Chapter 21: Leaving

25 1 3
                                    

Umuwi agad ako sa bahay at tinawagan si Kuya.

"Hello kuya!" Masiglang bati ko. Miss na miss ko na talaga siya! Silang dalawa ni mama! Grabe. Sana umuwi naman na sila dito kahit saglit lang kaso mahirap kasing mag-ipon at magbakasyon mula sa trabaho kaya naiintindihan ko.

"Eris. Kamusta ka na?" Medyo seryosong tugon ni Kuya.

"Kuya, eto. Maayos naman! Miss ko na kayo Kuya! Kailan niyo ba ko dadalawin? Para naman mameet niyo na si future ko. Malapit na yatang maging kami! Omg talaga! HAHAHAHAHA"

Masayang masaya akong nagkukwento habang mukhang pilit ang mga tawa niya. Anong problema? Ayos lang naman sa kanila yung tungkol kay Eros eh. Pero bakit parang may problema?

"Bakit Kuya?" Tawag ko sa kanya nang mapansin kong kakaiba ang aura niya kahit na magka-audio call lang naman kami.

"Wala naman.." Parang nag-aalangang sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit nga kuya?" Pangungulit ko.

"A-ah. Ano kasi Eris-" Bakas parin sa tono niya ang pag-aalangan at mukhang nahihirapan pa siyang sabihin kung ano nang tumatakbo sa isip niya.

Di ko na napigilang putulin pa ang sinasabi niya. Nakakainip naman kasi maghintay! Pero kung si Eros lang naman, aba hindi ako mapapagod maghintay! Charot. "Ano?"

"Si papa."

Natigilan ako. Papa? Ano namang meron sa isang taong hindi naman nag-eexist?

Para bang bigla nalang akong nawalan ng gana at naramdaman ko ang pait sa puso ko. Wala na akong ibang naisip na maging reaksyon kung hindi, "Oh?"

"He wants to meet you." Diretso sa puntong sabi niya.

Napatawa ako nang mapait. Bakit niya naman biglang naisipang magpakita sa akin gayong hindi naman kami magkaano-ano, bukod sa hindi ko na mapuputol na ugnayan namin.

"Ayoko." Mabilis kong sagot. "Kuya, may iba ka pang sasabihin? Masama na kasi pakiramdam ko eh. Okay lang ba kung magpapahinga na ako?" Pagpapaalam ko.

Wala na daw at nagpaalam na rin siya.

Totoo namang sumama ang pakiramdam ko, pumait actually, dahil sa kaniya. Matapos ang ilang taon? Matapos niya akong kalimutan? Matapos ang ginawa niya?

Maya maya pa'y naramdaman ko ang pagbigat ng mga maya ko sabay ang pag-init ang mga ito. Huh, traydor. Akala ko ba tapos ko na siyang iyakan?

Nandito nanaman ako ngayon. Sa harding matagal ko nang binaon sa pinakailalim ng utak ko.

"This is for you." Sabay abot niya sa akin ng gumamela flower. "I won't let anyone else give you flowers, ate."

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kaniya.

Bakit mo ba kasi ako iniwan? Bakit ba kasi kailangang humantong sa ganitong sitwasyon kung saan ang pinakamamahal at pinakamahalagang tao sa buhay ko ay isang alaala nalang.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak. Bakit ko nga ba kailangang iyakan ang taong matagal nang patay para sa akin habang napapanaginipan ang nag-iisang taong bumuo sa buhay ko?

Agad akong bumangon at naligo. Nagddryer palang ako ng buhok nang mareceive ko ang text ni bebe Eros.

Eros:

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon