Chapter 19: Closer

28 1 1
                                    

On the way kami ngayon sa isang mall.

Lumingon ako sa bintana ng sasakyan. Doon ko nalang tinuon ang pansin ko. Kaysa pagtuunan ko ng pansin ang dalawang 'to.

"Babe, samahan mo ko bumili ng shoes later ha? Aattend kasi ako ng exhibit..." Sinuot ko ang earphone ko at hindi na pinagpatuloy ang pakikinig sa kanilang dalawa.

Ang ganda ganda na sana ng gising ko eh.

Eros texted me if I want to go with him sa mall. Nagulat ako kasi si Eros? Aayain ako? Really? Official date na ba to?! Hahahaha! So ayun nga. Of course I agreed with the idea. Aarte pa ba ko?

Sabi niya susunduin niya ko pero ako na ang pumunta sa bahay nila dahil 10 minutes late na siya.

I got there just to see Ericka hugging Eros' arms and begging to shop with her.

Why is she always a wrong timing? Damn.

So ayun nga. Here we are.

Coming together. Nasa car kami.

Nasa unahan silang dalawa. At ako nandito sa likod, mukhang chaperone.

Tapos ang landi-landi pa ng boses ng hayop. Nakakairita lang.

Ni hindi nga nila ko pinapansin dito. Damn, mali pa yata ang desisyon kong sumama. May next time pa naman siguro.

Maya maya pa nakarating na kami sa parking ng mall. Pagkapatay ng kotse, nauna na akong bumaba.

Pinagbuksan ko agad ng pintuan si Eros. Nagulat naman siya sa akin. You're welcome, sabi ko sa utak ko and I smiled at him.

Of course, I'm still courting him, so even through simple things, I need to show him that I care and I'm never a pabigat. Just like someone who's already hugging Eros' right arm and dragging him to the entrance of the mall.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Naiinis ako sa babaeng 'yun. Hindi ba siya marunong makiramdam? Baliw na ata. Ugh

Nakasimangot akong sumusunod sa kanilang dalawa nang lumingon sakin si Eros. Agad akong ngumiti ng malaki at tumakbo papunta sa left side niya, but I didn't dare touch him. Rule #1, respect him, which means never take advantage.

Naglalakad kami ngayon sa mall nang hatakin siya ni Ericka sa isang mamahaling botique ng sapatos. I bet this is her favorite shop. It's obvious because the salesladies are greeting her and calling her by her name.

Halata namang napipilitan si Eros na tumango sa twing tinatanong siya ni Ericka kung bagay ba sa kaniya ang mga sinusukat niya.

I wonder how Ericka can easily approach him and make him be with her just like that. I tried so many times pero hindi ko nagawang maging ganyan si Eros sakin. But still, I'm Eris. No one dares to win over me.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at kinuha ang isang pointed heels. Binigay ko yun kay Ericka at sinabing, "This suits you well." She just looked at the shoe I gave her, a killer heels. Hahaha! Look at her, maging siya ay natakot sa sapatos na yun. Napailing lang si Eros. Binayaran na ni Ericka ang sapatos, not the one I handed her though, so I asked Eros kung gutom na ba siya.

"Hindi pa, ikaw?" I smiled at his thought na tanungin din ako. "Hindi parin. Pwede mo ba akong samahan? May titignan lang ako sa bookstore." I answered.

He nodded. We were heading to the bookstore when Ericka insisted to eat first. "I'm really hungry, babe. I wanna eat na."

I looked at her. Konti nalang at mapupuno na ako sa babaeng 'to.

"Saglit lang ako." Nagtitimping sabi ko.

"Babe..." Pagpapacute niya kay Eros. Napairap nalang ako. Wtf konti nalang mukha na siyang bulldog.

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon