Kakatapos lang ng exam week namin. Hindi ito as usual, dahil talagang ginalingan ko!
Sino ba naman ang hindi maiinspire? Eh, kasama mong mag-aral ang pinakagwapong katauhan sa buong mundo!
"Bebe ko, nood tayo. Dali naaaa~" Pagpupumilit ko sa kaniya. Siya naman, nakakunot parin ang noo.
Kung ayaw niya, edi ako nalang! Hmp, mag aral nalang siya nang mabuti para sa future naming dalawa. Tss.
Itinayo ko ang cp ko sa harap ng patung-patong na libro ko at isinuot ko ang headset ko.
Nanood ako habang nagsosolve ng accounting problem.
Hindi pa ako masyadong nalilibang sa pinapanood ko nang makaramdam ako ng malakas na force sa braso ko.
Napalingon naman ako sa lukot lukot na karton na tumama sa akin. Inistop ko ang pinapanood ko at tumingin sa kaniya.
"Tss." Inunahan niya ako at umirap. Bakit naman ang sungit nito?
Tumayo ako at inilipat ang upuan ko sa tabi niya. Hihi. "Bakit baby?"
"Sino ka ba?" Inis na sabi niya na parang hindi naman nagtatanong.
Hahahahahaha!
Sobrang cute ng baby ko. Pinisil ko ang pisngi niya habang tumatawa at sumandal sa braso niya. Nagpabigat ako ng sobra habang nakasandal at pinagpatuloy ang pagsosolve. Ngunit, sa buong oras na yun, wala akong narinig na reklamo.
"ARAY!!!" Napasigaw ako sa kurot sa braso ko. Tinignan ko nang masama ang sinumang masamang nilalang na naglakas loob akong saktan.
"Ano bes? Tapos ka na ba managinip?" Inip na sabi ni Fatima.
"Edi wow ka po. Malamang ginising mo ko eh. Isa kang malaking istorbo." Sabi ko sabay irap sa kaniya.
Umirap lang siya at tumawa dahil nairita niya ako. Pinagpatuloy na naming dalawa ang pagkain ng Maki Roll.
Isusubo ko na sana yung sunod na Maki nang biglang nalaglag ung Maki sa plato ko.
Shet! Nakakahiya, todo nganga pa ako eh. WAHAHAHAHAHAHA.
"SHUNGA HAHAHAHAHAHAHAHAHAH" Malakas na tawa ni Fatima.
Tumawa lang kami nang malakas pero ang hindi ko maintindihan kung bakit tatlo ung boses ng tumatawa at ung isa, boses lalaki.
Napatigil kami ni Fatima at napatingin ako sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...