Kumunot yung noo niya.
"Do whatever you want, stubborn kiddo. Stop iritating me." Sabi niya at iniwan ako.
Okay lang kahit di na sya lumingon dito. Atleast, LILIGAWAN KO SYA AT WALA NA SYANG NAGAWA! HAHAHAHA YES!!
Bat ba di ko naisip to dati pa? Edi sana kami na! Di bale, atleast magiging kami rin sa wakas! Sabi na nga ba e! I'M IRRESISTIBLE, BABY! Hahahah. Yeheeeey.
I'm Eris Cua and I'm inlove with my classmate, Eros Keith Sy. Grade 11 na kami, pero di niya parin ako pinapansin. Kelan kaya siya magbibinata?
Bebe ko? Yan ang tawag ko kay Eros my loves. He's smart. And yes, pareho kaming overall top. Palagi nalang kaming tie. Bakit ko sya nagustuhan? Well I'll tell you someday. Pero, mind you. He's so gwapo. Matangkad pa! Hindi naman gaanong payat kasi may moderate muscles din siya sa braso. Tapos ang kinis ng mukha, parang babae. Ang perfect ng mata niya. Ang cute ng pagkakasingkit. Ang tangos ng ilong at kissable ang lips. He has this dark messy hair. I love his looks, his brain, his moves, his heart and just everything about him.
Uwian na pala, masyado yatang lumipad ang isip ko. Nauna na kong lumabas ng room kaysa sa natutulog na si bebe Eros ko.
Sinadya ko talaga iyon para mahintay ko sya. Ganto ang ginagawa ng mga manliligaw diba?
Napansin kong kanina pa ko naghihintay dito at nakalabas na yata lahat ng kaklase namin. Pumasok ulit ako sa loob at nakita ko siya na ang himbing parin ng tulog.
Lumapit ako sa kanya at tinitigan sya. Hihi, ang cute niya matulog. Parang ang inosente ng mukha. Ang haba rin pala ng pilikmata niya. Bumaba yung tingin ko sa labi niya, parang.. parang ang sarap halikan.
Erase! Ugh, no Eris! May respeto ka sa nililigawan mo!
Nilabas ko yung phone ko at pinicture-an sya. Hihihi. :'> May pang wallpaper na ko na ako talaga ang nagpicture at ako lang ang meron.
"Uy, bebe ko.." Niyugyog ko sya. "Eros, gising naaa.."
Kinusot kusot niya yung mata niya. Omona! ANG KYOOOOOT! >O<
"Hmm.." Nag-inat sya at tumingin sa paligid.
Nagulat sya nang makita niyang nandoon ako sa tabi niya.
Nginitian ko siya ng matamis.
"Tara na!"
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya.
"Hinihintay ka, obvious ba?" Medyo napairap pa ko.
"Bakit nga?" Inirapan niya din ako.
"Ihahatid kita." Masiglang sabi ko sa kanya.
Akmang kukunin ko na yung bag niya pero kinuha niya iyon.
"Ako na. Gentlewoman ako, tulungan na kita." Kinuha ko iyon mula sa kanya. May sasabihin pa sana sya pero nauna na kong lumabas ng room.
"Bilisan mo na jan!" Pahabol ko pa.
Pagkalabas niya ng room, sinabayan ko agad sya. Bakit ba ang bilis maglakad neto? Ang lalaki pa ng mga hakbang dahil ang haba ng biyas. -_____-
"Uhm, ano pala gusto mo? Ililibre kita." Nasa labas na kami ng school ngayon at kanina pa ko salita ng salita pero di niya ko pinapansin.
Huminto sya sa paglalakad. Nandito na kami agad? Akala ko pa naman makakagala ako kasama nya. :(
Kinuha niya yung bag nya sakin. Hindi ko yun binigay.
"Tsk. Ano pa bang gusto mo?" Iritang tanong niya.
"Papasukin mo ko sa bahay niyo." Seryosong sabi ko.
"No."
"Papapasukin mo ko o iuuwi ko tong bag mo?" Taas kilay kong tanong.
"Tsk." Napangiti ako ng buksan niya ang gate nila.
Wow, ang ganda ng bahay nila. :O Two-storey house at may attic. Tapos may playground sa gilid. At may mga puno rin.
Lumahad sya. "Bag." Plain na sabi niya.
"Papasok na ko a?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya at tumuloy na sa sala nila.
Umupo ako sa sofa. "Oh, hijo anak nandyan ka na pala." Sabi ng isang babaeng mid 30's. So, nanay ko pala ito sa future? Ang ganda nya a!
Nagulat sya nang ako ang makita niyang nakaupo at tumingin sya kay Eros na naghubad ng sapatos at coat ng uniform niya.
Tumayo naman ako at ngumiti. "Hi po tita. Good afternoon po. Uhm, ako nga po pala si Eris Cua. Kaklase ko po itong si Eros. At may sasabihin po ako sa inyo. Gusto ko po sanang malaman niyong mahal na mahal ko po yung anak ninyo at gusto ko po siyang ligawan. Sana po ay pumayag kayo." Dire-diretso kong sabi na nakapagpanganga sa mommy niya, sa daddy niyang kalalabas lang ng isang kwarto mula sa kaliwa, at nakapagpatigil kay Eros na umaakyat ng hagdan.
Mula sa pagkagulat ay napangiti ang mga magulang nya at pinaupo ako. Umupo sila sa harap ko at patuloy nang umakyat si Eros.
"Hija, hindi ka ba nagkakamali?" Sabi ng daddy nya.
"Hindi po tito. Mahal na mahal ko po siya kaya kahit ako ang manligaw, okay lang po. Saka, wala po kasing gusto saakin si Eros. Kaya ginagawa ko po ito. 5 months na po akong nagtatanong at kanina ko lang po siya nasopla at hindi na siya nakaangal pa. Ang galing ko nga po e, pag kausap ko po sya, minsan hindi na po sya nananalo sakin. Hehehe." Tuloy-tuloy na sabi ko.
"Mukhang may hindi pa sya alam, Robert." Hindi ko narinig ang sinabi ni tita.
"Ano po ulit?" Nakangiti paring tanong ko.
"Ah, wala hija. Kung dyan ka masaya. Isa pa, wag kang maingay kay Eros. Dahil sa nakikita ko. Nakahanap na sya ng katapat nya." Napatawa naman ako bahagya sa sinabi ni tita.
"Oo nga po, tita. Nakikita ko pong minsan naiirita sya sakin dahil palagi kaming tie sa scores." Napamangha naman silang dalawa sakin. Did I say something wrong? Baka naman badshot na ko? Naku, dapat yata magdahan dahan ako sa mga sinasabi ko.
"Nakakatuwa ka naman, hija. I like you for my son." Sabi ni tito at nagtinginan silang dalawa at ngumiti.
"Paano niyo naman po nasabi? Ngayon lang po tayo nagkakilala." Nahihiyang sabi ko. Aba, flattered ako e. Hihi.
"Nakikita kong mabait ka hija, totoong tao at walang kyeme. Isa pa, matalino ka rin pala." Sabi ni tita. Napangiti naman ako.
"At more than that. Mahal mo si Eros dahil nagpaalam ka pa saamin. Nakakahiya at ikaw pa ang babae, ikaw pa ang nanliligaw." Sabat pa ni tito.
Nakikita rin kaya iyon ni Eros? Hays.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...