" What's happening to you Andrei?!"
Seryoso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Naramdaman kong unti-unti siyang nag-li-lean forward.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakataas ang isa kong kamay na hawak niya ngayon at naka-pin ito sa wall.
Iniwas ko ang mukha ko. Lumingon ako sa kanan ko.
"Shit." I heard him cursed silently. "You want Eros?" He asked.
"Fvck, nandito ako! Hindi ka naman gusto nung tao diba?" He added. What the hell is he saying?!
"A-andrei.." I almost whispered. The hell.
He suddenly kissed my cheeks.
Nagulat ako. Ibang Andrei ang may hawak sa'kin ngayon. Ibang-iba.
Hindi ito ang Andrei na nakilala ko. Gentleman, caring at inosente, hindi siya ang Andrei na 'to.
"P-please Andrei... I-itigal mo na 'to." Pakiusap ko.
Pero hindi, hinalikan niya ulit ang pisngi ko. Paulit-ulit at pilit na hinuhuli ang mga labi ko.
Nagpumiglas ako. "Andrei! Stop it!" I finally shouted.
Nagsmirk lang siya. "Damn it. Gusto mo si Eros pero hindi ka niya gusto. Gusto kita pero hindi mo ko gusto. What a shit life."
"Wag ka nang umasa sa kaniya. Tingin mo ba magugustuhan ka din niya? Hindi ikaw ang tipo niya. Hindi ikaw ang magugustuhan niya. Nakikita ko sa kaniyang nakukulitan at naaawa lang siya sa'yo." Ouch ha. Ouch.
Nakuha kong hugutin ang isang kamay ko. Sinampal ko siya. Sobrang lakas.
"I hate you Andrei! I hate you!" Bulalas ko.
Nagsmirk pa siya.
Akmang hahalikan niya ako sa leeg. Napapikit ako.
Pero bigla nalang siyang tumumba. Nakarinig ako ng ilang mga suntok at sigaw.
Dinilat ko ang mata ko at nakita ko siya.
"E-eros.."
Tumingin siya sa'kin saglit at sinuntok niya si Andrei sa tyan. Napahiga ito at hindi na makatayo. May mga sugat ito sa mukha.
Hinatak ako ni Eros. "Don't ever fvcking hold this girl again." Sabi niya kay Andrei na nakahiga parin.
Hinatak na ako ni Eros hanggang sa makalayo kami doon. Bigla nalang kaming tumigil nang makita naming nasa field na pala kami.
Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Eros. "Sabi ko na e, walang gagawing maganda sa'yo 'yun." Hinimas niya pa ang likod at ulo ko. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka niya? Hey! Hey don't cry! Tsk. Bakit ka ba umiiyak?! Shit." Natatarantang tanong niya nang marinig ang mga hikbi ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ako naiyak.
Siguro dahil hanggang ngayon hindi ako naniniwalang kayang gawin 'yun sa'kin ni Andrei.
At hindi ako naniniwalang iniligtas ako ng taong mahal ko.
Na ipinagtanggol niya ako.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Nagulat pa siya pero napangiti ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko. Niyakap niya ko pabalik.
"I love you Eros. Mahal na mahal talaga kita." I sobbed. "Thank you. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung hindi ka dumating. Thank you talaga."
Hinagod lang niya ang likod ko.
"Tara higa tayo dito." Aya ko. Damuhan naman ang field kaya okay lang. Isa pa, nakapants na ko ngayon at longsleeves dahil nagpalit ako kanina bago pa man ako umalis sa backstage.
Kumalas na ako sa yakap at humiga sa damuhan. Natawa nalang siya at humiga sa tabi ko. Unan niya ang dalawa niyang kamay at nakatingin lang sa langit.
Napangiti ako. Buti nalang wala na siyang toyo. Hihi.
Tumingin ako sa relo ko.
Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang oras.
20 seconds..
15...
10...
5...
'3... 2... 1...' I counted sa utak ko.
"I love you!" I said as the fireworks started to be displayed.
Tumingin ako sa kaniya. He was smiling too.
Eros' POV
Nakakainis talaga 'yung gagong 'yun!
Buti nalang, dumating ako agad. Kung hindi, baka mapatay ko siya kung gagalawin niya si Eris! Tangina!
Nakakatuwa talaga 'tong si Eris. Ginagawa niya ang lahat para lang malibang ako habang kasama ko siya, kahit na kahit kailan hindi naman ako na-bored habang kasama siya.
Gaya ngayon, hindi ko alam kung bakit nakangiti ako. Mukha lang gago. Nakangiti nang walang dahilan. Ewan ko, basta hindi ko lang mapigilan.
"Baby.. Pwede ba kitang yakapin?" Tanong niya sa'kin habang naka-tingin sa fireworks.
Tumingin ako sa kaniya at natawa nalang ako. Bakit ba hindi ako mahulog sa babaeng 'to?
Niyakap niya ko habang nanonood kami ng fireworks display ng school namin, nakaramdam ako ng parang init at kuryente na dumaloy sa katawan ko na yakap yakap niya ngayon.
Dahil ba mahal ko parin si Ericka?
O dahil natatakot ako?
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Подростковая литератураIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...