siya? Hihi. Kaso, may ginagawa daw siya. Pero hindi naman ako manggugulo eh! Promise! Tutulungan ko pa siya!
Inubos ko na ang Frap ko at pumunta sa malapit na gift shop.
Ano bang pwede?
Bumili nalang ako ng maliit na banner na I love you na nakasulat sa kahoy at may stick na nakakabit. Pangdisplay. Hahaha.
Dumaan din ako ng convinient store para bumili sana ng pagkain pero naisip ko na dumaan nalang sa masarap na resto para sa masarap na carbonara.
Tinake out ko iyon at dumiretso na sa bahay ni Papa Eros.
Masaya akong naglalakad papunta sa kanila dahil makikita ko na ulit siya. *O*
Nagdoorbell ako at sumalubong sa'kin ang katulong nila. Pinapasok niya naman ako.
Napansin kong wala sila tita at tito dito pati narin si Ate Barbs. Sinabi ni Aling Nena, ang kasambahay nila, na nag-overtime daw sa work si Ate Barbs. At natural na wala ang mag-asawa dahil busy sa trabaho at business nila.
Umupo muna ko sa sofa nila. Hihintayin ko munang lumabas si bebe Eros bago ko pumasok doon. First time ko yatang makakapasok kaya nahihiya pa ko. Wow?! Hiya talaga?! Meron ba ko nun?! Hahaha.
Hinihintay kong lumabas si Eros pero iba ang lumabas ng kwarto- nakita kong lumabas mula sa pinto ng tapat ng kwarto ni Eros si Daniel.
Hay. Sana wag niya kong awayin. Alam kong hindi niya naman ako gusto para sa kuya niya.
Pababa na siya ng hagdan nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Nang mag-sink in naman sa kaniyang nandito ako, tinitigan niya ko.
Jeez. Wag mo nalang akong pansinin pls.
Tinuloy niya ang pagbaba sa hagdan. Unti-unting lumabas sa mukha niya ang pagngisi hanggang sa nakatayo na siya sa harap ko, still smirking.
"Gusto mong makita si kuya?" He said mockingly, I don't know why but I got this damn feeling that I have to be nervous.
Without speaking any words, I nodded.
His smirk grew bigger. "Puntahan mo na siya. Alam mo naman kung saan ang pinto ng kwarto niya. Feel free."
What? Hinahayaan niya kong lumapit sa kuya niya?! He was supposed to drag me out of the house and tell me never ever come back but why is he letting me in? I mean, hindi ko gustong gawin niya yun, pero bakit parang may mali? I should really get nervous.
"Bahala ka kung ayaw mo." Sabi niya nang hindi ako nagrespond sa sinabi niya. "Pero kung ako sayo, hindi ko na siya hihintayin dito. Busy siya eh. Daming ginagawa." Dagdag niya habang nakatalikod na siya at papunta na sa kusina.
Siguro, busy lang talaga si Eros. I shouldn't be over thinking. Baka sinusubukan lang ni Daniel na maging mabait sakin. Kainis kasing utak to, daming alam eh. Hmp.
Umakyat na ko sa kwarto, kumatok ako ng dalawang beses pero walang sumasagot.
Busy talaga siya eh no? -___-
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Malapad ang ngiti sa mukha ko habang binubuksan ko iyon.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...