Chapter 27: Who are you?

17 1 0
                                    

Ilang araw matapos kumpirmahin ni baby Eros na sinagot na niya ako, napag-usapan naming muling lumabas at magdate.

'Di gaya dati, siya ang sumundo sa akin sa bahay. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.

Noon, hindi ko man lang siya makausap. Hindi ko man lang siya maabot. Pero ngayon, kami na.

Kami na.

Kami na.

SHEEEEEEMS KINIKILIG PARIN AKO. Punong-puno parin ng ga-libong paru-paro ang tiyan ko. Hindi parin nagbabago kung gaano ko kamahal si Eros at kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin.

Nakasuot lamang siya ng blue shirt, white shorts, red orange na shoes, at shades.

Habang ako naman ay nakasuot ng high-waist lose shorts na maong pero white ang color at large blue shirt na nakatupi ang sleeves para sumakto ito sa haba ng braso ko. Nakasuot lamang ako ng isang rubber shoes na white.

Ilang oras rin kaming bumyahe at ngayo'y dumating na rin sa wakas sa aming destinasyon. Dinala lamang kami ng aming mga sarili sa isang moseo ng sining sa Antipolo.

Ito ay mahigit isang ektaryang moseo na nakapagpamangha sa aming dalawa.

Talaga nga namang napakaganda rito. Bukod sa kagandahang taglay ng moseong ito at ng mga nasa loob, nakakamangha rin ang matutunang kwento at history dala ng mga likhang sining na narito.

Lubos talaga akong tagahanga ng sining. Siguro ay dala narin ng aking frustration sapagkat hindi ako kagalingan sa pagguhit, pagkulay, at pagpinta. Gayunpaman, marunong akong mag-appreciate ng mga ito.

"You're forgetting you're not alone." Bulong ng aking katabing gwapong-gwapo sa kanyang seryosong mukha at medyo nakakunot na noo.

Talaga nga namang sobrang cute nitong bebe ko! Niyakap ko ang  kaliwang braso niya at kinalabit ito ng paulit-ulit gamit ang kaliwang hintuturo ko. "Kahit kailan, hindi ko makakalimutang hindi na ako nag-iisa dahil nandito ka na sa buhay ko."

Tinignan niya lamang ako at mas kumunot ang kaniyang noo. Kasabay ng pagsimangot niya ay ang pag-alis niya sa pagkakayakap ko sa kaniyang bisig.

Tumalikod siya sa akin at doon ko nakita ang pulang-pulang batok niya.

Napangiti ako at tumakbo ako papunta sa kaniya dahil ang bilis niyang maglakad palayo. Grabe, pinagseselosan ba niya ang artworks na narito? Kung ganon, sobrang cute naman niya at natutuwa ako dahil doon!

Nang maabutan ko siya, agad kong hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at pinaharap siya sa akin. "Bebe, dito ka lang sa akin."

Nginitian ko siya at hinatak na upang pareho kaming magtingin-tingin dito.

Hindi naman siya nagreklamo at nanatiling pula ang kaniyang tenga.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatingin siya sa artwork na nasa harap namin.

Tila ba hindi mahihigitan ng aking tinititignan ang napakagandang ipininta isang daang taon nang nakakalipas.

Hindi lamang ako makapaniwalang sa akin na ang taong ito. Hinayaan niyang mahulog ang sarili niya sa akin. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko na parang lumulutang ako ngayon sa ulap.

Grabe, gusto ko siyang kurutin sa pisngi.

"Baby, huwag kang cute." Nahihiya ako kaya napayuko agad ako pagkasabi ko.

"What do you mean?" Pagtatanong niya na parang naguguluhan sa sinabi ko.

Nanatili akong nakayuko at sinilip ang mukha niyang napaka-clueless.

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon