Siguro ay naninibago lang ako? O hindi ko kailangan manibago dahil hindi naman talaga naging ganoon sa umpisa at walang nagbago? Baka masyado lang akong umasa?
Siguro nga. Masyado lang akong umasa na magiging malambing sa akin si Eros.
Lumipas na ang isang linggong ganito siya sa akin. Hindi naman sa naghahangad akong higit pa siya dito, iba lang talaga sa inakala kong set up namin kapag kami na.
Akala ko kapag sinagot niya na ako, akala ko...
"Aray!" Mahinang tili ko dahil may tumalsik sa aking lukot na papel. Napatingin ako sa harapan kung saan ito galing.
Mrs. Maclang. Matalas ang tingin nito sa akin kasabay ng napukaw na atensyon ng buong klase. Tahimik ang lahat at naghihintay na pagalitan ako ng aming guro.
"Stand up and answer the problem on the board." Istriktong utos nito sa akin. Kanina pa ba ako tulala?
Tumayo ako at lumakad papunta sa whiteboard habang tinitignan ko ang problem na nakasulat sa board.
Dinampot ko ang marker at sinimulang isulat ang sagot ko sa board. Wala sa sariling bumalik ako sa upuan ko.
Ni hindi ko na namalayang tinuloy nila ang discussion matapos kong umupo.
Hindi ko alam. Ilang gabi na ako walang tulog kaya siguro lumulutang ang isip ko ngayon.
Pagkalabas na pagkalabas ni Mrs. Maclang ay yumuko agad ako sa armchair ko hanggang sa makatulog ako.
Nagising nalang ako nang makarinig ako ng ingay. Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko.
Ah. Uwian na pala.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas narin ng classroom. Nagulat nalang ako ng biglang lumapit sa akin ang isang matangkad na lalaki.
"Tatum."
"Pauwi ka na ba?" Tanong nito sa akin. Tumango lamang ako at naglakad na kaming dalawa patungo sa classroom ni bebe Eros.
Ihahatid ko muna si bebe bago ako umuwi. "May team ka na ba sa PE?" Usisa ni Tatum na hindi parin pala umaalis sa tabi ko.
Umiling lang ako sa kaniya habang lumilinga-linga ako at hinahanap si Bebe. Nasaan na kaya 'yun? Bakit iilang tao nalang natitira sa classroom nila?
"Then, can you join my team?" Masiglang aya nito sa akin.
Nang hindi ko mahanap si Eros ay tumingin na ako kay Tatum.
"Sorry, Tatum. Ka-partner ko na kasi si Eros."
"Sa Volleyball nalang kung ganun." Bumuntong hininga ako. "Are you okay? You look so pale." Talaga? Hindi kasi ako nakapaglunch dahil nakatulog ako. Nawawala pa si Eros. Nahihilo na ako.
"Ayos lang ako. Sige, isali mo ako sa Volleyball team."
"Alright, thanks." Nagwink pa si Tatum sabay talikod sa akin at naglakad na siya palayo.
"Wait!" Tawag ko sa kaniya. "Pwede bang magkasama ang boys and girls?" Sigaw ko pa dahil medyo malayo na siya.
Hindi man lang siya tumigil sa paglalakad, tinaas lang niya ang kamay niya at kumaway habang nakatalikod sa akin. Anong nangyari doon? Alam niya ba na babae ang inaya niyang kagrupo? Bakit di man lang niya nilingon ang tanong ko?
Tumalikod na ako para sana lumabas na ng building nang makita ko si Beb Eros na nakatayo at nakatingin lamang sa akin. Napalitan ng ngiti ang simangot sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...